Eight

137 1 0
                                    


Aira's POV

Pagkatapos malibing ni lola ay nagpaiwan muna ako saglit sa sementeryo. "beshy, sigurado ka bang di ka sasabay saamin ni cathy pauwi?". Tanong saakin ni pamela.
" oo nga alam naming di ka pa ok! Gusto mo hintayin ka nalang namin?." Sunod na tanong sakin ni cathy. " sige na mauna na kayo. Gusto ko lang makasama sandali si lola." alam kung di ganun kadali maging ok pero laban lang friend!". Biro kong sagot sa kanila. Para di naman sila mag alala ng masyado saakin. " dapat lang friend! Laban Japan! Pabiro ding sabi sakin ni cathy! Nagtawanan nlang kami para kaming mga baliw na naman iiyak tas tatawa." O sige kapag ka may kailangan ka inday wag mag atubiling tumawag samin ha, andito lang kami parati". Dagdag pa ni Pamela." Tsaka ok ka lang ba talaga sa Cedric na yun? Pag inaway ka sumbong mo agad samin ha". Pag aalala na naman ni cathy. " Oo na mga mama! Maraming maraming salamat talaga mga inday ha! Ingat kayo pauwi." Malaki din ang pasasalamat ko sa dalawang to, isa rin sila sa mga nagpapagaan ng loob ko lalo na sa sitwasyon ko ngayon.Nagpa iwan akong mag isa sa sementeryo para makapiling pa si lola, tumulo na naman ang mga luha saking mata."la hindi ko alam papaano  mag uumpisa ngayong wala ka na. Pero wag ka ng mag aalala sakin la kakayanin ko tulad ng mga bilin mo saakin noon, hayaan mo lang akong maging malungkot ngayon, pangako pagkatapos nito lalaban parin ako sa buhay. Alam ko la nandito ka lang palagi andito ka lang sa puso ko." I love you la! Ma mimiss kita ng sobra sobra! Salamat sa lahat."

Hindi lang ang mga mata ni Aira ang lumuha kundi pati narin ang langit, ngunit balewala kang aira ang patak ng ulan, naka upo ito sa puntod ng kanyang lola habang yakap yakap ang litrato nito. Nagulat nalang si Aira ng biglang dumating si cedric at pinayongan sya nito. Walang ka malay malay si aira na kanina pa pala si Cedric sa likod niya." Hindi ka pa ba uuwi?". Tanong ng lalaki sa dalaga habang pinapayongan ito.
" Anong ginagawa mo dito?".tanong  naman ni Aira kay Cedric. "Umuwi ka na muna. Lumalakas na ang ulan oh, baka magkasakit ka niyan. Bumalik ka nalang dito bukas". Pag aalala ng binata sa dalaga. "Salamat Sir Cedric pero ayaw ko pang umuwi." Salamat din sa pagpayag na di muna ako mag tatrabaho. Pero hayaan mo bukas na bukas papasok na ko." Sige  na mauna ka na." Wika ni Aira sa binata.
" Ayaw mo talagang umuwi? Oh di sige sasamahan nalang kita dito, hihintayin kita hanggang sa gusto mo ng umuwi . Sabay tayong aalis dito." Pag nagkasakit ka sa tingin mo magiging masaya ang lola mo?". Ilang saglit pay huminto na ang ulan,tumayo na si Aira sa kina uupoan. At naglakad na upang umuwi. " teka lang Aira! Ihahatid na kita sumakay ka na sa kotse ko." Pag aya ni Cedric kay Aira.
" Wag na ho Sir, salamat nalang. kaya ko na po ang sarili ko. Gusto ko lang mapag isa sa ngayon." Pag tanggi ni Aira.
"No I insist! Sige na ihahatid na kita, wag ng matigas ang ulo Aira!".
Pag pilit ni Cedric.Walang nagawa si Aira sa makulit na Cedric kaya sumakay  nalang ito sa sasakyan ng binata.

