Twenty three

148 3 0
                                    


" Hoy aira! May utang ka pa sakin!"
Wika ni Cedric kay Aira habang
nagmamaneho.
" Ano? Ano namang utang ko sayo?".
Nagtatakang tanong naman ni Aira kay Cedric.
" Yung luto mo di pako nakakain ng luto mo.Kailangan mong bumawi diba?".
Sagot naman ni Cedric
" Seryoso ka ba? Gusto mo ipagluto kita?." Wika naman ni Aira.
"Oo naman syempre!" Sagot naman ni Cedric sa girlfriend niya.
" Ayoko nga!" Biro naman ni Aira sa boyfriend niya.
"Ganun? Nakakalungkot naman ayaw akong ipagluto ng girlfriend ko!" Malungkot na sabi naman ni Cedric na tila nag papabebe.
" hmmmmm!! Punta tayo ng palengke! Dali!" Wika naman ni Aira na nakangiti.
"Bakit naman?".tanong naman agad ni Cedric kay Aira.
"mamamalengke tayo! Para sa lulutoin ko! Ayaw mo?". Sabi naman ni Aira.
Agad namang nagpunta sina Aira at Cedric sa palengke.habang namimili ito ay hindi maiwasang pag usapan sila ng mga tao sa palengke.
" Diba si Cedric Villamonte yan? Ang tagapagmana ng Villa company!!"
Malakas na boses ng isang tindera sa palengke.
" Aba oo nga! Bakit nandito yan?Eh sino yang kasama niya? Jowa niya?." Tukoy ng isang chismosa kay Aira at Cedric.
"Imposible! Maganda naman yung babae pero parang napaka ordinaryo lang napaka simple manamit! Akala ko nga si Kate Trinidad ang jowa niyan dahil bagay na bagay sila non!!". Chismis naman ng isang babaeng di katandaan! Habang nag uusap silay narinig naman ito ni Aira at Cedric.
Bigla namang hinawakan ni Cedric ang mga kamay ni Aira at proud na proud itong ipakita sa mga tao na girlfriend niya ito.
" Huwag mo silang pansinin! Okay? Ang mahalaga yung tayo, tayong dalawa lang ang bagay!" Wika naman ni Cedric kay Aira habang magkahawak kamay ang dalawa.
" Hindi naman talaga! Ano ka ba! Okay lang ako noh, hangga't nandiyan ka na pinapalakas ang loob ko!" Sagot naman ni Aira na biglang lumakas ang loob dahil sa mga sinabi ni Cedric sa kanya.
" Tara na?.Gutom na ko eh!" Wika naman ni Cedric na hindi binibitiwan ang kamay ni Aira, hanggang sa makaalis sila ng palengke.

" Teka Cedric. Di naman to ang daan papunta ng bahay mo ah. Daan to papunta sa bahay namin." Nagtatakang tanong ni Aira kay Cedric habang nagmamaneho.
" Oo tama ka! Sa bahay mo tayo kakain. Sa bahay MO ko ipagluluto. Hindi pa ko nakakapasok sa bahay nyo eh. Syempre bilang boyfriend mo papasokin mo naman ako sa bahay nyo at ipagluto mo na rin.Pleeeaaaaasse?!!" Sagot naman ni Cedric sa girlfriend.
" P-pero nakakahiya Cedric. Maliit lang yung bahay ko, hindi ka sanay sa mga ganun, maraming ipis dun! Maraming insekto! Ibang iba sa bahay mo Mr. Cedric Villamonte!". Wika naman ni Aira sa boyfriend nito.
"Wala kong pakialam Aira. Girlfriend na kita, kung anong meron sayo dapat yun na din ang meron ako, at kung anong meron saakin, yun na din ang meron ka. Naiintindihan mo ba ko aira?." Pagpapaliwanag naman ni Cedric kay Aira.
" Ang oa mo naman Cedric! Hindi pa naman tayo mag asawa ah!". Wika naman ni Aira.
" Sa ngayon hindi pa. Pero sinisigurado ko sayo Aira, ikaw lang ang huli kong mamahalin at ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko." Seryosong sagot naman  ni cedric. At natameme naman sandali si Aira sa mga sinabi ng boyfriend nito.
" P-paano ka naman nakaka sigurado dyan Cedric ? Paano kung ayaw ng Papa mo saakin? Paano kung ayaw saatin ng mundo?." Nalulungkot na wika naman ni Aira.
" Wag kang mag alala Aira, dahil kahit sino pa ang may ayaw saatin,Ipaglalaban kita.Sanay ikaw rin sana ipaglalaban mo rin ako." Wika naman ni Cedric kay Aira.
" Basta't kasama kita Cedric, lahat kakayanin ko basta't nandito ka lang sa tabi ko!" Wika rin ni Aira kay Cedric.
hinalikan naman ni Cedric si Aira sa noo.
At bumaba na rin ng sasakyan dahil nakarating na rin sila sa bahay ni Aira. Agad namang naghanda si Aira para sa mga lulutoin niya, habang tinutulongan naman siya ni Cedric.
Pagkatapos magluto ay kumain na ang dalawa na tila ba parang nag didinner date.

" Ang sarap magluto ng asawa ko!"
Biro ni Cedric kay Aira habang naka akbay ito.
" Hoy! Di pa tayo mag asawa ha! Kaya ingat ingat ka sa mga kilos mo Cedric!"
Wika naman ni aira.
"Oo na mahal kong Prinsesa!"
Sabi  naman ni Cedric at tinanggal ang kamay nitong naka akbay kay Aira.

When im with you♥️Where stories live. Discover now