Three

160 1 0
                                    


"Aira! Pinapatawag ka ni manager,kakausapin ka daw niya."
Ito agad ang salubong sakin ni pamela pgkapasok ko sa trabaho. Parang kinakabahan ako sa reaksiyon ni Pamela."Goodmorning po Sir.Pinapatawag nyo daw po ako?.
Kinakabahan kong bati saaming manager.
"Aira, pasensya ka na pero nakita ng may ari ang insidente nung isang araw. Gusto ka nyang ipatanggal dito. Last day mo na ngayon. Bakit mo pa kasi pinatulan si Sir Cedric regular costumer natin yon. Family friend din ng may ari dito ang mga VILLAMONTE.pasensya ka na talaga aira. Wala nakong magagawa." Tumulo ang mga luha saking mata. Hindi ko alam saan ako maghahanap ng ibang trabaho.
" beshy, ano sabi ni manager? Bakit ka umiiyak? Naiiyak na tanong ni Cathy.

"Last day ko na ngayon mga bes! Dahil sa insidente noong isang araw. Dahil sa hayop na lalaking yun! Humagolhol nlang ako sa iyak. Pagkatapos Ay nakipagtawanan sa mga kaibigan ko, ayaw ko kasing umiiyak sila dahil saakin. Kaya inaliw ko nlang ang lastday ko dito sa milktea shop. Para kaming mga baliw. Pero ganon talaga ang buhay. Paano ko sasabihin kay lola pag uwi ko na wala nakong trabaho. Malulungkot na naman yon dahil alam niyang malungkot rin ako.
Maya maya pay nag ring ang telepono sa shop, sinagot naman ito ni pamela. "Aira ang lola mo daw sinugod sa hospital!" Natatarantang sabi sakin ni pamela. Kaya dali dali akong pumunta sa hospital kung saan sinugod si lola. "doc? Kamusta na po ang lola ko? Umiiyak na ko sa kaba. "Iha malala ang karamdaman ng lola mo, kailangan na syang ma operahan sa lalong madaling panahon. Mas lumakas ang iyak ko sa sabi ng doctor.  "Doc, magkano po ba ang kakailanganin ?" Tanong ko sa doctor.
"Malaking halaga ang kakailanganin iha. Nasa 200-300,000 ang kailangan natin para sa operasyon ng lola mo."
Hindi ko na alam saan ako kukuha  ng ganon kalaking halaga. Gagawin ko ang lahat mabuhay lang si lola para makasama ko pa siya ng matagal, siya nalng katuwang ko sa buhay. Hindi ko kayang wala sya.Pero paano??? Wala nakong choice. Kailangan ko ng tanggapin ang alok na trabaho ni Mr. Villamonte. Para sa lola ko.

Di na nagdalwang isip si aira na pumunta kay Mr. Villamonte para tanggapin ang offer nito. Kaya nagkasundo silang dalawa, kapalit ng pag tatrabaho sa anak nito ay ang sagotin ang lahat ng gagastosin sa hospital para sa lola niya. Agad namang pumayag si Mr. Villamonte sa kasundoan. Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Aira kay Mr. Villamonte At pag natapos ang operasyon  ng kanyang lola ay magsisimula na sya sa alok na trabaho ni Mr.Villamonte.
Matapos ang tagumpay na operasyon ng lola ay pumunta na agad ang dalaga sa kanyang bagong trabaho.

"Goodmorning mahal na prinsipe Cedric!" Gising na!!! Wake up! WAke up!
Bati ni Aira sa binata!

When im with you♥️Where stories live. Discover now