Fourty Three

102 2 0
                                    

Aira's POV

Hindi ako makatulog sa kakaisip sa mga ngyari saamin ni Cedric kaya minabuti ko munang lumabas sa garden ng bahay ko dahil kahit anong gawin ko ay di mawala wala sa isip ko si Cedric.
Are you okay? Pangangamusta saakin ni Sir cholo nag request kasi si Gab na dumito muna siya sa bahay namin at mamaya na umuwi sa kanyang bahay.
Yung totoo? Hindi. Ewan! May ipon naman nako, may magandang bahay nako, maayos na ang career ko may magandang trabaho. Pero bakit yung puso ko malungkot parin.naluluha kong sagot kay sir cholo. Oo may pera nako, napaganda ko na rin ang munting bahay namin noon ni Lola. Pero ang lungkot pa rin.
Buti nalang nandito si Gab may kapatid pakong nagpapasaya saakin pati rin ang mga kaibigan ko pero pakiramdam ko may kulang parin. Napaka unfair talaga ng mundo sir, "bakit nga ba kailangan pa kayong pag tagpoin kung hindi naman itinadhana!"Dagdag ko pa.

Dahil parin ba kay Cedric? Kalimutan mo na siya Aira, I think its time to move on. Nandito lang ako Aira. Please just let me love you. Promise ko sayo ibibigay kong lahat mapasaya ka lang, mapunan lang kung ano mang kulang diyan sa puso mo ngayon. Sabi saakin ni Sir cholo na nagsusumamo sa pag ibig ko. Hindi ko alam pero sa tingin ko ito na ang dapat kong gawin ang ibaling ang pag ibig ko sa iba at di na umasa pa kay Cedric dahil alam kong may masasaktan kapag patuloy kong ipaglalaban ang pag ibig ko kay Cedric.
Lets date please? Pagyaya saakin ni sir cholo. Ngunit hindi ako naka sagot. Nag dadalawang isip parin ako.
Aira, pag isipan mong mabuti. Maghihintay ako hanggang kailan. By the way i have to go. Tulog na si Gab.
Take care okay? See you tomorrow! Wika pa nito saakin. At umalis na para umuwi sa sariling bahay nito. Anong gagawin ko? Bakit pa ba ko nagdadalawang isip?!!!

Kinabukasan sa trabaho. Ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Lea pagkatapos ng mga ngyari sa kasal nina Pamela at Phil.
Maya maya pay dumating na ito.
Minabuti kong kausapin siya.
Lea? Tungkol sa ngyari nung isang gabi... ngunit hindi ako nakapagtapos sa pagsasalita ko ng bigla niya kong sinagot.
Ano ka ba Aira! Wala yon! Wag kang mag alala hindi masama ang loob ko.nakangiti nitong sabi saakin pero nakikita ko sa mga mata niyang nasasaktan siya.
Saka umalis ito at pumunta agad sa location kung saan ki no construct ang project namin.
Goodmorning Aira! Bati saakin ni Sir cholo pagkarating nito sa trabaho.
Ah goodmorning din Sir. Cholo? About sa date na sinasabi mo? Pumapayag nako. Mamaya pagkatapos  ng trabaho ko. Sabi ko kay cholo at napabuntong hininga nalang.
Thank you Aira!!! So See you later?
Nakangiting sabi naman saakin ni Sir cholo.tumango ako sa kanya at sinimulan na ang trabaho ko.
Oo Aira ito ang tamang gawin mo. Tama to!
Panahon na para Buksan mo ang puso mo sa iba. Relax ka lang!!! Kaya mo to!!
Pagkatapos ng trabaho ko ay sabay na kaming umalis ni Sir cholo. At dinala ako sa isang pangmayamang restaurant.
Im so happy right now Aira. Thank you! Salamat sa pagpayag mong i date kita.
Nagagalak na sabi saakin ni Sir cholo.
Walang Ano man Sir cholo.
Sagot ko naman dito pero bakit may alanganin parin sa puso ko? Mali ba to? O tama lang ?
Cholo nalang.. please? So meaning ba nito binibigyan mo na ko ng pag asang maging tayo? Pag asang ibigin mo rin ako? Please say yes Aira..Bigla akong nagulat sa tanong nito. Bakit parang di ata ako ready sa mga sinabi nito saakin?
Ha? O--..... sasagot na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko at biglang napa tingin sa lalaking nakatayo sa harapan namin.
Huwag mong pilitin si Aira kung ayaw niya!! Sabi ni Cedric na naka taas noo! Anong ginagawa ni Cedric dito?Paano na nalaman ng mukong nato  na nandito kami ni cholo?
Tara na!!! Sabi ni Cedric saakin at hinila ako.
Bitiwan mo siya!!!! Nagulat ako sa sabi ni cholo at kinuwelyohan niya ito. Tinanggal naman ni Cedric ang mga kamay ni Cholo.
Cedric ano ba? Bakit ka ba nandito? Sabat ko naman dahil mukhang magkakagulo na ata. Nahihiya nako pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Nandito ako para bawiin ka!!! Napahinto ako sa kakakalas sa kamay ko ng sinabi niya ang salitang yun. At agad akong hinila papalayo ng restaurant. Naging marupok ako wala akong nagawa sa pagkakahila niya saakin. Ngunit hindi to pwede! Kaya huminto ako at itinigil ang pagkakahila niya saakin.

When im with you♥️Where stories live. Discover now