Thirty Four

104 0 0
                                    

Aira's POV

" Unang araw ng pasokan ngayon, excited at kinakabahan nakong pumasok at mag aral muli sa kolehiyo!
Kaya naman ay bumangon na agad ako upang mag handa at mag ayos na."

" Goodmorning mahal kong prinsesa bangon na! Baka malate ka sa unang araw ng pasokan! Yakang yaka mo yan! Goodluck! I love you! :)" text ni Cedric saakin. Mas lalo akong ginanahan sa araw na to. Si Cedric ang pinaka inspirasyon ko ngayon sa pag aaral dahil siya rin ang parating nagpapalakas ng loob ko.
Pagkalabas ko ng bahay ay ginulat na naman ako ng magaling kong jowa. Andyan na naman siya sa tapat ng bahay ko at naka abang na.
Goodmorning mahal ko! Let's go? Bagal mo naman! Baka ma late ka na. Salubong ni Cedric saakin.
Cedric salamat talaga parati kang nandyan para saakin pero hindi mo naman kailangan ihatid sundo pako sa school araw araw.Napag usapan na natin to diba? Ayaw ko lang kasing araw2 maaga kang gumigising para ihatid ako. Gusto ko rin namang makapagpahinga ka ng maayos.
Wika ko rito.
Aira, ikaw ang pahinga ko! Kapag nakikita kita para narin akong nakatulog ng 48 hours! Kapag nasa bahay ako mapapagod naman ako sa kaka alala sayo. Kaya hayaan mo na ko bilang boyfriend mo ok? Wika naman ni cedric saakin habang kinakabit ang seatbelt ko.
Oo na sige na! Ikaw na talaga ang pambansang jowa ever! Alam mo bang ako na ang pinakamasaya at pinaka swerteng girlfriend sa buong mundo?"
Wika ko kay Cedric habang kinukurot ang pisngi nito.
Susss! Eh ako rin naman ang pinaka masaya at pinaka ma swerteng boyfriend sa buong universe. Alam mo ba yon?"
Sagot naman ni Cedric saakin habang kinurot ang ilong ko.natawa ako sa sinabi niya! Walang araw na hindi ako pinapatawa ng mukong nato. Nakarating na kami sa Vasant Valley University ang ganda talaga ng school nato ang laki laki pa.
" Dati pinangarap ko lang makapag aral dito. Ngayon natutupad ko na ang mga pangarap ko!" Masayang wika ko kay Cedric.
O ano pang hinihintay mo baka ma late ka na Aira. Sige na! Wika naman ni Cedric saakin.
Sige na Cedric! Pasok na ko ha!
Excited at dali dali akong pumasok!
Pagkapasok ko sa gate Ay nilingon ko muli si Cedric at tinawag siya.
CEDRIC!!!!!!! Tawag ko sa kanya nakatalikod na ito at sasakay na sana sa kotse niya kaya lumingon ito saakin.
I LOVE YOU!!! Ingat ka!!!!
Sigaw ko sa kanya. Napangiti ito ng abot tenga.
I LOVE YOU TOO AIRA!!! Sigaw din naman nito saakin. Napakasaya ng relasyon namin ni Cedric. Pareho kaming nagtutulongan sa isa't isa. Parati kaming andiyan para sa isa't isa.Kaya napakalaki ng pasasalamat at pagmamahal namin para isa't isa.


Klarisse POV

Thank you Henrick sa paghatid saakin dito sa restaurant! Thank you talaga ha.
Wika ko kay henrick na sinundo ako pagkatapos ng school para ihatid ako sa restaurant dahil oras na ng part time job ko. Wala na kasi akong choice malalate nako sa work ko.
No problem klarisse! I told you naman diba , di mo naman kailangan mag trabaho pa kina TJ. Dapat sayo prinsesa, hindi waitress. Wika ni henrick saakin.
Salamat talaga henrick ha! Sige na una nako bye!

Sundoin kita mamaya ha? Dinner?
Pagyaya nito saakin.
Try ko ha! Itetext nalang kita.
Sagot ko naman kay henrick. Kaya dali dali nakong pumasok sa restau at nagbihis ng uniform.
Late ka na! Umuwi ka na klarisse!
Nagulat ako sa sinabi ni Tj saakin.
Ha? Tj!! Hello! Sakto lang yung oras ko. Hindi ako late noh! Sagot ko naman sa kanya.
Youre fired!!! Umalis ka na!
Sigaw nito saakin.
Ha? Whats wrong TJ? Sabihin mo nga saakin? Parang wala naman akong ginawang mali ah!

Ayoko lang nakikita ang kaartehan mo! Ang mukha mo! Kaya umalis ka na dito klarisse pwede ba! Nakaka irita ka na!
Bulyaw ni TJ saakin na siya namang labis kong ikinasaktan at napaiyak nalang ako.
Sabihin mo muna saakin ang totoong rason bakit ka nagagalit TJ? Bago mo ko paalisin? Tanong ko sa kanya.
Dahil ayoko nga sayo!! Ayoko ayoko sayo! Hindi ako magkakagusto sa katulad mo!!! Hindi!! Hindi pwede!!!!
Sigaw nito saakin. Na ikinagulat ko naman.
Anong Hindi pwede? Anong ibig mong sabihin? May gusto ka na saakin??Am I right? Tanong ko ulit sa kanya dahil nagugulohan ako sa mga sinasabi niya.
Oo gusto na kita! Nagseselos ako sainyo ni Henrick!!! Pero hindi pwede! Dahil gusto ka ng pinsan ko!!!! Wika ni TJ saakin tama ba ang mga narinig ko? Si TJ sa wakas may gusto na rin saakin? OMG!!!
Pero hindi ko gusto si Henrick!! Alam mo ba anong tunay na rason ko bakit ako nandito Tj? Hindi totoo yung sinabi kong gusto kong magkaroon ng sariling pera. Dahil ikaw ang tunay na rason bakit ako nandito!"

Anong ibig mong sabihin klarisse?
Gulat na tanong ni TJ saakin.

Kaya ako nag apply dito kasi gusto ko makita at makasama kita araw araw Tj!
Gusto ko ipakita sayo na di ako maarte, kaya kong mag hanap buhay. Kaya kong mamuhay ng simple lang para magustohan mo ko! Wika ko kay TJ habang umiiyak.
A-ano? Dahil lang saakin?wika ni TJ.

Oo! Ikaw gusto kita TJ! Manhid ka ba? Di ba halata? Adik na adik ako sayo!!!
Di mo na ba natatandaan ang mga sinabi ko sayo sa cebu? Na gusto kita!!! Gustong gusto kita!!!
Hindi kumibo si TJ nakatulala lang ito. Kaya nagpasya nakong umalis dahil sa nahihiya narin ako sa mga nasabi ko sa kanya.
Ngunit nagulat ako ng bigla niya kong yakapin.
Gusto kita klarisse. Hindi mo kaylangang magbago para saakin. Hindi mo kailangan magpakahirap at gawin ang mga bagay na hindi mo naman kaya ng dahil lang saakin. Gusto kita klarisse kahit ano ka pa! Nagulat ako sa sinabi ni Tj saakin. Parang dininig na ng diyos ang dasal ko!!!
Thank you Lord!!! Sa wakas gusto rin ako ng taong gusto ko! So sinasagot mo na ko tj? Sigaw ko naman.

Hoy sira ka ba! Ako ang mangliligaw sayo klarisse! Hindi ikaw. Bulyaw naman ni TJ.

Omg!!! Sinasagot na kita TJ!!!!!!

Agad2x? Hindi mo man lang ba ako papahirapan? Tanong naman ni Tj saakin at napakamot pa ito sa noo.

Hay naku! O edi wag!!! Wika ko naman.

Wala ng bawian! Wika naman ni Tj saakin.
Niyakap naman ako ulit ni Tj. Sobra sobra ang saya ko. Thank you talaga lord!!!

TJ? Klarisse?Tama ba ang narinig ko? Kayo na? Nagulat kami ni Tj ng marinig ang boses ni henrick. Nakatingin samin galit na galit ang tingin nito At biglang sinuntok si Tj.
Henrick!!!! Tama na ano ba!!!!
Sigaw at awat ko dito.
Kaya pala ayaw mong ibigay saakin ang number ni klarisse kaya pala binabara mo ako! Hayop ka! May gusto ka pala kay klarisse!!! Galit na galit na wika ni henrick.
Tama na henrick! Wala akong gusto sayo! Si TJ ang gusto ko. Patawarin mo ko henrick sasabihin ko naman talaga sana sayo eh. Paliwanag ko kay Henrick.

Mag sama sama kayo!!!!! Galit na galit si henrick at umalis ito!

Ok ka lang ba TJ? Wika ko kay TJ habang inaalalayan ito.
Ok lang ako klarisse. Wag kang mag alala. Sagot naman nito saakin.

Sorry nag away tuloy kayong mag pinsan dahil saakin. Wika ko kay TJ habang ginagamot ang sugat nito sa gilid ng bibig niya gawa ng suntok ni henrick sa kanya.
Nag aalala nga rin ako . Galit na galit yun panigurado. Hindi ko naman sinasadyang saktan siya. Sagot ni tJ saakin na nag aalala para sa pinsan niya.
Pasensya na TJ.

Wala kang kasalanan klarisse. Atleast sinabi mo sakanya ang tunay mong nararamdaman para hindi siya umasa. Sana lang matanggap niya agad. Salamat rin sa pananatili sa tabi ko.wika naman ni tj.

Oo nga sana. Atsaka Tj ikaw naman talaga pipiliin ko. Diba boyfriend na kita?

Oo na! Tayo na nga! Kulit mo talaga!
Pang aasar ni Tj saakin.

Malungkot ako dahil nasaktan ko si Henrick.
Sana ay matanggap niya agad ang desisyon ko.
Pero ang saya saya ko rin dahil ang taong mahal ko! Finally love rin pala ako.

When im with you♥️Where stories live. Discover now