"Flowers for you, hon."
Nakita niya ang pagkabigla ni Sasha sa pagdating ng kaniyang asawa. Kaagad nitong hinagkan si Enrico.
Hindi namalayan ni Kurt na naiyukom pala niya ang damit na tinutupi niya.
"Kawawa naman 'yung damit, Kurt."
Tinawanan siya ng mga kasamahan niya at tinignan lang niya ito ng masama kaya kaagad silang napabalik sa kani-kanilang ginagawa.
Pinagmasdan lang niya si Sasha na kinuha sa kamay ng asawa ang bulaklak. Ayan na naman ang kirot sa puso ko. Tuluyan nang humilom ang sugat sa kaniyang daliri na idinulot ng nabasag na pinggan pero 'yung puso niya ay nanatili pa rin iyong basag.
Parang hindi maatim niyang parating nakikita si Sasha na may kasamang lalake. Ayaw naman niyang ikompronta si Sasha dahil wala na siyang karapatan dito.
Napagdesisyunan niyang puntahan si Rafael sa kwarto at naabutan naman niya iyon na natutulog. Kaagad niya iyong kinumutan at saka hinalikan niya ang noo nito. Binuksan niya ang bintana ng kwarto ni Rafael at lumanghap ng sariwang hangin.
I miss my place. How I wish I can turn back time.
Pagkatapos niyang magpahangangin ay napansin niya ang mga litrato ni Rafael nang sanggol pa siya. May pagkahawig ang mukha nito noong sanggol pa lang si Kurt.
Takang-taka niya iyong tinitigan. Bakit pakiramdam niya may hindi tama sa mga nangyayari sa kaniya? Bakit ganun na lang ang kalapit ng loob niya sa bata? Maraming tanong ang bumabagabag sa kaniyang isipan at sumasakit lang ang ulo niya sa tuwing iniisip niya ang mga 'yon.
Nang napagtanto niyang mayroon pa pala siyang naiwan na trabaho sa baba ay kaagad niyang nilisan ang kwarto ng bata at kaagad naman na bumungad sa kaniya ang mukha ni Sasha na kasalukuyang abala sa pagluluto.
Nakita niya ang pagsulyap ng tingin nito sa kaniya kaya kaagad niyang ibinaling ang kaniyang tingin sa ibang direksyon.
"Bakit ka nagluluto ngayon? Anong meron?" takang tanong ni Kurt pero sa halip na sagutin siya nito ay inirapan lang siya ni Sasha.
"Okay, I'll giving up. Hindi ko pipilitin kung ayaw mong magkuwento."
Tatalikod na sana siya pero kunwari niya lang iyon dahil lubos niyang kilala si Maria, hindi ito makatiis na hindi makapagsalita. Palihim siyang napangiti nang nagtama ang hula niya.
"Wedding anniversary kasi namin ngayon at gusto ko sanang sorpresahin siya."
"Oh? Bakit? Nasaan ba ang magaling mong asawa?"
Nakita niya ang pagbusangot nito ng mukha and he find her cute.
"May emergency meeting kasi si Enrico kaya nagmadali siyang umalis."
"Alam ba niya na wedding anniversary ninyo ngayon?" kunot noong tanong ni Kurt kay Sasha
"I don't know. Maybe ipapaalala ko sa kaniya mamaya," malungkot nitong sambit
Napansin na lang ni Kurt na may mga pasa si Sasha kaya kaagad niyang hinawakan ang braso nito na siya namang ikinabigla ni Sasha.
"Saan mo 'to nakuha?"
Biglang binawi ni Sasha ang braso nito sa paghahawak ni Kurt.
"Sinasaktan ka ba ng asawa mo, senyorita?"
"Ano bang pakialam mo?"
"Dahil may pakialam ako sa'yo, Maria! I care about you! Hindi mo ba iyon napapansin?"
"Don't worry about me. I can handle myself even without you. Di ba mas pinili mo ang mga magulang mo kaysa sa akin?"
"Magpapaliwanag ako, Maria."
"No need. I don't want to hear any explanation coming from you, Kurt."
Tinawag nito ang mayordoma at siya na ang pinagluto ng mga pagkain. Huminga muna ng malalim si Kurt habang nakapikit ang kaniyang mga mata.
Talagang wala na akong pag-asa sa kaniya. Mukhang sinarado niya ang puso niya sa akin.
"Okay ka lang ba, Kurt?"
Natigilan siya sa pagmuni-muni at iminulat niya ang kaniyang mga mata, doon niya nakita si ate Kris na naging kaibigan ni Maria noong siya'y nagtatrabaho pa bilang kasambahay niya.
"Ayos lang po ako." He smiled at her pero alam ni Kris na nagsisinungaling si Kurt dahil hindi iyon umabot sa mata, tila may bahid na kalungkutan.
"Alam kong hindi ka okay, puwede mo naman akong kausapin kapag hindi mo na kaya ang pinagdadaanan mo," nakangiti nitong sambit sa kaniya
Aaminin niya, simula nang pumasok siya bilang kasambahay ay maraming nagbago sa kaniyang pag-uugali, kung dati'y hindi niya pinapahalagahan ang pera niya pero ngayon natuto na siyang magtipid at pahalagahan ang bawat salaping dumarating sa kaniya.
"Hindi na niya ako pinapakinggan, ate Kris," nakayukong sambit ni Kurt
"Kung gayun edi suyuin mo siya. Iparamdam mo sa kaniya kung gaano siya ka-importante sa'yo."
Tama, siguro iyan ang gagawin ko. Susuyuan ko siya.
"Hindi ba sinabi ni Natasha sa'yo na anak mo si Rafael?"
"Anak? Nagka-anak kami ni Maria?" takang tanong ni Kurt
"Oppss.... nadulas yata ako. Si Natasha lang ang may karapatang magpaliwanag sa'yo ng lahat-lahat basta, Kurt kahit anumang mangyari 'wag mo nang sukuan si Natasha, iparamdam mo sa kaniya kung gaano mo siya kamahal." Tinapik-tapik pa nito ang balikat niya at saka ito umalis.
Hindi na nagdalawang isip si Kurt at kaagad niyang inakyat ang kwarto ni Maria. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at naabutan niyang nakahiga na ito sa kama. Nang narinig nito ang pagtunog ng pinto ay kaagad iyong napabalikwas ng bangon.
"Kurt, why are you here?" gulat na sabi nito sa kaniya
"Wala ka bang balak na sabihin sa akin na may anak tayo?"
"Anak? Wala tayong anak, Kurt dahil wala naman tayo. Si Enrico ang ama ng bata at hindi ikaw."
"Fuck! At talagang nagsisinungaling ka pa sa akin?"
"Wow, ha? At sinabi mo pa talaga iyan sa akin. Sinong nagsinungaling sa atin mula umpisa? Di ba ikaw?"
Napahilot na lang siya sa noo dahil hindi na niya kinaya ang lahat ng mga nalaman niya.
Mahirap ba talaga akong patawarin at hindi ako mapatawad ni Maria? Nahihirapan na ako, sa totoo lang.
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
Fiction généraleNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...