"Hindi pa ba matatapos 'to? Kanina pa ako nangangalay sa kakatayo rito. Ni hindi pa nga tayo kumakain eh," reklamo ng isa sa mga kasamahan niyang kasambahay
"Konting tiis na lang at mamaya makakain din tayo," ani ng mayordoma
"Seryoso kayo riyan, manang? Eh halos paulit-ulit ko 'yang naririnig mula sa'yo pero hanggang ngayon wala pa rin tayong makain. Fried chicken at kanin na nga ang tingin ko sa mga bisita nila."
Hindi na nila naiwasan ang mapahagalpak ng tawa nang dahil sa sinabi nito. Mukhang gutom na talaga siya at napagkamalan na nitong pagkain ang mga bisita.
Tiningnan niya ang orasan at napabusangot na lang siya ng mukha nang nakita niyang pasadong ala una na pala pero hindi pa rin umuuwi ang mga bisita, ayan tuloy nalipasan sila ng pagkain at hindi makaalis-alis sa kanilang puwesto.
"Natasha, puwede bang ikaw ang umabot ng alak kina donya Salvi? Nakakatakot talaga ang itsura niya," pakiusap ng isa sa kaniyang kasamahan
Tumango naman siya at kinuha sa kamay ng kasamahan niya ang alak at glass wine. Huminga muna ng malalim si Natasha at saka naglakad patungo sa direksyon nina donya Salvi.
"M-madam, ito na po yung alak ninyo," sambit niya
Malayo pa lang nagsasalita kaya hindi niya namalayan na may isang paa namatid sa kaniya. Awtomatikong nabitawan niya ang alak na kaniyang hawak-hawak kabilang na ang basong may laman na wine.
"What the heck!?" sigaw ng isa sa mga bisita ni donya Salvi
Dahan-dahang tumayo si Natasha mula sa pagkakadapa at doon niya nalaman na 'yun palang sumigaw ay siyang natapunan niya ng wine.
Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong sinampal ng malakas kaya ang lahat ng mga bisita nina donya Salvi ay napalingon na rin sa kanila.
Napahawak na lang si Natasha sa kaniyang pisngi kung saan siya nito sinampal.
"Sino ba siya, Salvi at tatanga-tanga?!" nag-gagalaiting sambit ng bisita
"Pasensya ka na talaga, Dolores may pagkamangmang lang talaga ang isang 'yan kaya hindi na ako nagtataka kung bakit mabilis siyang anak ko."
"What did you say?"
"Pinikot niya kasi ang anak ko pero wag kang mag-alala hinding-hindi ko hahayaan na magkatuluyan sila ng anak at hinding-hindi ako makakapayag na isalin ang apelyido namin sa kaniya."
"Siguruduhin mo lang, Salvi na hindi mabuntis ng anak mo ang mangmang na kasambahay na 'yan kung hindi... malaking eskandalo ito sa mga pangalan natin."
"I'll assure you that, mare kilala mo naman ako wala akong pinapangako na hindi ko nagagawa."
Nagsitawanan naman ang iba pang mga bisita nina donya Salvi at pagkaraan ng isang oras ay sa wakas natapos na rin ang party.
Kukuha na sana siya ng plato para kumain ay dali-dali naman siyang sinampal ng malakas ni donya Salvi kaya naman nabitawan niya tuloy ang plato at tuluyan iyon nabasag.
"Perwisyo ka talaga sa buhay ko, Natasha! Simula nang namasukan ka rito sunod-sunod na ang kamalasan na nangyari sa pamilya ko. Salut ka, Natasha! Salut ka!"
Inginudngod pa nito ang mukha ni Natasha sa sahig, pilit na nagmamakaawa ang iba pa niyang mga kasamahan sa amo na itigil na ang kaniyang ginagawa pero maging sila ay hindi nito pinakinggan.
"'Wag ninyo akong pigilan sa kung anong gagawin ko kay Natasha kung ayaw ninyong madamay dito!"
Napa-aray na lang si Natasha nang hinigpitan nito ang braso niya ng mahigpit na mahigpit at saka nito kinaladkad siya patungong basement.
BINABASA MO ANG
The Blind Billionaire's Maid
Fiksi UmumNatasha Maria Mangaoang is an all around house maid of Milo's family, she did her best in making house hold chores pero wala sa plano na mag-alaga siya ng isa sa mga anak ng amo niya lalo na pa kung ito'y bulag at may katigasan pa ng ulo. Makakaya...