“So what happened to her? Is she survived?”
Umiling-iling lang ako sa tanong ng writer. Sabi niya, gagawin niyang libro ang buhay pag-ibig ko kaya pumayag akong magpa-interview sa kaniya kahit na ang totoo hindi ko kayang ikuwento ang nangyari sa aming dalawa ni Natasha.
Nakaligtas nga ba siya? Hindi ko alam, 'yan palagi ang sagot ko sa utak ko.
“Okay lang kung ayaw mong ikuwento sa akin, Kurt. Fiction naman ang libro ko, babaguhin ko naman ang mga pangalan ng bida sa libro upang hindi ka makilala ng mambabasa.”
“No. It's alright. I can handle this pain.”
“Is she survived, Kurt?”
“I don't know. Hinihintay ko pa rin siyang bumalik sa akin.”
“Ha?”
Tinanggal ko ang eye shades na nakatakip sa namamaga kong kakaiyak. Araw-araw at gabi-gabi akong umiiyak at nag-iinom ng alak.
Kitang-kita ko sa mukha ng author na masyado siyang naguguluhan sa takbo ng istorya naming dalawa.
“If I survive, can I go home?” Hinang-hina niyang sambit
Dahil sa may sakit ang asawa ko namatay ang baby sa tiyan niya. Hindi pa rin umaalis ang cancer kay Natasha at sabi ng doctor mas lalo pang kumalat ito sa katawan ng asawa ko.
Kaagad kong hinalikan ang kaniyang noo at hinigpitan ang kaniyang mga kamay.
“Uuwi pa tayo, Natasha. Naghihintay pa si Raphael sa atin.”
“Miss ko na ang anak natin. Kailan ba tayo uuwi? Pagod na ako.”
Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili ko na 'wag humagulhol. Ayokong maging mahina lalo na posibleng ito na ang araw na huli ko siyang mahahawakan, mahahalikan at makikita ko ang kaniyang mukha.
“Sa lalong madaling panahon. Makakauwi ka, Natasha.”
Ngumiti siya sa akin at nahahalata kong tinatakpan lang niya ang sakit na kaniyang nadarama sa pag ngiti.
“Kantahan mo naman ako, Kurt. Hindi ako makatulog eh.”
Sandali akong tumayo at kinuha ang gitara at inumpisahan ko na iyong kalabitin.
Ipinikit ko ang aking mga mata upang madama ko ang mensahe ng kanta.
Amnesia by 5 seconds summer
I drove all the places we used to hang out getting wasted
I thought our last kiss, how it felt the way you tasted
And even though your friends tell me you're doing fine.Kahit man sa kalooban ko, bibitawan ko na ang iyong mga kamay upang hindi ka na mahirapan pa. Kahit masakit kailangan na kitang pakawalan.
Are you somewhere feeling lonely even though he's right beside you?
When he says those words that hurt you, do you read the one I wrote you.Sometimes I start to wonder , was it just a lie?
If what we had is real, how could you be fine.'Cause I'm not fine at all
Totoo ba itong nangyari sa buhay ko? O isa ito sa bangungot kong matagal ko ng kinakatakutan. Kung ito man ay isa sa bangungot, ayoko nang magising pa.
I remember the day you told me you were leaving
I remember the make-up running down your face
And the dreams you left behind you didn't need them
Like every single wish we ever made
I wish I could wake up with amnesia
And forget the stupid little things
Like the way I felt to fall asleep next to you
And the memories I never escape'Cause I'm fine at all
Bigla akong natigilan sa pagkanta at napatingin ako sa asawa ko. Dali-dali kong niyugyog si Natasha, hindi na siya gumagalaw sa kaniyang kinahihigaan.
“I lost my second baby especially her.”
“What do you mean?” Takang tanong ng writer
Pinunasan ko ang mga luhang bumagsak sa aking mga mata.
“She died.”
“Oh? Sorry.”
Ngumiti ako ng mapait sa kaniya. “Kailan ko kaya mababasa ang librong sinulat mo?”
“Hintayin mo na lang sa limang buwan. Ire-release kaagad iyon ng Publishing house.”
“I'll wait then.”
Tumayo na ang writer at nakipagkamay siya sa akin.
“It's my pleasure to met you, Kurt. The real Kurt behind my story The Blind Billionaire's Maid.”
“It's my honor to be your inspiration behind your novel.”
After 5 months, the book of The Blind Billionaire's Maid is released. Wala na akong hinintay na oras at kaagad ko iyong binili.
Out of stock kaagad ang bagong labas na libro dahil bukod sa sikat na ang author na nagsulat ay maganda rin ang paglalahad ng istorya naming dalawa ni Natasha.
Napangiti na lang ako nang nabasa ko ang huli kong sinabi sa writer na nagsulat nito. Kasalukuyan akong nagbabasa ng kaniyang nobela habang ako ay nagkakape.
“I know how it ends. Of course I know. I just forgot how to began.”
Napatingin na lang ako sa bintana habang iniisip ko ang mga bagay-bagay na gumugulo sa utak ko.
Minsan yung akala nating siya na ang The one sa atin ay siya pa ang hindi natin makakatuluyan sa huli.
Tanggap ko nang wala na siya at tanggap ko na rin na kahit anong gawin ko ay hindi na siya maibabalik sa aking piling.
Because I'm Kurt Jhudiel Damasco Milo, isa akong Bilyornaryong bulag na na-inlove sa kasambahay ko at ngayon siya ang namayapa kong asawa and that's how it ends our story.
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
General FictionNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...