Thirty

107 1 0
                                    


Aira's POV

Sa pag aalala namin kung nasaan na kaya si Cathy ay nagpatulong na rin kami kina Cedric at Phil. Ilang sandali pa ay tumatawag si Cedric.

Hello Cedric? Ano may balita na ba kayo kay Cathy? Tanong ko kaagad kay Cedric pagka sagot ko sa tawag niya.
" Aira pumunta kayo dito, andito siya itetext ko sayo ang address." Wika naman ni Cedric. Kaya dali dali kaming pumunta ni Pamela sa kinaroroonan  ni Cathy.
Pagdating namin doon agad kaming sinalubong nina Cedric at Phil.
Kayo nalang muna ang lumapit sa kanya hindi kasi kami makalapit dahil umiiyak siya. Kanina payan hagolhol ng hagolhol.  Wika ni Cedric saamin.
Kaya dahan dahan naming nilapitan si Cathy na nakaupo sa bench at umiiyak.
Dai? Alam naming di ka okay ngayon! Sige iiyak mo lang yan. Ubosin mo lahat ng sakit! Namnamin mo lang ng mabuti yung sakit! Andito lang kami para sayo."
Wika ko kay Cathy habang tinapik ang balikat niya.
Atsaka dai! Gusto mo inoman tayo? Upakan natin si JC pag nakita natin siya? Kasi inindian ka niya? Sabi ko naman sayo wag masyadong umasa diba!" Wika naman ni Pamela na naiiyak na rin pati ako rin ay naluluha na.
Mga gaga! Sinong nagsabing di ako okay?! Syempre hindi talaga!!! Huhuhuhu. Sakit mamsh!!! Akala ko ito na yun eh! Sabi naman ni Cathy habang patuloy na umiiyak. Matagal na kasing hinihintay ni Cathy ang taong magpapa ibig at makakapagpasaya sa kanya,sa aming tatlo siya ang gustong gusto ng magka jowa.
Masakit din para saakin na makitang nasasaktan ang mga kaibigan ko, para ko na silang mga tunay na kapatid.kaya niyakap namin ni Pamela si Cathy.
" Cedric? Phil? Ano bang sabi ni Jc sainyo? Bakit biglaan ang pag alis niya?"
Tanong ko sa kanila.
Text lang yung natanggap namin ni Phil. Atsaka nagtataka rin kami Aira hindi  na namin ma contact si JC. Hindi naman ganun yun eh. Sagot naman ni Cedric saamin.
Oo nga. Tatawag at tatawag yun saamin kapag may mga lakad siya sa ibang  bansa. I dont know what is happening dude! Pero parang may mali.wika din ni Phil.
"Eto yung liham na kasama ng bulaklak at chokolate na pina deliver niya sa hotel." Wika naman ni Cathy at binasa namin ang liham.pagkatapos naman naming basahin ang liham.
"Ano! Magpapakasal na siya? Abay gagu yang Jc na yan! Pina asa asa niya pa si Cathy!"galit na wika ni Pamela.
Kalma Pamela! Hindi si JC ang maygawa  nito! Wika naman ni Phil at hinawakan ang balikat ni Pamela ngunit tinanggal naman ni Pamela ang kamay ni Phil sa balikat nito.
Anong ibig niyong sabihin?
Pagtatakang tanong ko kay Phil.
Hindi ganito mag sulat si JC alam na alam namin ang handwriting niya!
Phil naiisip mo bang posibleng Daddy niya ang maygawa ng lahat ng to?"
Wika naman ni Cedric.
Posible nga Cedric. You know Tito Jay gusto niya na chinese rin ang mapapangasawa ni JC. Kaya siguro nung malaman niya about sainyo Cathy ay agad niyang plinano ang lahat ng to.
Dagdag pa ni Phil.
Ano? So ibig sabihin plano lang ng Daddy ni Jc ang lahat? Kaya niyang gawin yun? Tanong ko naman.
Kung ganun! Baka andito lang si JC? Baka hindi talaga siya pumunta ng China?. Wika rin ni Cathy.
Posible nga Cathy na nandito pa siya.
Imposible ring papayag si JC na pumunta ng China eh ayaw niya don. Eh ang Magpakasal pa kaya! Wika naman ni Cedric.
Dude I will call my friend na nagtatrabaho sa Airport ipapa trace ko kung lumabas nga ng bansa si JC.
Wika naman ni Phil at tinawagan ang kakilala niya nagtatrabaho sa Airport. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakakuha agad ng sagot si Phil sa tanong niya.
" Walang record o kahit na ano na pumunta nga ng China si Jc. Pati narin yung private plane nila hindi daw nagpuntang china last flight nito last sunday pa galing europe." Wika naman ni Phil saamin.
Talaga kung ganun nasaan ngayon si JC?
Nag aalalang tanong ni Cathy.
puntahan natin sa bahay nila. Baka andun lang siya. Wika  ni Cedric kaya dali dali kaming sumakay ng sasakyan.
" Pamela dito kana sumakay. Wika ni Phil. At pilit pinapasakay si Pamela sa sasakyan  nito.
Hindi na Phil kasya naman siguro kami sa sasakyan ni Cedric. Pagtanggi ni Pamela.

