Chapter 2

15.1K 278 25
                                    

Sarap na sarap sa pagtulog si Natasha sa kaniyang pinapasukang bahay nang may biglang bumuhos sa kaniya ng malamig na tubig. Kung hindi lang niya nakikilala ang boses ng sumigaw ay hindi niya imumumulat ang kaniyang mga mata.

"Hoy! Kung iniisip mong buhay prinsesa ka rito puwes nagkakamali pa lang! Para sabihin ko sa'yo na hindi puwede pakupad-kupad sa trabaho. Kung sa probinsya ay nagagawa mong gumising ng tanghali puwes dito sa Maynila, ang bawat oras mo ay bayad. Bumangon ka riyan at baka mapagalitan tayo nang dahil sa iyo," naiinis na sambit ng matandang babae sa kaniya

Nang narinig niya ang sinabi nito ay papungas-pungas siyang napabalikwas sa kaniyang hinigaan.

"Ate naman eh! Kailangan ba talagang paliguin moa ko ng malamig na tubig?" Pagmamaktol na sambit ni Natasha

"Hoy, Natasha! Sige nga at bakit hindi ko 'yon gagawin sa iyo? Alas otso na ng umaga pero nakahilata ka pa rin diyan? Ano buhay prinsesa, ganoon? At matanong nga kita, anong trabahong pinasok mo rito?" nakataas na kilay na tanong sa kaniya ng matanda habang nakapameywang.

"Katulong po." Hindi naiwasan ni Natasha ang mapangiwi kung anong trabaho pinasukan niya, 'yon ang pagsilbihan ang mga taong nandito sa mansion.

"Oh? Alam mo naman pala." Mapaklang tumawa ang matanda. "Alam mo naman pala kung anong silbi mo sa mansion na ito. Umasta kang katulong, Natasha kung ayaw mong pag-initan ng mga amo natin. Hala! Kumilos ka nang bata ka! Ang kupad-kupad mo talaga kahit kailan! Parating na si Donya Salvi!"

"Sino po siya?"

"Nagtatanong ka kung sino si Donya Salvi? Eh 'yon ang magiging isa sa mga amo mo kaya kung ako sa iyo ay umayos ka." May nahihimigan siyang pagbabanta sa boses nito.

Inayos niya muna ang kaniyang hinigaan at saka niya inunat ang kaniyang mga kamay. Tinignan niya ang orasan na nakasabit sa dingding ng kaniyang kuwarto at halos nanglaki ang kaniyang mga mata nang ganoon siya ginising ng matanda.

Papikit-pikit siyang nagtungo sa banyo habang humihikab pa. Pilit niyang sinasanay ang kaniyang sarili sa ganitong trabaho. Ang buong akala niya kasi kapag pupunta siya ng Maynila ay doon siya makakahanap ng salapi na pangtustos sa kaniyang buong pamilya pero sadyang mahirap pa lang makatisod ng ganoong kalaking halaga lalo na kung ginto ang presyo ng mga bilihin.

Tamad-tamad siyang maligo. Kanina pa niya tinitigan ang tubig na umaago sa gripo, tila wala siyang pakialam kung mapuno man ng tubig ang baldeng gagamitin niya pangpaligo. Hindi niya naiwasang mapaluha habang tinitigan niya iyon, isang linggo pa lang siya sa mansion pero gustong-gusto na niyang umuwi ng probinsya pero palagi niyang iniisip ang kaniyang pamilya. Siya na lang ang inaasahan ng mga magulang niya sa pagpapaaral ng kaniyang mga kapatid at pagpapakain sa mga kuya at ate niya na mapahanggang ngayon ay hindi pa rin bumubukod sa kanilang bahay.

Hindi pa sana siya kikilos nang biglang kumalabog sa pintuan ng banyo ang mayordomang pinaglihi sa sama ng loob at palagi siyang sinisigawan.

"Hoy, babae! Bakit ang tagal mo riyan? Huwag mong sabihin na kinain mo na 'yong balde riyan! Anak ka ng nanay mo! Ilang sandali na lang ay darating na sila! T*ng ina naman, Natasha! Huwag mo na kaming idamay sa kadramahan mo, please lang," rinig niyang sigaw nito sa labas ng banyo

Dali-dali niyang pinunasan ang mga luhang pumatak sa kaniyang dalawang mata. "Opo, opo maliligo na," aniya at saka niya niya ibinuhos sa kaniyang katawan ang malamig na tubig.

Pagkatapos niyang maligo ay kaagad siyang nagbihis ng damit... 'yong matinong damit. Kilala si Natasha sa kanilang lugar bilang manang, lusyang at hindi marunong sa trend?

Paano siya makakasabay kung wala siyang pera? Hindi ka mag- glow up kung wala kang pera. Society sets the high standard of beauty.

Sinuklayan niya ang kaniyang mahabang buhok at saka niya itinali iyon. Humugot muna siya ng isang malalim na buntong hininga bago siya nagtungo sa sala para doon sasalubunin ang magiging mga amo niya.

The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon