Eighteen

104 1 0
                                    


Aira's POV

"A-aira? Bakit ka nandito?".Gulat na sabi nito pagkakita niya saakin.

" Cedric! Andito ako para magpaliwanag sayo! Sana pakinggan mo ko!" Pagsusumamo ko kay Cedric.Ngunit hindi ito kumibo at tumalikod.
" Patawarin mo ko Cedric, hindi ko gustong paasahin ka, hindi ko gustong maghintay ka don sa restaurant hanggang umaga! Hindi ko gustong masaktan ka, lahat kami alalang alala sayo, lalo na ko! kaya sana paniwalaan mo ko! gusto kong.... ngunit hindi ko matapos ang sasabihin ko, hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya ang nadarama ko.

" Tapos ka na ba? Kung tapos ka na maari ka ng umalis. Gusto ko ng magpahinga." Wika ni Cedric saakin.

"P-pero Cedric.."

"Tama na Aira! Tigilan mo na ko!
Lahat ng mga ginawa ko para sayo kalimutan mo na! Dahil yun din ang ginagawa ko ngayon, siguro nga tama ka! Hindi tayo bagay! Hindi tayo para sa isa't isa! Kaya umalis ka na! Ayaw na kitang makita pa." Wika ni Cedric, at unti unti itong naglalakad papalayo saakin, habang unti unti namang tumulo ang mga luha saking mata. Ngunit Laking gulat ko ng biglang sugorin  ni TJ si Cedric at pinakawalan ito ng suntok sa mukha.

" Gago ka ba!!! Alam mo ba kung gaano nag alala sayo si Aira! Simula ng mawala ka! Hindi siya makakain! Ikaw palaging nasa isip niya!Lahat ng paraan ginagawa niya para lang mahanap ka!!! Para sayo! Lahat gagawin niya! Tapos ngayon gaganyanin mo lang siya!!!!" Galit at pasigaw na sabi ni TJ kay Cedric.habang inaawat naman siya nina Cathy at Pamela.

" Hindi ko kayo inutosan para magpunta dito at hanapin ako! Kaya mabuti pa umalis nalang kayo!" Wika ni Cedric habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi gawa ng pagsuntok sa kanya ni TJ.

" Gago ka talaga noh!" Di paawat na sigaw naman ni TJ kay cedric.

" TJ tama na! Ano ba!! Ano bang ngyayari sayo? Problema ko to kaya hayaan mo nang ako ang aayos!!" Wika ko naman kay TJ.

" Aira! Umuwi na tayo ng Maynila!!
Pabayaan mo na ang gagong yan! Andito naman ako Aira! Gusto kita noon paman pero nahihiya lang akong sabihin sayo! Dahil magkaibigan tayo! Tara na Aira! Wala kang dapat ipagpaliwanag sa kanya! Hindi ka naman dapat magkaganito!"
Wika naman ni TJ saakin. Nagulat ako sa mga ibinunyag nito saakin, hindi ko inaasahang may gusto pala saakin si TJ. Nakita ko ring napahinto si Cedric sa paglalakad paalis ng marinig ang mga saloobin ni TJ at pagkatapos magsalita ni TJ ay agad naman itong umalis habang sinundan naman siya nina Phil at JC.

" Tj, bespren nga tayo diba! Magkaibigan tayo! Alam mo yun! Lahat sinasabi ko sayo, buo ang tiwala ko sayo, pero Tj alam mong para nakitang tunay na kapatid, kayo ni Pamela at Cathy. Hindi ko inaasahang magkakagusto ka saakin kasi nga para na tayong magkakapatid diba?! Sana maintindihan mo ko. Mahal kita bilang kaibigan at parang tunay na mga kapatid ko, kayo nila pamela at cathy." Paliwanag ko kay TJ habang pinupunasan ang mga luha niya.

" Pasensya ka na bespren! Hindi ko na sana sinabi sayo. Pero ako ang nasasaktan sayo ngayon. Nasasaktan ako pag nagkakaganyan ka."
Wika naman ni TJ saakin.

" Salamat sa pag aalala mo Bespren! Pero kaya ko to! Kakayanin ko to.
alam ko na balang araw makakahanap ka rin ng babaeng para sayo!". Sagot ko naman kay TJ.

" Oo nga TJ! Malay mo andiyan lang pala siya sa tabi2x." Dagdag naman ni Pamela.

" malay mo baka si klarisse pala ang makakatuloyan mo. Oyyyy!!" Asar naman ni Cathy habang tinuturo ang isang babaeng di ko pa kilala kasama nila.

" hoy wag naman kayo ganyan!
Ay hello nga pala Aira! Ako si klarisse cousin of Cedric. So ikaw pala si Aira! Nice to meet you!" Nakangiting Bati naman ni klarisse saakin.
" hi klarisse! Oo ako nga si Aira! Nakangiti ko ring bati kay klarisse.
Habang nakatingin ako kay klarisse ay hindi naman mawala wala ang tingin nito kay TJ.

" oo nga naman bespren! Bakit di mo kaya imulat ang mga mata mo diyan sa tabi2x baka mahanap mo na siya." Pagbibiro ko naman kay TJ.

" Oo nga Tj! Maybe nandito lang siya."
Wika naman ni klarisse kay Tj. Habang nakangiti ito at ibang iba ang tingin kay TJ.

" Sana kung may ma hanap man ako, sana katulad mo Aira, yung simple lang. yung maganda kahit simple, tsaka mabait!". Sagot naman ni TJ. Habang tinitingnan ko naman si klarisse na napaka fashionista, malayong malayo sa simpleng babae na  sinasabi ni TJ.
Pero mukha naman siyang mabait, maganda rin siya.

" hay ewan ko sayo TJ! Bahala ka jan!
Teka Aira! Ano na palang gagawin mo ngayon? Babalik na ba tayo ng Maynila?." Tanong naman ni Cathy saakin.

" hindi ko pa alam. Mukhang ayaw na kong makita ni Cedric. Pero parang ayaw ko siyang sukoan". Sagot ko naman.

" Oh my God ! Wait! So Aira! Gusto mo rin si Cedric?." Tanong naman ni klarisse.
Napatango nalang ako.

" So bakit hindi mo sinabi sa kanya kanina habang nag uusap kayo?.why?!!"
Tanong  naman ulit saakin ni Klarisse.

" kasi pinangunahan ako ng kaba, hiya, takot. Hindi ko alam paano sasabihin sa kanya lalo pa't alam kong galit pa siya saakin." Sagot ko naman kay klarisse.
" Oh eh ano ng plano mo ngayon friend? Kaya ka nga nandito di ba para sabihin sa kanya ang totoo!." Wika naman ni Pamela.
Tama nga naman si Pamela, pero paano ko sasabihin sa kanya, gayong ayaw  niya na kong kausapin?.

Cedric's POV

"Dude! Sorry! Gusto ka lang makita ni Aira, kaya namin siya dinala dito. Nag aalala rin kami sayo kaya ka rin namin hinanap." Pagpapaliwanag ni Phil saakin.

" Oo nga pare! Alalang alala talaga kami sayo lalong lalo na si Aira . Bakit ba hindi mo man lang siya pinagpaliwanag?." Tanong naman ni JC saakin.
"Tumigil na kayo! Ang mabuti pay iuwi niyo na lang sila!." Sagot ko naman sa kanila.
" Dude! Were here para makasama ka! Para mag saya tayo! May party bukas ng gabi sa resort namin. Punta ka! Aasahan ka namin ok?. Pagyaya naman ni Phil.

" dadalhin muna namin sila dun sa resort nila phil, malapit lang dito yun diba. Para naman mag enjoy din sila. Sige na Cedric! Itabi mo muna yang lungkot mo!" Wika naman ni JC.
" Sorry pare . But i can't go! Kayo nalang mag enjoy kau!" Pagtanggi ko naman sa kanila.
" Grabeh ka dude! Because of Aira! Nagkakaganyan ka na! Mag tatampo kami sayo pag di ka pumunta bukas!" Wika naman ni Phil.
" so paano! Mauna na kami! Inoman nalang tayo bukas ha! Magpapahinga muna kami napagod kami sa byahe eh.sige pare! Sana lumamig na yang ulo mo!" Paalam naman ni JC
At Umalis na agad ang dalawa.
Bigla ko namang naisip ang mga sinabi ni TJ at ng mga kaibigan ko, Ano? Si aira? Labis ang pag aalala. Bakit naman mag aalala si Aira? Dahil gusto niya rin ako? Eh bakit hindi niya ko sinipot sa usapan namin?. Siguro nandito lang siya para humingi ng tawad yun lang siguro. Para ipaliwanag kung bakit hindi siya pumunta, ayaw kong marinig ang mga paliwanag nya. baka masaktan lang ako lalo sa kung ano man ang sasabihin niya at ipapaliwanag. Pero ang TJ na yun, may gusto rin pala siya kay Aira. Bigla akong nakaramdam ng selos ng sabihin niyang gusto niya si Aira. Pero wala akong karapatan mag selos dahil walang kami ni Aira!!"

When im with you♥️Where stories live. Discover now