Twenty Seven

105 1 0
                                    


Aira's POV

"Teka lang Cedric! Saan ba tayo pupunta?! Sandali lang ang sakit na ng paa ko!!" Wika ko kay Cedric habang hinihila ako palabas ng Venue. Bigla naman itong huminto at kinarga ako papaalis.

" Cedric! Teka nga! Saan ba tayo pupunta?"
Ngunit hindi ako sinagot ng mukong at dali daling sinakay ako sa sasakyan niya.

" Cedric! Hindi mo pako sinasagot sa tanong ko! Aalis na tayo? Bakit mo ko sinakay dito sa sasakyan!"
Pa ulit ulit kong tanong sa kanya ngunit hindi parin ako sinasagot nito nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho. Hinayaan ko na lang muna siya hanggang sa nakarating na kami sa isang magandang lugar kung saan natatanaw namin ang mga nagliliwanag na ilaw ng ka maynilaan.

" Dito muna tayo." Sawakas at nagsalita na rin si Cedric at bumaba kami ng sasakyan.ngunit gusto niya parin akong kargahin palabas ng sasakyan.
Kaya ko ng sarili ko, di mo na ko kailangang kargahin pa."

Wag ng matigas ang ulo Aira! Masakit ang paa mo diba? Wika naman nito saakin at kinarga ako papunta sa isang bench at pina upo. Sobrang tahimik ng lugar at walang ka tao2x.
" Sobrang sakit ba?" Tanong ni Cedric saakin habang tinatanggal ang suot kong heels.

" Keri lang! Pero kung makahila ka naman kasi! Hindi naman kasi ako sanay mag heels noh! Tsaka bakit ba tayo umalis sa party mo? Hahanapin tayo ng Papa mo at ng mga kaibigan natin panigurado!"

" Alam na to ni Papa wag kang mag alala nakapagpaalam nako sa kanya. Sa mga kaibigan naman natin maiintindihan rin nila tayo. Saka araw ko to Aira, pwede bang ma solo naman kita sa huling dalawang oras ng bday ko? Pwede bang tayong dalawa lang muna?."
Wika naman ni Cedric saakin.

" Eh bakit parang feeling ko galit ka sakin kanina habang umaalis tayo don sa Villa? Hindi mo nga ko kinikibo eh."

Si Troy, narinig ko kayong nag uusap. Hanggang ngayon mahal ka parin niya.
Tapos may pa himas kapa sa likod niya.
Nagseselos ata na sabi ni Cedric saakin.
" So nakita mo kaming nag uusap? Bakit di ka lumapit? Nagseselos ka ba kay Troy?" Tanong ko naman sa kanya.

" Bakit ako lalapit? Hindi ako bastos para sumingit sa usapan niyo, tsaka sinigurado ko lang na wala siyang gagawin na kahit ano sayo! Atsaka bakit ako hindi mag seselos eh may something nga kayo noon diba kaso naudlot nga lang." sagot naman nito saakin.

" Cedric, wala kang dapat ika selos kay Troy, masaya na siya para sating dalawa at wala nakong something na sinasabi mo para sa kanya! Ang mahalaga saakin ngayon ikaw na lang!
Pagkatiwalaan  mo kung anong meron tayo."

" Masaya sya para satin Aira, pero alam ko at nakikita ko sa kanyang umaasa parin siya sayo." Wika naman ni Cedric.

Ok! Sige, ganito nalang sa tuwing magkikita kami hindi ko nalang siya bibigyan ng special attention! Atsaka makapagsalita ka eh mas sobra nga ginagawa ni kate para sayo, kulang nalang saksakin niya ko ng kutsilyo kanina dahil sa pagkabaliw niya sayo!Sagot ko naman kay Cedric.

" Isa pa yun! Please Aira, iwasan mo  nalang si kate? Ayokong napapahamak ka. I know kate very well. Lahat inaaway niya kahit di ko gusto yung mga babae na lumalapit saakin,paano pa kaya sayo ikaw na girlfriend ko."