Aira's POV

Habang nag mamaneho sya sa sasakyan niyay tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung nag aalala ba talaga sya sakin o parte lang ito ng isang pagkukunwaring iniutos ko sa kanya. "Kumain na muna tayo, sa hitsura mo ngayon alam kong di ka pa kumakain." Pagyaya niya saakin. " Maraming Salamat pero busog pako." Pagtanggi ko na naman sa alok niya.
" eh di samahan mo nalang akong kumain, nagugutom na kasi ako eh. Pwede ba Ms. Aira? Please?." Pag susumamo ng isang batang gutom na gutom at gustong kumain ng fried chicken.hindi na ko umimik pa at nakarating na kami sa isang restaurant na may napakagandang view!
" Wow! Ayos dito ah! Kapag tinitingnan mo ang mga tanawin nakakawala ng problema." Tuwang tuwang kong sabi kay Cedric. Masaya ako't dinala niya ko dito.
" Oh diba? Hinding hindi ka mag sisisi na sumama ka sakin."
Mukhang bigla akong ginutom sa mga masasarap na inorder ni Cedric kaya kumain nalang rin ako. Makulit di kasi ang mukong nato iniinggit pako sa sarap ng kain niya.pagkatapos kumain ay niyaya ako ni Cedric mag lakad2 muna. Habang naglalakad ay bigla nalang syang nagtanong." Wala ka na bang mga magulang? Kapatid?".
Tanong nito saakin.parang gustong magpa kwento.
"Wala na ang mga magulang ko, pareho silang nawala ng maaga.Wala rin akong kapatid, kaya si lola na ang nagpalaki at nag aruga sakin."
Kwento ko sa kanya.
" kaya naman pala gagawin mong lahat para sa lola mo." Wika nito saakin.
" syempre naman! kaya nga mahal na mahal ko yun eh." Naalala ko naman si lola binaleng ko nalang ang tanong sa kanya maiiyak na naman ako eh. " eh ikaw rin nga eh, mukhang mahal na mahal mo ang mommy mo." Pag baleng ko sa kanya.
"Oo si Mommy lang ang nakakaintindi saakin si mommy lang ang katuwang ko sa lahat ng bagay. Mahal na mahal ako non. Ni lamok hindi ako makakagat pag nandyan sya." Kaya simula nong mamatay sya parang dumilim ang mundo ko, sinisi ko si Papa sa pagkwala niya.". Kwento nito.
" ha? Bakit mo naman sinisi ang Papa mo?".tanong ko sa kanya. " My Papa cheated. Di makapaniwala si mommy,buong buhay niya akala niya tapat sa kanya si Papa.kaya di na kayanan ni Mommy ang sakit, Nagpakamatay siya. Kaya di ko matanggap ang pagkawala niya. Kaya siguro ganito ang ugali ko MASAMA."sobra akong naapektohan sa pagkawala ni mommy." Aba umiiyak ba tong mukong na to? Ramdam ko ang sakit na nadarama ni Cedric ng napag usapan namin ang mommy niya. " Sorry Sir, napaka echosera ko! Ok ka lang ba Sir?. Pasensya na talaga." Nagsisi ata ako at naitanong ko ang mga bagay na yun. Biglang napalitan ng lungkot ang mga mata niyang kanina ay masaya lang na nakatitig sa tanawin.
" Hindi ok lang! Ok lang ako. Naalala ko lang mommy ko."
" Alam mo Sir, kapag natuto ka nang maging mabuti sa lahat ng bagay, im sure saan man ang mommy mo ngayon magiging masaya sya para sayo." Pero alam mo sir masaya yun ngayon, kasi alam niyang masaya ka ngayon." Hindi ko alam kung bakit ang gaan gaan na ng pakiramdam ko sa kanya ngayon siguro dahil na rin sa mga tulong niya saakin sa mga oras na kailangan ko ng tulong ay andyan sya.
" Sir Cedric. Salamat nga pala ngayong araw. Bukas papasok  na ko. Ingat ka pauwi." Pasasalamat ko sa kanya pagkarating ng bahay. " Anong salamat? Utang yun.hehe, Joke lang! Sige alis nako." Paalam nito saka pumasok na ng kanyang kotse. Nakangiti lang ako sa Pag alis niya,hindi ko alam ang saya saya sa pakiramdam na ang dating napaka sungit, napakasama ng ugali ,lageng nakasigaw, ay ngayoy nakiki pag biroan,tumatawa at nag kukwento ng buhay niya saakin.

Cedric's POV

Habang nagmamaneho pauwi bigla kong naalala ang mga sandaling magkasama kami ni Aira, pati akoy nagtataka sa sarili ko kung bakit magaan na ang loob ko sa kanya, napakwento nga ako sa kanya na hindi ko naman gawain kahit sa mga kaibigan ko. Napahanga niya ako dahil sa pagmamahal niya sa lola niya, nung kinuwento niya ang buhay niya ay nakatitig lang ako sa maamo at mala anghel niyang mukha, hindi ko namalayang nakangiti na naman ako habang iniisip siya. Ang saya ng pakiramdam ko ngayon, excited na naman akong makita si Aira bukas. Di nako makapaghintay ng bukas.

Aira's POV

Alas syete na pala, kailangan ko ng bumangon! Nagkape lang ako at agad na naligo, nag ayos na agad ako pagkatapos ay lumabas na agad ako ng bahay, laking gulat ko ng paglabas ko ng bahay ay may nakaparadang sasakyan sa tapat.Sasakyan to ni Cedric ah! " You're late!" 8:30 na oh!". Ano naman ang drama ng cedric nato? At bat ang aga ng bwiset nito?
" Sir Cedric? Bakit ho kayo nandito? Di ba tulog pakayo sa mga oras na to?." Tanong ko sa kanya.
" Dami mong tanong! Sumakay ka na may pupuntahan tayo!". Pagmamadali niyang sinabi. Teka Saan nanaman kaya ako dadalhin ng mukong na to. "saan ba tayo pupunta Sir?". Nakasimangot kong tanong sa kanya. "Tumahimik ka nalang, amo mo ko diba? Kaya sumunod ka nalang." Sabi niya habang nagmamaneho. Kaya tumahimik nalang ako at di na umimik pa.hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa pupuntahan namin nakatulog kasi ako sa byahe. "Psssst! Hoy! Gising na! Nandito na tayo! Pag gising sakin ni Cedric. Pagising koy nasa sementeryo kami. "Mommy mo?". Tanong ko sa puntod na nilagyan niya ng bulaklak at sinindihan ng kandila. " Oo. Isang taon ko ng di nabibisita ang puntod niya." Sagot nito saakin.
" Sir Cedric!! Kamusta ka na? Mabuti ay napadalaw ka! Tagal mong di nakadalaw ah." Salubong  ng isang matandang lalaki.
" Mang Mario! Kamusta po? Salamat nga po pala sa pag aalaga ng puntod ni mommy!". Sagot ni Cedric sa matanda.
" O sa wakas nagka nobya ka na ring bata ka! Hehehe." Tandang tanda ko pa sabi mo noon, babalik ka dito dala2x na ang nobya mo!"Nagagalak na sabi ng matanda. Nagulat ako sa sinabi ng matanda parang gusto kong umalis sa kinatatayoan ko.

When im with you♥️Where stories live. Discover now