Chapter 4

11.8K 239 17
                                    

Kasalukuyang naglalaba si Natasha ng mga damit ng kaniyang mga amo. Ayaw kasing pagamitin sa kaniya ni donya Salvi ang washing machine with dryer at baka raw masira niya iyon kaya naman buong maghapon siyang nagkukuskos ng damit, halos na nga magkasugat-sugat ang kaniyang mga kamay kakalaba.

"What did you with my dress?!"

Nagulat si Natasha sa biglaang pagsulpot ni donya Salvi sa kaniyang harapan. Tinignan niya ito sa mukha at nakita niya kung paano umuusok ang ilong ng matanda.

"Anong ginawa ko po, ma'am?"

"Ginawa? At tinatanong mo ako kung anong ginawa mong kapalpakan? Iyan!"

Biglang ibinato sa kaniya ang puting dress. "Alam mo ba kung anong kulay dati 'yan? Royal blue... pero dahil sa nilagyan mo ng bleach ang damit ko nagmukha tuloy siyang puti! Putang ina mo naman, Natasha! Sa US ko pa 'yan binili tapos sasayangin mo lang?"

"Pasensya na po talaga, madam sa susunod po aayusin ko na po ang trabaho ko," nakayukong sambit ni Natasha

Akala niya ay madadala ang matanda sa paghingi niya ng paumahin pero laking gulat niya nang biglang hilahin ang mahaba niyang buhok at inginudngod ang ulo nito sa kaniyang nilalabahan.

"Kahit kailan talaga perwisyo kayong mag-ina sa pamilya ko!"

"Madam, tama na po... parang awa ninyo na po," mangiyak-ngiyak na sambit ni Natasha sa ginang

Pero sa halip na pakinggan ang pagsusumamo ng dalaga ay mas lalo pa itong isinubsob sa palangana.

"You deserved that, Natasha! Diyan ka nababagay," aniya at saka niya nilisan ang dalaga

Punong-puno ng sabon ang katawan ng dalaga, may konting pasa na rin ang kaniyang braso pero balewala lang iyon kay Natasha, ang importante sa kaniya ay may maipadala siyang pera sa kaniyang pamilya sa probinsya lalo nang tanging siya lang ang inaasahan ng kaniyang mga magulang.

Laban lang Natasha! Anong malay mo baka bukas mayaman ka na at siya naman itong mahirap. Hindi mo alam ang posibleng mangyari bukas.

Pagkatapos niyang maligo ay kaagad siyang dumiretso ng kusina upang tulungan ang iba pa niyang kasamahan na maghain ng pagkain sa mesa.

Maya- maya pa ay nagsidatingan naman ang mga amo niya at prenteng umupo sa mala- dugong bughaw nitong upuan.

Nagsi-upuan naman yung iba niyang kasamahan kaya kaagad naman umupo si Natasha. Nang magsasandok na sana ang dalaga sa kaniyang plato ng kanin ay saka namang nagsalita si donya Salvi.

"Sinabi ko bang kumain ka, Natasha?"

"Po?"

Hindi siya sigurado sa kaniyang narinig marahil natulig lang ang kaniyang mga tenga pero naging malinaw na ito nang muling nagsalita ang matanda.

"I said, hindi ka kakain ngayong gabi... iyan ang parusa ko sa kapalpakan na ginawa mo sa damit ko kaya tumayo ka na diyan at panuorin mo lang kaming kumain."

Kahit na takam na takam si Natasha sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa ay napilitan siyang tumayo at panuorin lang silang kumakain.

Pinipilit niyang 'wag tumulo ang kaniyang laway dahil kanina pa siya takam na takam sa kinakain ng mga ito.

Pagkatapos nilang kumain ay kaagad na tumayo ang ginang sabay sabing,

"Siguruduhin ninyo lang na itapon ang lahat ng mga pagkain na natira at walang kahit isang putahe ang puwedeng kainin ni Natasha, do you understand?"

"Yes po, madam," sabay-sabay nilang sambit habang nakayuko pa rin ang kanilang mga ulo

"Good," ani nito at saka umakyat ng kaniyang kwarto

Pumasok na lang si Natasha sa kaniyang kwarto at walang nagawa kundi ang itulog na lang ang kaniyang gutom. Nagbabakasakali siyang kahit sa panaginip lang niya ay kumakain siya ng mga masasarap na pagkain.