" Iiwasan ko naman talaga sana siya. Kaso gusto niya talaga akong dumihan, nadumihan tuloy itong gown na suot ko, di bale lalabhan ko nalang."
Wika ko naman kay Cedric.

" And one more thing nakita ko kanina may maliit na paper bag kang dala2x. Regalo mo ba yun saakin? Bakit di mo pa binibigay?". Tanong naman nito saakin.

" Ha? Ah eh! Oo kaso nahihiya akong ibigay sayo. Alam ko kasing mga mamahalin ang mga regalo ng bisita mo kanina. Kaso yung akin ako lang ang gumawa. Atsaka mukhang nasayo naman ang lahat Cedric.

Akin na Aira! Ibigay mo na saakin. Sige na! Kinuha ko naman sa sasakyan ang regalo ko para sa kanya.
Pero promise mo saakin di mo pagtatawanan ang regalo ko para sayo.wika ko kay Cedric bago ibigay sa kanya ang regalo.
"Promise!! Sagot naman nito.
Agad naman niyang binuksan ang regalo ko para sa kanya.
Ikaw ang gumawa nito? Sobrang ganda!!
Di ko inaasahan ang reaksyon niya. Simpleng bracelet lang naman na kulay itim na ako mismo ang gumawa.
" Oo yung isa para sayo, yung isa para saakin. O diba para magkatulad tayo Cedric! Pinaghirapan ko yan!"
Niyakap ako ni Cedric sa sobrang tuwa niya sa regalo ko. Grabeh, napaka simple ng regalo ko pero ang saya saya niya.
"Thank you Aira! Ang saya saya ko, ito ang pinakamagandang  regalo na natanggap ko!" Wika naman nito saakin.

" Paano mo nasabi? Bakit? Nabuksan mo na ba yung mga regalo mo? Di ba hindi pa!"

" Dahil galing sa mahal ko ang regalo nato. Pinaghirapan mo to at napakalaking bagay to para saakin Aira, pa ulit ulit lang naman ang natatanggap kong regalo mula sa mga business partners ni Papa mga mamahalin nga pero itong bracelet na to ay walang katumbas." Wika naman nito saakin. Pagkatapos ay may kinuha syang box sa bulsa niya at tinapat ito saakin.
" Ano yan?" Tanong ko. At dahan dahang binuksan ang box.
" Teka? Mukhang apaka mahal naman ng kwentas na yan cedric!"

"Para sayo to Aira, ngayong birthday ko ikaw ang reregalohan ko dahil binuo mo ulit ang pagkatao ko. Hindi ako magiging masaya ngayon kung di dahil sayo." Wika nito saakin. At isinuot nito saakin ang gold necklace na may heart pendant na may mga kumikintab na diamonds sa gitna nito.
" Pero napakamahal nito Cedric. Di ko matatanggap to, baka mawala ko pa."

" Kaya ingatan mo, dahil puso ko yan. Pag nawala yan magagalit ako sayo.Mahal na mahal kita Aira. I dont wanna lose you!"
Wika nito habang nilalapit na naman niya ang mukha niya sa mukha ko, Napapikit naman ako at alam ko ng sa noo na naman siya hahalik. Ngunit bigla kong binuka ang mga mata ko ng nagdikit ang mga labi naming dalawa. Pumikit ako ulit at pakiramdam ko sa halik na yun ay naging isa ang mga puso naming dalawa. Pagkatapos ng saglit na halik na yun, ay niyakap niya ko ng napakahigpit. Ramdam kong ayaw niya kong mawala sa buhay niya sa pagkakahigpit ng yakap niya.
"Mahal din kita Cedric, Mahal na Mahal. Hindi ko rin kakayanin ang mawala ka sa buhay ko."
Wika ko kay Cedric . Habang pinagmamasdan  namin ang napakagandang tanawin. Kasabay ng simoy ng malamig na hangin.

When im with you♥️Where stories live. Discover now