Twenty One

121 0 0
                                    


Nagsimula na nga ang party ng magkakaibigan! Masayang masaya at nag eenjoy naman sila, ngunit di pa rin mawala ang lungkot sa mga mata ni Aira, ng hindi nakikitang dumadating si Cedric sa Party.

Aira's POV

" Sanay dumating ka Cedric. Pakiusap naman! Kapag dumating ka ngayon, sasabihin ko na lahat sayo, na gusto kita !Na mahal kita! Pangako yan!"

" Oy hi Klarisse! Halika!! Dali!!"
Sigaw naman ni Cathy at Pamela ng dumating si Klarisse sa party! Masaya na sana ako ng biglang sinabi ni klarisse..
" hello guys!! Ammm...Jc,Phil pinapasabi nga pala ni Cedric na hindi talaga siya makakapunta. Kaya wag niyo na daw siyang asahan."
Sabi naman ni Klarisse habang malungkot ito na nakatingin saakin. Agad din naman syang napangiti ng makita niya si TJ sa tabi ko.

" Hi klarisse! Halika dito kana umupo sa tabi ko!" Bati ko naman kay Klarisse at pina upo sa tabi ko para magkatabi sila ni TJ.

" hala! Ok lang ba sayo TJ?." Tanong naman ni Klarisse. Agad ko namang kinurot si TJ para sabihin niyang ok lang.

" A! Oo okay lang." Wika ni Tj at umusog naman ito ng upoan. At napagitnaan namin si Klarisse.
Sana ay magkamabutihan ang dalawang to. Dahil sobrang bagay talaga nilang dalawa.Nakikita ko rin naman na gustong gusto talaga ni Klarisse si TJ alam kong kapag siya ang nakatuloyan ni Tj hinding hindi niya sasaktan ang kaibigan ko. sana!!

" Kamusta kana Aira? Pasensya na hindi ko naisama ang pinsan ko ha! Ang tigas kasi talaga!" Wika naman ni Klarisse saakin.

" ok lang klarisse. Hindi mo naman kailangan gawin yun. Ang totoo sobrang nalulungkot talaga ko! Umaasa akong makakapunta siya.Pero parang ayaw niya talaga kong makita."Sagot ko naman kay Klarisse.

"Hindi ko rin maintindihan yun eh! Iyak ng iyak sinisigaw ang pangalan mo! Palaging nakatulala sa dagat! Tapos ngayon nandito ka, arte arte naman!". Kwento naman ni Klarisse saakin.

" ganun ba! labis siyang nasaktan ng dahil saakin. Hindi ko na alam anong gagawin ko!". Wika ko naman kay klarisse.

"Alam mo ang mabuti pa ikaw nalang ang pumunta doon sa resort namin at sabihin mo na lahat sa kanya. Lalambot din yun! Wag kang mag alala! Ramdam kong mahal na mahal ka niya Aira!". Nakakagaang loob na sabi naman ni Klarisse . Napasarap din ang kwentohan namin dahil narin sa alak na iniinom namin, nakikita kong masaya rin ang mga kaibigan ko. Hanggang sa bigla nalang akong napaiyak! Sobrang bigat na ng pakiramdam ko! Kaya minabuti kong mag libot2 muna, hindi rin namalayan ng mga kaibigan kong umalis ako, dahil nag eenjoy sila sa pag sasayaw.Minabuti kong mapag isa muna at pumunta sa napakalaking garden ng resort pero nagulat ako sa mga nakita ko!!
Teka si Cedric ba yun? At si Kate? Magkayakap?!!!. Napa atras ako sa nakita ko! Sobra akong nasaktan ang daming tanong sa isip ko kung bakit sila magkasama rito at magkayakap pa. Kaya minabuti kong umalis  na agad, dahil hindi ko kaya ang mga nakikita ko.

Cedric's POV

Matapos kong ihatid si Klarisse sa resort nila Phil. Ay hindi muna ako umuwi ka agad, hinintay ko munang unang makapasok si Klarisse. Pagkatapos ay Pumasok na rin ako, gusto ko ring silipin man lang kahit saglit si Aira. Ang totooy miss na miss ko na siya! Gustong gusto ko na syang yakapin habang tinatanaw ko siya sa malayo, mukhang nag eenjoy naman siya kasama sila. Bigla akong nagulat ng may mag salita sa likoran ko..

" I knew it! Nandito ka nga!".wika ng isang babae at pag lingon koy..

"Kate? Bakit ka nandito?".
Nagtatakang sabi ko kay Kate!

When im with you♥️Where stories live. Discover now