Pero pasadong ala una ng umaga nang biglang tumunog ang kaniyang tiyan, sa una ay isinawalang bahala lang niya iyon dahil sa antok antok pa siya pero habang tumatagal ay mas lalo iyong nagrereklamo kaya naman napilitan siyang bumangon at pumunta sa kusina.

Pagkabukas niya ng kaldero ay walang kanin iyong laman, binuksan naman niya ang refrigerator ay maging doon ay walang pagkain na nakita at doon na lamang siya napahagulhol.

Anong klaseng lugar ba itong napasukan ko? At mas masahol pa sa hayop kung ako nila itrato.

Saktong pagsarado niya ng refrigerator ay may nakita siyang mahabang buhok na may puting bestida, aakalain mo talagang white lady ang nakita niya kung hindi lang ito bumanghalit ng tawa.

"Anong ginagawa mo rito, Natasha? 'Dis oras na ng gabi ah," nakangiting sambit ng ate Kris sa kaniya

Pero sa halip na ngumiti siya rito ay mas lalo lang niya iyon sinimangutan. Ikaw ba naman yung maghapon kang nagtrabaho at pagsapit ng gabi ay hindi ka nila pakakainin?

Maya-maya pa may inilabas na bagay mula sa likod ng kaniyang ate Kris at pagtingin niya ay halos maluha-luha siya rito. Isang pinggan na may laman lang naman ng kanin at ulam na adobo ang ibinigay nito kay Natasha.

"Naalala kasi kita kaya patago akong kumuha ng mga pagkain. Pasensya na kung iyan lamang ang pagkaing maibibigay ko sa'yo, alam mo namang sobrang matapobre ang amo natin."

Sa sobrang saya ng kaniyang nararamdaman ay niyakap niya ng mahigpit ang tinuturing niyang ate at gayun din ito sa kaniya, niyakap siya ng pabalik.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay hinila siya nito papunta sa kwarto ni Natasha at baka magising si donya Salvi at pareho silang pagalitan.

Halos hindi niya malunok ang kaniyang kinakain dahil sa sobrang sarap ng kaniyang kinakain. Hindi niya akalain na makakain pa siya kahit na hindi na iyon maituturing na pang-gabing pagkain.

Pagkatapos niyang kumain ay napagdesisyunan niyang bisitahin ang bulag niyang amo.

Tulog naman siguro si donya Salvi at hindi na niya ako pagagalitan.

Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at ingat na ingat siyang umaapak sa sahig, bawal kasing magresulta iyon ng ingay lalo pang katabing kwarto lang ang kwarto ng matandang hukluban.

Pagkapasok niya sa kwarto ay tumambad sa kaniya ang mahimbing na natutulog na si Kurt. Kaagad niyang hinila ang kumot nito, na nasa panaan lang ito at saka niya kinumutan ito.

Papatayin niya sana ang ilaw ng kwarto nang may narinig siyang boses.

"Don't turn off the light. I'm scared."

Nang dahil sa sinabi ng binata ay hindi na niya sinubukang i-off ang switch ng ilaw.

"At bakit ka naman natatakot? I love darkness kasi doon mo lang ma- aapreciate ang liwanag kung ito'y madilim."

"I don't think so because darkness gives you negativity."

Napakunot lang ang dalaga sa sinabi ni Kurt. Hindi niya kasi mawari kung anong gustong ipahiwatig ng binata.

"Matulog ka na nga," nakangiting sambit ni Natasha sa binata

"Can I have a request?"

Nagdadalawang-isip pa ang binata kung sasabihin ba niya iyon kay Maria o hindi. Baka kasi iba ang interpretation ng dalaga sa sinabi niya.

"Can you be my light? Can be my eyes? Natatakot akong balutin ng dilim ang buhay ko," he confessed

Hindi niya naramdaman ang dalaga marahil nakaalis na iyon sa kaniyang kwarto pero nagulat na lang siya nang isang yakap ang naramdaman niya.

"Oo naman, tinatanong pa ba iyon, Kurt? Gusto kong ako ang magiging liwanag at mata mo sa panahong binabalot ka ng dilim at hindi ka nakakakita... kung gusto mo bukas na bukas din tulungan kitang maibalik muli ang iyong alaala."

Kahit hindi niya nakikita ang dalaga ay alam niyang nakangiti ito sa kaniya.

He wonders, 'ano kaya ang itsura niya? Maganda ba siya? She claimed that she's ugly but I doubt it. I knew... she lied.'

And all of the sudden, a little smile formed into his lips. He realized that he found a new friend... a special friend.

The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon