Thirteen

140 1 0
                                    


Cedric's POV

Mukhang may naamoy akong masarap na luto ah. Maya maya pay may kumatok sa kwarto ko.
" hi Cedric! Lets have lunch! May dala akong mga pagkain for you! Lets go sa baba!". Yaya ni kate saakin.
" hay ang kulit mo talaga kate. Sinabi ko naman sayo kanina sa phone na wala akong gana." Sagot ko kay kate habang lumalabas ng kwarto.
" I dont care! Ayaw mong lumabas, so i decided na dalhan nalang kita ng pagkain dito sa bahay mo! Halika na masarap ang dala kong pagkain!. " pilit nito saakin. Kaya bumaba nalang ako ng mesa. At ng makita ang dala niyang pagkain.
" teka hindi ito yung mabangong naaamoy ko kanina ha." Wika ko kay kate iba talaga kasi yung naamoy ko kaninang pagkain nakakatakam kaysa sa mga dalang pagkain ni kate.
" Ano ka ba Cedric! Pagdating ko dito wala naman ibang nakahaing pagkain tsaka parang wala naman si yaya belen kaya walang nagluluto o naghain ng ibang pagkain. Ito lang yung dala kong pagkain ang naamoy mo! Lets eat na pls! Im so hungry na! Im sure you'll love it! Go eat!" Wika ni kate saakin. Kumain nalang ako konti para pagbigyan si kate sa gusto niya. Para pagkatapos nitoy umalis na sya. Ang kulit kasi talaga.
" can i ask you?." Seryosong tanong ni kate.
"What?"sabi ko naman kay kate.
" si Aira? is she important to you?." Nagulat ako sa tanong ni kate.
" bakit mo naman natanong yan?". Sabi ko kay kate.
"Because I saw you last night! Alalang alala ka sa kanya. Muntik mo na ngang mapatay yung lalaki kagabi eh. Tapos you left us! Because of that woman!
Tell me Cedric! Do you like her?." Hindi ko masagot ang tanong ni kate. Bigla akong natahimik.
" what? Answer me Cedric! Ba't di ka makasagot?. Okay! Just say No! And I'll stop asking. Alam kong di mo sya gusto, hindi ka magkakagusto sa babaeng yun! Diba? Cedric diba hindi mo sya gusto!!!". Naluluhang sabi ni kate saakin. At pilit akong pinapasagot na hindi ko gusto si Aira.Hindi ko alam pero di ako makasagot sa mga tanong niya.
" ano? Hindi ka makasagot?! So do you mean you like her?!! No no no Cedric! Please tell me No! Anong meron ang babaeng yun na wala ako?! Cedric please . Ako nalang! Tayong dalawa ang bagay! Open your eyes!! Hindi kayo bagay ng Aira na yun! She's nothing compared to me! Umiiyak na sabi sakin ni kate.
" Just go home kate! Not now! Please umuwi ka na." sabi ko kay kate habang umiiyak sya sa lamesa, begging for my love. Pero anong magagawa ko hindi natuturoan ang puso. Oo magkaiba sila ni Aira, magkaibang magkaiba. Ibang iba si Aira sa lahat ng babae. Kaya siguro masaya ako kapag kasama ko si Aira!