Cathy ikaw nalang samahan mo si Phil.
Wika ni Pamela kay Cathy.
Ha? Nakaupo nako dito Pamela. Ikaw  nalang.
" Sige na Pamela its okay! Kung walang sasama sakin." Wika naman  ni Phil.
Kaya sumakay na si Pamela sa sasakyan ni Cedric kung saan kami nakasakay. Halatang halata ang pang iiwas nito kay Phil. Habang alalang alala naman ang mukha  ni Cathy para kay JC.kaya pina andar na ni Cedric ang sasakyan at pumunta na kami sa bahay nila Jc sumunod naman si Phil.Pagkarating namin ng bahay nila JC ay agad nag doorbell sa gate sina Cedric at Phil.
" Sorry po Sir pero bilin po saamin na wag kaming magpapapasok kahit mga kaibigan ni Sir JC. Yun ang utos samin ng Daddy niya." Wika ng guard nina JC saamin.
Bakit daw ho hindi pwede? Andyan ba si Jc ? Gusto namin siyang makausap.
Wika naman ni Cedric.
Wala nga po rito. Nasa china na siya. Sige na ho! Umalis na ho kayo at  baka mawalan pa kami ng trabaho kapag nagpumilit kayo! Dagdag naman ng bodyguard. ngunit ayaw naman paawat ni Cedric at Phil kaya nagsisigaw ito. Sinisigaw ang pangalan ni JC. Kaya maya maya pay may lumabas na malaking tao, mahaba ang buhok na nakatali nakakatakot ang postura niya. Siya pala ang daddy ni JC.
What the hell is going on here!!!!!!
Sigaw nito saamin kaya natahimik kaming lahat.
Good evening Tito Jay gusto lang namin makausap si JC andito ba siya?
Tanong ni Cedric sa ama ni JC.
For what? Wala sya rito nasa china na siya! mag si uwi na kayo!!!
Wika pa nito saamin.
Tito Jay we know na nandito lang si Jc. Kaya pakiusap ipakita niyo na siya saamin.wika naman ni Phil na nagmamakaawa sa ama ni JC.
All of you Go home! Wala si JC dito! Umalis na kayo!!!!! Sigaw at galit na wika nito.ngunit nagulat kaming lahat ng bigla nalang lumapit si Cathy sa kanya.
" Sir.Please! Gusto lang po naming makita si JC . Gusto lang po naming malaman kung ok lang po siya."
Wika ni cathy.
At sino ka naman? Para sabihin saakin ang mga yan? Kilala ba kita? May gusto ka ba sa anak ko? At bakit ganyan ka nalang mag alala?

" Opo! Gusto ko po ang anak niyo! At nararamdaman kong gusto rin ako ni JC! Kaya pakiusap po kahit isang pagkakataon lang gusto ko po siyang makita bago niyo siya ilayo."
Sagot  naman ni Cathy sa ama ni JC.

Napakataas ng pangarap mo!  Sinasabi ko sayo iha, wala kang pag asa at karapatang mahalin ang anak ko! Dahil hindi ka nababagay sa pamilya namin lalong lalo na kay JC. Lahat gagawin ko para mapunta siya sa tamang tao.Kaya tumigil kana sa kahibangan mo!wika naman ng hambog na ama ni Jc kay Cathy.

" Hayaan nyo na po ang anak niyong mag desisyon sa gusto niya! Malaki na po si JC. Hindi niyo ho siya dapat pinipilit sa gusto niyo lang. Palayain niyo ho ang anak niyo huwag niyo ho siyang ikulong sa lungkot! Hayaan niyo siyang piliin at gawin kung anong gusto niya! Hindi naman siguro mauubos ang yaman ninyo kung hahayaan niyo si Jc sa gusto niya! Wika ko sa kanya. Dahil parang sumusobra na ata siya. Ngunit nakaramdam ako ng konting takot ng unti unti siyang lumapit saakin at  napakatalas ng tingin nito. Kaya bigla siyang hinarangan ni Cedric upang hindi makalapit saakin.
"Huwag ho kayong magkamaling saktan ang girlfriend ko." Wika ni Cedric.

" kung ayaw niyong masaktan umalis na kayo!!! Bago ko pa kayo ipakaladkad sa mga guard!!! ALIS!!!!!!!"
Galit na galit na sabi ng Ama ni JC.
Kaya umalis na kami baka kasi pag nagpumilit pa kami ay baka may masaktan talaga saamin.
Hindi muna kami umuwi dumaan muna kami sa bahay nila Cedric upang pag isipang mabuti kung paano namin makikita at kung nasaan talaga si JC.
" Huwag kang mag alala Cathy gagawin namin lahat para makita natin si JC."
Wika ni Cedric kay Cathy.
" Salamat sainyo ha. Aira, muntik ka na dun kay Mr.Yap ha! Buti nalang humarang kaagad si Cedric."
Pag aalala naman ni Cathy saakin.
Hay naku Cathy! Sumobra naman kasi ata yung mga sinabi niya noh!
Sagot ko naman.
" Kahit na Aira! Hindi niyo alam anong kayang gawin ng daddy ni JC. Paano kapag napahamak ka?" Sermon naman ni Cedric.
"Oo na! Gusto ko lang naman sabihin kong ano yung tama. Alam ko lahat  ng magulang gagawin ang lahat para sa anak nila pero medyo sumobra naman ata siya."

" Oo nga Aira. Next time be careful lalo na sa daddy ni Jc. Lalo kana rin Cathy, even you Pamela."
Wika naman ni Phil.ngunit hindi parin ito pinapansin ni Pamela.
" Bakit parang ang layo naman ng ugali ni Jc sa daddy niya. Kabaliktaran eh! Ang bait2 ni Jc pero yung Daddy niya grabeh!" Pag singit  naman ni Pamela.
" Baka mana sa mommy niya!"
Sagot ko naman.
" Naku!!! Pag na meet niyo ang mommy niya mas matindi pa sa daddy niya ang ugali." Kwento ni Phil.

Ganun ba! Kung ganun saan nagmana ang ugali ni Jc?. Tanong ko naman.

" kaya nga bilib kami kay Jc pinalaki niya ang sarili niyang maging mabuti napaka busy naman kasi ng parents niya may older brother siya pero namatay ito dahil sa car accident. Hindi kasi siya lumaki  sa mommy at daddy niya pinalaki siya ng yaya niyang napakabait at matagal ng naninilbihan sa kanila."
Kwento naman ni Cedric.

" Tama Cedric! Si yaya Imelda , baka makatulong siya saatin.!"
Nagka ideya naman si Phil.
" Oo nga! Kokontakin natin si yaya imelda! Baka nga maaari niya tayong tulongan!" Sagot rin ni Cedric. Kaya naman ay humanap agad kami ng paraan para ma kontak si Yaya Imelda. Ngunit hindi namin mahanap ang number at address nito.maya maya pay may tumatawag sa phone ni Cedric.

" Hello sino to? Wika ni Cedric sa tumatawag.

" Ano Ho!!! Biglang sigaw ni Cedric.

When im with you♥️Where stories live. Discover now