Twenty Two

146 1 0
                                    


Pagsapit ng umaga ay nagising na ang magkakaibigang sina Aira, Cathy, at Pamela na nasa iisang room lang.

Aira's POV

" Good morning!!!" Bati ni Pamela at Cathy saakin pagkagising namin.
" Morning!!! Ang sakit ng ulo ko!
Salamat sainyo ha hinatid niyo ko dito sa kwarto! Pasensya na kung nakatulog ako kagabi sa tabi ng dagat buti nahanap niyo ako!". Wika ko naman sa mga kaibigan ko.
" anong pinagsasabi mo Aira! Eh hinanap ka namin kagabi, pero pagkakita namin sayo ay nandito kana sa kwarto at natutulog na!" Sagot naman ni Pamela saakin.
" Tsaka hindi kami ang naghatid sayo dito noh! ang daya mo nga eh natulog kang di pa tapos ang party!" Wika naman ni Cathy.
" A-ano? Ah baka si TJ o JC o si Phil?".
Tanong ko ulit sa kanila.
" Imposible! Sabay kaming apat nina Phil at Jc na naghanap sayo! Tapos si Tj at Klarisse hinahanap ka rin nakita lang namin yung dalawa sa Garden dahil hinanap din namin sila pagkatapos ka naming mahanap dito sa kwarto! Kaya hindi kami ang naghatid sayo dito."
Sagot naman ni Pamela saakin.
" Teka nga! Ba't ka ba sa tabi ng dagat nakatulog kagabi ha? Ano bang ngyari sayo Aira?". Nagtatakang tanong naman ni Cathy saakin.
Kaya kinuwento ko sa kanila ang mga nakita ko kagabi, na labis kong ikinalungkot at nakatulog ako sa tabi ng dagat sa kakaiyak at kakasigaw, habang umiinom ng alak.
" A-Ano?!!! Yung bruhang kate na kinuwento mo saamin at si Cedric? Nakita mong magkayakap? As in dito sa resort?!!! Gulat na sabi naman ni Pamela.
" Teka! Akala ko ba hindi pupunta si Cedric dito! Eh bakit nandito siya kagabi?." Wika naman ni Cathy.
"Hindi ko rin alam! Siguro dahil nakipagkita siya kay Kate. Na realize niyang mas mabuting si Kate nalang ang piliin niya. Di ko alam! Siguro!". Hindi ko rin alam anong tamang isasagot dahil kahit akoy nagugulohan din sa mga nakita ko kagabi.
" Aba! Gago naman pala yang Cedric na yan kung totoo yang mga iniisip mo Aira!" Sambit naman ni Pamela.
" Pero malakas din ang kutob ko Aira ha! Na si Cedric ang naghatid sayo dito sa kwarto. Baka pumunta siya dito para sayo talaga! Hindi para sa kate na yun! Malay mo baka sinundan lang siya ng kate na yun dito! Kasi nga desperada talaga siya!" Wika naman ni Cathy saakin. Bigla rin akong napaisip pilit kong inaalala kong sino yung taong naghatid saakin dito sa kwarto sa sobrang lasing ko di ko na talaga maalala. Si Cedric nga ba talaga? Bakit sila magkayakap ni Kate kagabi?. Nandito nga ba siya kagabi para saakin?!.
Pagkatapos naming mapag kwentohan ang ngyari kagabi ay nag ayos na kami at bumaba ng dining area para mag almusal.

" Hindi mo ba talaga matandaan kung sinong naghatid sayo sa kwarto Aira?".
Tanong naman ni JC saakin habang kami'y kumakain ng almusal.
" hindi talaga eh, kasi lasing na lasing na ko JC." Sagot ko naman kay JC
" So ano ng plano mo ngayon Aira? Kailangan na natin bumalik ng Manila, may mga aasikasohin pa kami. Nasa sayo na yun kung magpapaiwan ka dito, kasi hindi mo pa nakakausap ng maayos si Cedric." Wika naman ni Phil saakin.

" kailangan nadin naming bumalik ng Manila Aira, may trabaho pakami ni Cathy bukas.pasensya na kung di kana namin masasamahan ng matagal dito."
Wika naman ni Cathy.

" Hinahanap na rin ako ni Mama.
Magbubukas na kasi yung restaurant na pinagawa ni mama. Sana makapunta kayo sa opening!" Wika rin naman ni TJ.

" naku Aira! Sumama kana samin pabalik ng manila! Hayaan mo na ang Cedric na yun sa piling ni kate!!" Ang sabi naman ni Pamela.

" What? What do you mean by Kate and Cedric?." Nagtatakang tanong ni JC. Natahimik ang lahat kaya ikinuwento ko nalang sa kanila ang mga ngyari kagabi.
" Sure ka ba diyan Aira? Magkayakap si Cedric at Kate?. Akala ko ba di siya makakapunta dito?".Nagulat na Tanong ni JC saakin.
" Oo. Kaya napag desisyonan kong sasama na ko sainyo pabalik ng Maynila. Mukhang wala na talagang pag asa na makausap ko si Cedric dahil siguro na realize na niyang hindi kami ang para sa isa't isa! Siguro na mulat na siya sa katotohanang si Kate talaga ang para sa kanya at hindi ako." Naluluha kong sagot sa kanila.
" Pero parang mali ata ang iniisip mo Aira, hinding hindi magkakagusto si Cedric kay Kate. Kilala namin siya.and do you mean, nagpunta siya dito just for kate? Imposible!".Wika naman ni Phil.
" Minsan kasi kapag nasaktan mo ang isang tao, nagbabago! Malay niyo naman diba." Wika ko naman sa kanila kahit sobrang sakit na sa kalooban ko.
" Wag kang mag alala bespren! Nandito lang kami para sayo, ano man ang mangyari! Dito lang kami." Wika naman ni TJ saakin.
" Sus!!! Pinapaiyak niyo naman ako lalo! Basta salamat sa inyong lahat!" Taos puso kong pasasalamat sa kanila, habang pinupunasan ang luha ko.

When im with you♥️Where stories live. Discover now