Aira's POV

Bababa sana ako ng kusina para kumuha ng tubig ng marining ko si kate na umiiyak.
" Just go home kate! Not now! Please umuwi ka na." Rinig ko rin ang boses ni Cedric na pinapauwi si kate. Hala bakit ? Anyare? Umiiyak naman si kate at nagdadabog na umalis ng bahay! Nakita kong papaakyat si Cedric ng kwarto niya kaya dali dali akong bumalik sa dinaanan ko nang...
" hoy Aira! Saan na yung mga niluto mo para sakin?". Tanong ni Cedric saakin. Ay shet memeng! Nakita niya pala ako.
" Teka?! Bakit mo alam na may niluto ako? Ha?!." Nagtataka kong tanong sa kanya.
" tsaka bakit mo naman binastos ang bisita mo Sir Cedric?. Dinalhan na nga kayo ng pagkain pinaiyak at pinaalis nyo pa.!" Dagdag kong tanong sa kanya.
"Dahil binastos ka rin nya!". Natameme ako sa sagot niya.
" Oo narinig ko kayong dalawa kanina! Lahat narinig ko, pati narin ang mga pambabastos niya sayo." Napalunok nalang ako sa mga sinabi ni cedric narinig nya pala kami kanina lahat pati nayung mga sinabi ko kay kate.
"Ano naman sayo ngayon kung binastos ako ni kate? Diba nga saakin ka dapat magalit kasi sinagot sagot ko yung kaibigan niyo!." Nagsasalita akong di makatingin ng diretso sa kanya.
" dahil ayokong binabastos ka Aira! Ayokong may nanakit sayo! Kaya nga galit ako sayo sa mga kaibigan mo kagabi dahil muntik ka ng mapahamak! Muntik ko ng mapatay ang lalaking nambastos sayo!!! "DAHIL MAHALAGA KA SAAKIN AIRA! GUSTO KONG IPADAMA SAYO NA MAHALAGA KA SAAKIN!!!".
Walang prenong sabi ni Cedric saakin. Kumakabog kabog ang puso ko ng marinig ko kay Cedric ang mga salitang yun. Para akong nakalutang sa hangin. At nakatingin lang sa kanya. Sa totoo lang parang lumulundag ang puso ko sa saya..
" A-ano? Ako? Mahalaga sayo?. Naku Sir Cedric pwede mo naman sabihin saaking umalis nako hindi ka na kailangan mag kunwari pa! Alam kong parte lang ito lahat ng plano mo para mawala nako sa paningin mo. Diba tama ako?". Bigla kong naisip na nag kukunwari lang sya kaya nasabi ko sa kanya ang mga salitang yun.Pero unti unti syang lumapit sakin habang ako naman ay pa atras ng pa atras hindi ko namalayan pader na pala ang nasa likod ko, unti unti niyang nilapit ang mga mukha niya sa mukha ko, ramdam kong umiinit na ang mukha ko, maging ang mga mukha ni Cedric ay namumula na rin, nakatitig lang ako sa napaka gwapo niyang mukha lalo  na sa mga magaganda niyang mata, wala na akong nagawa gusto kong umalis sa kinatatayoan ko pero pakiramdam koy nanigas ang buong katawan ko sa paglapit niya saakin.
Niyakap niya nako ng napakahigpit, sabi ng utak koy umalis ka sa pagkakayap pero iba ang sinasabi ng puso ko sa utak ko. Parang pakiramdam ng puso ko'y napaka ligtas ko sa mga yakap niya, napakagaan sa pakiramdam.
" Gustong gusto na kitang yakapin kagabi pa, habang natutulog ka ng mahimbing walang malay sa mga pangyayari. hindi ko alam anong gagawin pag may ngyaring masama sayo Aira. Kapag kasama kita lahat ng bigat sa dibdib ko'y napapalitan ng saya, kapag kasama kita pakiramdam ko ang gaan gaan ng lahat! Kapag kasama kita labis ang galak ng puso ko. Hindi ako nagkukunwari Aira! Lahat ng to totoo!
Kanina tinanong ako ni kate kung gusto kita. Hindi ko siya sinagot, alam mo kung bakit?... Dahil gusto kong ikaw ang unang makaalam na "GUSTO NA KITA AIRA! GUSTONG GUSTO NA KITA!".
Habang kami'y magkayakap ni Cedric
Damang dama ko lahat ng mga sinabi niya saakin. Totoo ba ang naririnig ko ngayon? Nanaginip ba ko? Hindi ako makapaniwalang aabot kami sa ganito ng mukong nato!
Dahil unang kita ko pa lang sa kanya sinabi ko sa sarili kong hinding hindi ko magugustohan ang taong to. Lalo naman ang lalaking to alam kong hinding hindi to magkakagusto saakin. Pero mali pala ako.
Hiniwalay ko na ang sarili ko sa pagkakayakap sa kanya at sinabing "Pero hindi tayo bagay Sir Cedric. Hindi ako ang babaeng para sayo! Siguro ay naninibago ka lang sa pagdating ko sa buhay mo kaya ka nagkakaganyan, pero balang araw ma re realize mo ring hindi tayo para sa isa't isa. Nandito ako para magtrabaho yun ang utos ng Papa mo. At hindi para gustohin ako o gustohin ka. Hindi magiging masaya ang Papa mo kapag nalaman niya to." Pagpapaliwanag ko kay Cedric. Nakita kong lumuluha na ang mga mata ni Cedric.
"Wala akong pakialam kung sino ka o ano ka! Mas lalong wala akong pakialam kay Papa ano man ang sabihin niya!! Ayokong pakawalan ang taong nakakapagpapasaya saakin Aira, at ikaw yun! Ngayon tatanongin kita, Gusto mo rin ba ko?." Tanong nito saakin pero hindi ko siya sinagot at tumalikod nako.
" Mas mabuti pa po sigurong umuwi na ako Sir para makapag isip isip po kayo sa sinabi niyo, gusto ko rin pong ipaalala sainyo na bukas dayoff ko po! Babalik nalang po ako sa susunod na araw!."pagpapaalam ko kay Cedric.
" Gusto kong malaman ang sagot mo Aira! Bukas ng 6:00pm maghihintay ako sa unang restaurant kung saan kita dinala. Kapag dumating ka ibig sabihin gusto mo rin ako at kapag  hindi ka naman dumating ibig sabihin itigil na natin lahat ng koneksyon nating dalawa." Dagdag nitong sabi saakin bago ako umalis. Hindi ko siya sinagot at umalis na ng bahay niya.

When im with you♥️Where stories live. Discover now