Chapter 28

3.7K 62 1
                                    

"Without challenges, our life is not thrill." - Mary France Buban

"All I need is someone who never judge me. Someone who lend their ears for my drama and someone give me light when I'm in darkness." - Kurt Jhudiel Damasco Milo

My life is just a messed. Full of doubt, full of insecurities.

Sinasabi ng iba na masyado raw akong bobo para maging anak ng mga magulang ko. Walang ginawa kundi ang bigyan ng sila ng ulo sa tuwing bumabagsak ang mga grado ko noong college ako.

"What a crap is this, Kurt? Seriously, Kurt? 5 ang average mo sa calculus?! Nagpapatawa ka ba? I'm so disappointed you, son!"

"Anong magagawa ko kung iyan naman talaga ang kaya ng utak ko. Hindi ninyo ako ka-level. I'm very proud that I'm your the most numb son!" I clapped my hands twice pero nang dahil sa ginawa kong pang-uuyam ay bigla na lang niya akong sinuntok sa mukha.

Nasubasob ako sa sahig sa malakas niyang pagkakasuntok sa akin. Pinunasan ko ang dugong tumulo sa aking pumutok na labi. Kaagad akong tumayo na para bang walang nangyari, hinagod ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at saka ko siya nginisihan.

Magsasalita sana siya nang biglang dumating si Jaydee, ang kaibigan ko. Ang laging bukam-bibig ni dad at ang laging pinagkukumpra sa akin. Pakiramdam ko nga mas gusto niyang maging anak ang kaibigan ko kaysa sa akin? Bakit hindi na lang siya ang naging anak niya kaysa ako?

"Look at him, son just look at him. He's now CEO of his company at ikaw halos tubuan ka ng ugat sa college pero hindi ka pa rin maka-graduate. Bakit hindi mo siya gayahin, Kurt? Nang sa ganun hindi ka na maging pabigat sa pamilya ko."

I rolled my eyes when I heard those words. I hate it. I really hate it. Ngumiti na lang ako sa kanila ng mapait . Ayokong aminin sa kanila na nasasaktan ako sa harap-harapan na pagkukumpara sa akin sa kaibigan ko na si Jaydee.

Bigla na lang akong nagising sa pagkakatulog ko nang naramdaman ko ang init ng araw. Napasandal na lang ako sa kama.

Looking forward to a new day with full of darkness, Kurt. Bravo.

Humugot ako ng isang napakahabang buntong hininga at saka ko pinakiramdaman ang buong paligid.

Isang kalabog na lang ang narinig ko sa ibaba ng kwarto. Sa sobrang curious ko kung anong nangyayari roon ay kaagad akong tumayo at kinapa-kapa ko ang dinadaanan ko upang makababa ako ng hagdan. Habang bumababa ako, palakas ng palakas ang naririnig ko.

"Putang inang, Natasha! Parang pagluluto lang ng kanin ay hindi mo pa magawa ng maayos? Paano ko ito makakain kung hilaw ang sinaing mo? Punyeta!"

May narinig na lang akong may ibinatong bagay ang mommy ko, paniguradong iyon ang kalderong may laman ng sinaing ng isa sa kasambahay namin.

"Subukan mong kainin 'yan, Natasha kung makain mo! Pagod ako sa mga negosyo namin tapos ito pa ang madadatnan ko?"

Isang malakas na sampal ang narinig ko. Bigla na lang akong napailing. Ganito ang mga magulang ko sa lahat ng naging kasambahay namin. Nagsimula kay Yaya Pasing hanggang sa sumunod at sa sumunod.

Sa tuwing minamaltrato sila bigla akong nakakaramdam ng awa. I don't know why, siguro dahil nasanay akong kasama sila kaysa sa mga magulang ko. Kung sino pa ang tinatawag na "Bobo" o "mangmang" ay sila pa ang unang nagturo sa akin kung paano magsulat at magbasa.

The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon