Fifteen

111 0 0
                                    


Aira's POV

"dahil sa pag aalala ko sinubokan kong kitain sa milktea shop ang mga kaibigan ni Cedric na sina Phil at Jc pinaunlakan din naman nila ko."

" Ano? Nawawala si Cedric?".
Gulat na tanong saakin ni Phil.
" Di ko rin siya ma contact! Naka off ata ang phone niya.". Wika naman ni Jc.
Di ko na sana sasabihin ang dahilan kung bakit nawawala si Cedric ngayon pero ang kukulit din ng dalawang to tanong ng tanong kaya na i kuwento ko nalang. Pati si Pamela,TJ at cathy ay naki sali na rin sa usapan.
" Ano Aira? Hindi mo sya sinipot?. Baliw ka ba?!Ang Sabi naman saakin ni Pamela.
" Oo nga Aira ! Kawawa naman yung tao!". Dagdag pa ni Cathy.
" Pupuntahan ko nga sana siya kaso nakatulog nga ako." Paliwanag ko naman sa kanila.
" So pupuntahan mo nga sana siya? Do you mean may gusto ka rin kay Cedric?." Tanong ni Phil saakin.
" Anong gusto? Walang gusto si Aira sa Cedric na yun ! Diba Aira?. Pag sapaw naman ni TJ sa usapan.
" hey! Di ikaw ang kausap ko.!" Sabi naman ni Phil kay Tj.
" dude relax! This is not the time para sa mga ganyan! Kumalma tayo at mag isip kung saan at paano natin hahanapin si Cedric." Matinong payo naman ni JC.
" Oo nga tama si JC!" Kinikilig na sambit naman ni Cathy habang nakatingin kay JC.
" Pasensya na sainyo at naabala ko pa kayo ha. Nag aalala lang talaga ako kay Sir Cedric. Feeling ko talaga kasalanan ko kung bakit sya nawawala ngayon." Malungkot na sabi ko naman sa kanila.
" Tinawagan ko na rin si kate. Pero wala rin daw syang alam kung saan si Cedric." Sabi naman JC
" kapag may masamang ng yari sa kaibigan namin, kasalanan mo talaga to Aira!". Galit na sabi saakin ni Phil
"Hoy kanong hilaw! Grabeh ka naman sa kaibigan namin! Bakit? Di naman inutosan ni Aira ang kaibigan nyung mag layas noh!!!!" Pagtanggol naman ni Pamela saakin
" You shut up chinitang hilaw! I'm not talking to you!". Ganti naman ni Phil kay Pamela. Naloko na! Nag away na tuloy si Phil at Pamela!
" Tumigil na nga kayo! Tama ka Phil kasalanan ko nga. At hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nahahanap. Sabi ko sa kanila.
" Dont worry Aira! Tutulong kami sa paghahanap. Pasensya ka na kay Phil. Phil sige na wag na tayong mag away2x." Wika naman ni JC
" wag kang mag alala Bespren!, tutulongan ka din namin nila pamela at cathy." Wika din TJ
" Ok fine! Para kay Cedric." Sabi naman ni Phil
" Hindi niyo naman kailangang gawin to. Pero salamat! Balitaan niyo ako kaagad. Maraming salamat sainyo ha!" Pagpapasalamat ko sa kanila

" Paano Aira mauna na kami ha! Will let you know if may balita na kami kay Cedric." Sambit naman ni JC
" JC sandali? Yung panyo mo naiwan mo. Hehe" ang harot naman ni Cathy
" thanks cathy!" Nakangiting sagot naman ni JC kay cathy kaya ang cathy naman halos mahimatay sa kilig!
" O pamela magpaalam ka na kay Phil." Asar naman ni TJ kay pamela
" edi bye!!! Bahala sya sa buhay niya!"
Galit na sigaw naman ni Pamela
" Bahala ka rin sa buhay mo!"
Sagot naman ni Phil kay Pamela
Hay naku itong dalawa talaga!!!

"Malaman ko lang cedric kung nasaan ka mapapanatag na ang loob ko. Kaya please lang! Sana bumalik ka na!"

"Ilang araw ng lumipas ngunit wala pa rin kaming balita kay Cedric, araw2 kong pinupuntahan ang bahay niya para magtanong kang ate belen, at i check ang kwarto niya kung nakabalik na ba sya. Ngunit ni anino ni Cedric ay di ko matanaw sa bahay niya. Bawat minuto sinusubukan ko syang kontakin pero hindi ko parin sya ma contact. Halos mag magkanda ugaga akong tingnan ang phone ko kapag may tumatawag o nag tetext nagbabakasakaling si Cedric yun, pero hindi pala. Gustong gusto na kitang makita ulit Cedric, miss na miss na kita! Bigla nalang tumulo ang mga luha saking mata habang naka higa sa kama, Miss na Miss ko na si Cedric. Gusto ko na syang mayakap ulit.Sanay bumalik ka na! Please Cedric!!!

"Aira, ok ka lang ba talaga? Sabihin mo na kasi samin kung ano si Cedric sayo?. Iba kasi talaga ang pag aalala mo sa kanya eh." Tanong ni pamela sakin habang tumatambay kami sa labas ng milktea shop pagkatapos ng trabaho nila
" gusto mo na si Cedric noh? Nahihiya ka lang umamin." Dagdag naman ni Cathy
" Alam mo ba nung gabing muntik ka ng mapahamak, nakita ko kay Cedric na alalang alala talaga siya sayo! Para syang night and shining armor non! Nagulat nga kami ni Cathy eh! Hindi lang yon pati na rin yung araw na namatay ang lola mo alalang alala din siya sayo kasi tumawag ako sayo non pero siya ang nakasagot sa phone mo." Kwento pa ni Pamela sakin
" Kaya di kami magtatakang magustohan mo siya Aira, kasi napakabuti niya sayo. Wala ng ibang gumawa niyan sayo kundi siya lang." wika ni Cathy
" Tama nga kayo! Sobra sobra nga ang panghihinayang ko at di ko sya nasipot nung araw na yon. Kung pwede lang talagang ibalik hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong yun."
Naluluha kong kwento sa kanila
" Teka lang Aira! Nagtataka ako! Paano ka nakatulog ng ganun ka habang oras? Dire diretso pa ang tulog mo ha! Kaloka!". Nagtatakang wika ni Pamela
" ito pa,diba sabi mo may nag deliver ng pagkain sa bahay niyo? Hindi mo alam kanino galing.at pagkaTapos mong kumain ay bigla ka nalang na hilo at nakatulog?."
Dagdag pa ni Cathy
" teka A-Anong ibig niyong sabihin?"
Nagtataka ko ring tanong sa mga kaibigan ko
" Gaga! Ibig naming sabihin sinadyang patulogin ka, nilagyan ng pampatulog yung kinain mo para di ka makasipot kay Cedric!". Wika ni Pamela saakin
" Na dale mo pamela! Sabi naman ni Cathy
" Imposible naman ata yang mga sinasabi nyo! Sino naman ang gagawa non?". Sambit ko naman sa kanila
" oo nga imposible naman kasing makatulog ka ng ganun ka haba! Sleeping beauty ka teh?". Biro naman ni Cathy
" Hindi ko rin alam eh! Pero wala talaga kong maisip kung sinong gagawa non."
Sabi ko naman sa mga kaibigan ko.

Kung tama man sila Pamela at Cathy sino naman kaya ang gagawa non saakin?
Ayaw kong mang bintang dahil wala naman akong pruweba pero may isang taong pumasok sa isip ko.

Pagkatapos mag usap ng magkakaibigan ay naghiwalay na ito ng daan pauwi.
Medyo Madilim na ang daan na nilalakaran ni Aira. Ng biglang may dalawang lalaking lumapit sa kanya.
" HOLDAP TO!!!! ibigay mo sakin ang bag mo kasama ang pera at cellphone mo kung ayaw mong masaktan!!!". Sindak ng isang lalaki kay Aira habang tinutotokan naman sya ng kutsilyo ng isang kasama nitong lalaki.
"Koya! Wala ho kayong makukuha saakin!! Parang awa niyo na!! Wala na po akong pera!! Pagmamakaawa ni Aira sa mga holdaper.huling pera nalang kasi ang dala dala niyang pera.
" Sabi ng akin na!!!" Nakipag agawan pa si aira sa mga lalaki ng biglang..

" Bitawan niyo siya!!!" Sigaw ng isang lalaki at pinagsusuntok ang mga holdaper. Malakas ang lalaki kahit sya lang mag isa agad niyang nabawi ang bag ni Aira. At nagtakbohan naman agad ang mga holdaper at nag sitakas ang mga ito.

At dahil medyo madilim hindi maaninag ni Aira ang mukha ng lalaki.

" C-Cedric?!!!." Wika ni Aira

When im with you♥️Where stories live. Discover now