Twelve

144 0 0
                                    


Cedric's POV

"Labis mo akong pinag alala.Paano nalang kung wala ako doon at di kita nakita. Ano kayang mangyayari sayo?. Nakatingin lang ako kay aira habang natutulog sa guest room, dito ko na sya dinala sa bahay para makapagpahinga sya ng maayos. Sobra akong nag alala sa babaeng to. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang ngyari sayo Aira."

Aira's POV

"Araay! Sakit ng ulo ko, pati buong katawan ko! Ano bang ngyari?!"
Nagising akong ang sakit ng katawan ko parang pasan ko ang mundo. Teka!!!!
b-bakit?
" lasing ka pa rin ba?".
Pagmulat ng mata koy agad bumungad ang mukha ni Cedric. Lasing pa ba daw ako tanong nito.bigla kong naalala ang ngyari kagabi!
" ah! Ikaw ang lalaking humila sakin kagabi palabas ng bar!!! Sabi mo pa sakin dadalhin mo ko sa langit!!! Agad ko ring tiningnan ang damit ko iba na!
" Bastos ka!!! Anong ginawa mo sakin Cedric!!! Sabay hampas hampas ko sa kanya!
" teka lang aray!!! Teka Aira! Huminahon ka!! Sandali! Sabi sakin ni Cedric habang pinapakalma ako! Ng biglang pumasok si ate belen sa kwarto.
" Naku! aira! Kumalma
Ka! Kalma!!!" Pagmamadaling pagpakalma sakin ni ate belen.Agad naman akong kumalma ng makita ko si ate belen.
" bakit mo ba pinag hahampas si Sir Cedric? Ah alam ko na! Ako ang nagbihis sayo kagabi.Dahil sabi ni sIr cedric lasing na lasing ka daw kagabi. Oh itong sabaw gamot sa hang over mo! Ito na rin ang gamot inomin mo. Utos sakin yan ni Sir Cedric.". Wika ni ate belen saakin. Natahimik ako. Bigla ring tumawag si Pamela sa phone ko at sinagot ko naman agad.

"Hello aira!! Ok ka na ba?
Naku buti nalang nailigtas ka ni Cedric kagabi!! Kung hindi baka ano ng ginawa sayo ng lalaking humila sayo!" Alalang sabi sakin ni pamela.parang nalunok ko lahat ng laway ko sa sinabi ni pamela sakin.
" sure ka ba?. Niligtas ako ni Sir Cedric kagabi?." Paulit kong tanong kay pamela.
" oo gaga! Lasing ka na kasi kagabi. Eh halos mapatay nga ni Cedric yung lalaki kagabi! Sorry Aira di namin inaasahan na magkakaganun! Napabayaan ka namin! Sorry talaga aira! Mabuti nalang talaga ay nagkataon andun si Cedric". Kwento  ni Pamela sakin.
" ano ka ba! Hindi niyo naman ginusto ang ng yari kagabi! Ang importante ligtas ako.Sige pamela at may aayosin pako ha! Bye!." Hindi ko alam kong may mukha pa kong ihaharap kay Cedric. Hiyang hiya ako sa ginawa ko di ko man lang sya pinag paliwanag. Hayyy aira!!!!
" So-sorry Sir Cedric! Wala akong matandaan kagabi maliban dun sa lalaking humila sakin. Pasensya na talaga." Nahihiya kong sabi sa kanya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
" Aira! Sa susunod wag agad sugod ng sugod! Sige alis nko punta muna kong kusina! Hehehe. Natatawang Asar na bulong ni ate belen sakin saka lumabas ng kwarto.
"Kumain ka na! Sa susunod wag kang iinom kung di mo naman pala kaya!". Galit na payo nito saakin.at lalabas na ng kwarto.
" salamat ulit sa pagligtas sakin Sir Cedric. Ilang beses mo nkong niligtas. Maraming Salamat talaga! Pasensya na't napagbintangan kita.sorry po talaga!" Nagpatuloy sya sa paglalakad palabas ng kwarto. Hindi ko alam kung anong dahilan ng galit niya. Ang pagkalagay ko ba sa panganib kagabi o ang pamimintang ko sa kanya. Hayy! Salamat Cedric. Maraming salamat sayo! Youre my hero!!! Paano ba ko makakabawi sa kanya?. ALAM KO NA!!! Pagkatapos kong kumain at uminom ng gamot ay Lumabas ako ng kwarto at pumunta kay ate belen.
" ate belen! Pwede bang magtanong sayo?. Oks lang ba?." Tanong ko kay ate belen. " Oo naman! Ano ba yun?.teka ok na ba pakiramdam mo?." Pag aalalang Tanong ni ate belen. " medyo ok na po ako. eeeehhh. Ano ho bang paboritong pagkain ni Sir Cedric? Gusto ko po sana syang ipag luto makabawi lang po sana sa kanya." Tanong ko ulit kay ate belen. " Asus kayo ha! Kagabi may pa dinner sya sayo sa labas! Ngayon ipagluluto mo naman sya! Ayiiiieee! Pang aasar nito saakin.
" teka ho? Anong dinner kagabi?". Nagtatakang tanong ko kay ate belen.
" diba kayo magkasama kagabing nag dinner? Pagpasok ko ng kusina kagabi nakasalubong ko si sir Cedric hinahanap ka nga eh.Ang sabi niya sakin wag nakong magluto ng haponan para sa kanya dahil kakain daw kayo sa labas yayayain kadaw niyang mag dinner. Hindi ba?." Seryosong tanong naman nito.nagulat na naman ako parati nalang akong ginugulat ng lalaking to.
" sigurado ka ba ate belen? Sinabi nya yun?." Tanong ko ulit.
" ay naku Aira! Pa ulit ulit ka? Sigurado nga ako." Nakulitang sagot ni ate belen.
" may iba po kasi akong lakad kagabi. Hindi po kami magkasama. Wika ko kay ate belen.
" ah talaga? Kaya naman siguro galit.".hehe! O sya aira ikaw ng bahala dito ha!  Maylakad ako Magbabayad lang ako ng mga bills at mag go grocery. Sige babosh! Goodluck sa luto mo dai! Galingan mo!" Dagdag pa ni ate belen.
Talaga ba? Yayayain niya sana akong mag dinner kagabi? Bakit ako? Ba't di ang kate na yun ang niyaya niya. Kaya ba sya nagsungit kagabi? Dahil may iba akong lakad?. Hay ewan ko sayo Aira! Tumigil ka na! Nag iilusyon ka nanaman. Pagkatapos kong malaman kay ate belen ang paboritong pagkain ni Sir Cedric ay agad nakong nag handa at nagluto.pagkatapos magluto ay inihanda ko na sa mesa ang mga niluto kong paborito niyang pagkain.
Ayan!! Handa na ! Tatawagin ko na sana si Sir Cedric ng biglang may nag doorbell. Pagbukas ko ng pinto agad agad na pumasok si Kate.
" Oh hi girl! Aira right?."
Arteng tanong nito saakin.
" hello po mam kate! Yes po Aira!" Sagot ko naman sa kanya.
"Where is Cedric? May dala akong lunch para saming dalawa!". Agad na dumiretso ng lamesa at nilapag ang mga dala niyang pagkain. "Ikaw ba nagluto ng mga to?". Mataray na tanong nito ng makita niya ang mga inihanda kong pagkain."
" ay yes mam ako nga po." Sagot kong nakangiti sa kanya kahit sa kaloob looban koi gusto ko na syang sakalin.
" oh Dear! Hindi nya magugustohan yan for sure . Ang mabuti pa! I tabi mo nalang yan for yourself! Ikaw nalang ang kumain niyan, kasi look oh! Ang sasarap ng mga dala kong pagkain, order ko pa to sa mamahaling restaurant, diba? Ang layo sa hitsura ng niluto mo. So kung ako sayo itatago ko nalang yan kasi di rin naman niya mapapansin yan. So cheap! Just like you! kung umaasa kang magugustohan ka niya well ako ng nagsasabi sayo he will never like you! Hindi siya magkakagusto sa babaeng katulad mo. Ako ang gusto niya! And one more thing, look at me and look at you! Ang layo nating dalawa, kaya wag kang mag ilusyon na magugustohan ka ng isang Cedric Villamonte. So if I were you, stay away from him!!!!". Sindak ng desperadang kate saakin.
" excuse me po mam! Hindi po ako ilusyanada alam ko ang lugar ko sa buhay ni Sir Cedric. Ipinagluto ko sya dahil gusto kong makabawi sa pag ligtas niya saakin. Yun lang yun! At Hindi ikaw ang mag dedesisyon na layoan ko si Sir Cedric kaano ano ka ba niya? Parang sa pagkakaalam ko hindi ka naman niya girlfriend at lalong hindi ka rin naman niya asawa?! Oo malayo nga tayong dalawa, alam ko po yun! At kung gusto ka nga ni Sir Cedric wala po kayong dapat ikatakot saakin! Hindi niyo po ako kailangang palayoin. At one more thing! Pwede mo naman ako kausapin ng maayos na itabi nalang tung mga niluto ko.ang dami mo pang satsat." Matapang kong sagot sa mataray na kate na to. Akala niya ha! Itinago ko nalang ang mga pagkaing inihain ko baka nga hindi lang mapansin ni sir Cedric dahil ang sasarap talaga ng mga pagkaing dala niya at mamahalin maging ako man ay natatakam.pero umalis na kaagad ako at bumalik  ng kwarto baka ano pang magawa ko sa kate na yun. Habang si kate nalang ang tumawag kay Cedric sa kwarto nito gustong gusto nya eh! Edi sya na!!

When im with you♥️Where stories live. Discover now