Chapter 21

5.3K 93 0
                                    

"Kurt, nasaan 'yung hair blower ko?"

"Kurt, nasaan na 'yong pinalaba ko sa'yong dress?"

"Kurt, nakita mo ba 'yung suklay ko? Hindi ko kasi alam kung saan ko iyon nilagay."

"Kurt, yung wallet ko nakita mo ba?"

Kanina pa siya naririndi sa paulit-ulit na pagtatanong sa kaniya ni Sasha ng mga gamit nito. Aba, malay niya roon! Gusto niya sanang sagutin ang kaniyang amo pero alam niya ring mas lalo pang lalaki ang gulo kapag pinatulan niya pa ang pagka-mood swings ng amo niya.

"Hindi ko po alam, senyorita."

"Hindi mo alam o tinatago mo lang?"

Nagulat pa si Kurt nang pasukin ni Sasha ang kwarto niya at doon ipinagpatuloy ang paghahalughog sa nawawala nitong gamit. Pakamot-kamot na lang si Kurt habang pinagmamasdan niya kung paano kakalat ang kwarto niya, ayaw na ayaw niya pa man din ang masyadong makalat.

"Saan mo po kasi iyon nilagay? Baka nailagay mo lang iyon sa kung saan?"

Nanglaki ang mga mata ni Sasha sa sinabi ni Kurt. "Sinasabi mo bang ang burara kong babae kaya nawala ko ang mga iyon?" inis na sambit ni  Sasha sa kaniya

Huminga muna ng malalim si Kurt bago muling magsalita. Mahirap talagang makipag-usap sa buntis.

"Hindi naman ho sa ganun, baka nakalimutan mo lang sa c.r."

"Yes, exactly! Baka sa banyo mo lang iyon tinago para hindi ko makita." Sinipa pa nito ang pintuan ng banyo niya

"What?" he exclaimed

Ano naman ang gagawin ng mga iyon  sa mismong banyo niya at saka hindi siya gumagamit nun.

"Aha! Sinasabi ko na nga ba magnanakaw ka!"

"What? I'm not," depensa niya

"Eh? Ano 'to? Maipapaliwanag mo ba sa akin kung ano ito?" sabay taas ng mga nawawalang gamit na kanina pa hinahanap

"Hindi talaga ako niyan gumagamit! At hindi ako magnanakaw."

"Really? Huh? Really? Eh ito na nga ang ebidensya, di ba? Siguro naman hindi nagsisinungaling ang ebidensya," naniningkit na sambit ni Sasha

Suko na siya sa amo niya. Napapadalas yata ang pagbintang sa kaniya. Una, yung power bank ng cellphone, pangalawa yung two thousand daw na nakakalat sa kwarto niya at ngayon naman heto naman! Ano ba kasing gustong palabasin ni Sasha? Na magnanakaw siya. Isa lang siyang malaking gago pero hindi kailanman sumagi sa kaniyang isipan na kumuha ng hindi naman niya talaga pag-aari.

"Fine. Ako ang kumuha, are you happy now?"

"Hindi at sinong hipokrito ang nagsabing matutuwa ako dahil pinagnakawan mo ako?"

"Inamin ko na nga ang kasalanan ko, bakit galit ka pa rin!?" tumaas na ang boses ni Kurt, hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili na 'wag pagtaasan ito ng boses. Parang hindi na si Sasha ang dating Maria na minahal niya.

"Kung ikaltas ko kaya sa sweldo mo ang lahat ng bagay na ninakaw mo sa akin," ani ni Sasha habang dinukot sa bulsa ang cellphone nito at saka kinompute ang balanse sa sweldo ni Kurt.

Seryoso ba talaga siya? Kung ganun parang wala na akong sweldo sa lagay ngayon kung parati niya akong pinagbibintangan.

Napahilot na lang si Kurt at nag-isip isip kung paano niya mapapatino ang amo niya.

Kasalukuyan siyang nagdidilig ng mga halaman, hindi sana niya ito gawain kaya lang ang sabi ni Sasha na siya na raw ang gumawa nito dahil nakipagtanan na raw ang hardinero nila kaya no choice siyang gawin na ito.

The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon