Thirty eight

100 0 0
                                    


Cedric's POV

Ng magkita kami ni Aira, kinuwento niya lahat saakin ang tungkol sa nanay at kapatid niya, Na kahit akoy di makapaniwala at nagulat sa mga pangyayari.

Ok ka na ba? Nagugutom ka ba? Gusto mo kumain muna tayo?Pagyaya ko sa kanya. alam kong malungkot na malungkot si Aira dahil kanina pa ito nakayakap saakin.
Mamaya nalang Cedric. Pwede bang mayakap ka hanggang bukas? Wika nito saakin, na nakuha pang mag biro sa kabila ng lungkot niya.
Mukhang hindi halatang di mo ko miss ha! Kahit forever ka pang nakayakap saakin di ako tatanggi Aira.sagot ko naman sa kanya.
Gusto ka niyang makilala Cedric. Gusto ko ring ipakilala kita sa kaniya at sa kapatid ko. Wika ni Aira saakin.
Alam mo Aira kahit ayaw akong makilala ng nanay mo, magpapakilala naman talaga ako sa kanya dahil ikakasal na tayo diba? Magiging asawa mo na ko. Sagot ko naman kay Aira. Pero parang natahimik ito, hindi ko alam kung bakit napakalungkot niya sa mga oras nato. Ramdam kong meron siyang di pa sinasabi saakin.
Teka nga. Diba dapat ay masaya ka ngayon? Kasi buhay pa pala ang tunay mong ina, at may kapatid ka pa. Tanong ko sa girlfriend kong napakalungkot. Nakakapanibago lang kasi ang lungkot niya.
Kasi hindi ko rin maiwasang di magalit sa kanya. Kung kailan masaya na ko ngayon bumalik siya para saktan ako. Para ipaalam saakin na ipinamigay niya ko. Tapos hinanap niya lang ako nung namatay nayong asawa niya.Buong buhay ko di ko inakalang ampon lang pala ako. nakasimangot na sagot nito saakin.
Aira,diba ikaw ang nagturo at nagsabi saakin na dapat marunong tayong magpatawad? Ayan na yung nanay mo o! Binalikan ka humingi ng tawad tapos babawi pa sayo. Oo di ganun kadali tanggapin ang lahat Aira, pero sabi mo nga diba matutunan mo ring tanggapin, step by step lang. ginawa ko yung sinabi mo kaya ngayon tanggap ko na si tita Mariel, napatawad ko na rin si Papa. Payo ko kay Aira.
Salamat Cedric. Salamat sa lahat!! Tipid nitong sagot saakin at umiyak ng umiyak habang nakayakap lang saakin. Parang iba talaga ang pakiramdam ko, iba ang iyak niya ngayon na tila parang bigla akong kinabahan. Pero kaya siguro ako kinakabahan dahil i me meet namin ang ina niya bukas. Siguro ay nag o overthinking lang ako.
Kinabukasan ay i m-meet ko na ang kapatid at ina ni Aira. Medyo kinakabahan ako hindi ko alam anong sasabihin ko sa ina ni Aira.
Naghintay  ako sa restaurant kung saan kami mag di dinner. Maya maya pay dumating na si Aira kasama ang kapatid at ina niya.
Magandang gabi po sainyo Tita Ysabel! Upo po kayo! Hello good evening pretty boy! Medyo Kinakabahan kong bati sa ina at kapatid ni Aira.
Cedric? Magandang gabi din sayo!
Ikinagagalak kong makilala ka.wika naman ng ina ni Aira saakin.
O sige na! Kain na tayo nagugutom na ako eh. Singit naman ni Aira na tila gutom na gutom na nga.tumawa naman ang ina niya, mukhang madali naman palang pakisamahan ang ina ni Aira. Mukhang napakabait din.
Sa gitna ng kainan at kwentohan namin ay biglang nagsalita ang kapatid ni Aira.
Kuya Cedric? Do you really love ate Aira? Coz me and mom loves her so much! Wika naman nito saakin.
Yes I love her so much! I love her more than anything else , i will do everything for your ate Aira. Natahimik si Aira at ang ina nito sa kwentohan namin ni Gab.
Really? So will you let ate Aira to come with us in Australia? Nagulat ako sa tanong ng bata saakin,Bigla akong natahimik.
Gab! Wika ni Aira sa kapatid.
Napapansin kong parang nahihilo si Tita Ysabel at namumutla.
Tita? Ok lang ho ba kayo? Tanong ko rito. Ngunit hindi na ito nakasagot saakin bigla nalang itong nahimatay.
Ma!!!! Sigaw ni Aira
Tita!!!!! Sigaw ko naman ng nabigla ako sa pangyayari. at dali dali naming itinayo si tita Ysabel.Habang si Gab naman ay umiiyak na.Tumawag ako ng ambulansya agad naman naming sinugod si Tita Ysabel sa hospital.
Doc? Kamusta na ho ang mama ko?
Agad na Tanong ni Aira sa doctor pagkatapos ma tingnan si Tita.
Her condition is not good. Lumalala na ang Cancer niya sa katawan. Im sorry to say this but i have to be honest,Baka hindi na siya umabot ng isang taon.
Sagot naman ng Doctor . May cancer ang ina ni Aira? Bakit di niya sinabi saakin ang tungkol dito. Pero hindi ko na muna siya tinanong tungkol doon dahil alam kong mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon.
Labis ang lungkot sa mga mata ni Aira, umiyak ito ng umiyak hindi ko rin maiwasang masaktan para sa kanya. Hindi ako sanay na nakikita syang ganito ka lungkot. Alam kong naaawa rin siya sa kapatid niya ganun din ako ng malaman ang kalagayan ng ina nila.
Huwag tayong panghinaan ng loob Aira alam ko may awa ang diyos ipagdasal natin ang mama mo. Gagaling siya, makakasama niyo pa ni Gab ang mama mo ng matagal. Wika ko kay Aira para palakasin ang loob nito at wag panghinaan.
Nakakalungkot lang isipin Cedric, oo inaamin ko medyo galit parin ako sa kanya pero ina ko parin siya, siya parin ang nagluwal saakin. Binigyan niya ko ng buhay, gusto ko pa syang makasama ng matagal. Naaawa rin ako kay gab ayaw kong masaktan siya Cedric mahal na mahal niya si mama. Masyado naman atang maaga para mawalan siya ng mga magulang. Napakalungkot na sabi saakin ni Aira. Pinupunasan ko ang luha nito. Niyakap at hinalikan siya sa noo. Mas lalo akong nasasaktan para sa kanya. Kaya di ko rin mapigilang tumulo ang luha sa mga mata ko.
Salamat nga pala sa paghatid mo kay Gab ha. Umiiyak pa ba siya? Tanong ni Aira saakin. Pagkatapos kasi naming isugod si Tita sa hospital ay hinatid ko si Gab sa hotel.
Oo. Pero napatahan ko naman siya. Kaya lang iyak ng iyak pag alis ko, kaya pinatulog ko muna. Hindi kasi mapatahan ng yaya niya.Ang mabuti pa Aira puntahan mo muna si Gab. Ako na munang bahala dito sa mama mo,baka sakaling kumalma yung bata kapag nakita ka. Ok? Wika ko naman kay Aira. Kaya umalis naman ito para kamustahin ang kapatid .Habang ako naman ang nagbabantay kay tita,Maya maya pay nagising na ito.
Tita? Kamusta na po ang pakiramdam niyo? May gusto po ba kayong iutos?
Tanong ko kay Tita pagkagising nito.
Salamat Cedric ha. Si Aira at Gab nasaan sila? Nghihina naman nitong sabi saakin.
Kanina po nandito si Aira, pumunta po sya sa hotel ngayon para kamustahin si Gab iyak po kasi ng iyak ng makita ang ngyari sainyo. Pero babalik po yun dito.
Pagpapaliwanag ko naman.
Marahil alam mo na ang kondisyon ko?
Wika nito saakin.

When im with you♥️Where stories live. Discover now