Five

150 3 0
                                    


Cedric's POV

" ibang klaseng babae! Kumirot ang puso ko sa sinabi ng babaeng yun ah. Nakaramdam ako ng konting awa, hindi ko alam pero matagal ko ng hindi nararamdaman ang maawa , sa isang tao lang ako nakaramdam ng awa sa mommy ko lang, at dahil sa mga sinabi nya muli akong nakaramdam ng awa sa babaeng yun. "Sir Cedric, andito na po ang pananghalian nyo". Kumatok sa pintoan si yaya belen, akala koy ang babaeng yun ang maghahatid muli ng pagkain ko. Kapagka wala ako sa mood hindi ako lumalabas ng kwarto at alam na ni yaya belen yun. " ilagay mo  nalang jan yaya". Utos ko kay yaya belen. Gabi na at oras na naman para mag dinner. Muling may kumatok sa kwarto ko. Si yaya belen ulit naghatid ng pagkain ko. "Teka yaya belen, nasaan na ba yung bago kong alalay?"bakit di ko na sya nararamdaman?. Tanong ko kay yaya belen. " Ay sya nga po pala sir, ang sabi nya ay pupuntahan niya ang lola niya sa hospital bibisitahin nya daw po. Hindi na po sya nagpaalam
Sainyo dahil baka uminit na naman daw ang ulo nyo pag nakita sya. Pero babalik daw agad sya bukas ng umaga." Sagot nya saakin. "Sige iwan mo nalang yan jan sa lamesa." Aba ibang klase talaga, hindi man lang nagpaalam sakin ang babaeng yun. Hay bahala sya! Bakit ba di sya mawala sa isipan ko?!..
maya maya pay may tumatawag sa phone ko, ang mga gong gong kong kaibigan. "Dude! you free tonight? Lets go to the bar! Pagyaya sakin ni Phil. At dahil gusto ko ring uminom kaya agad2x ay nag ayos na ako't lumakad.

Aira's POV

"Pamela, cathy, maraming salamat talaga sainyo ha, sa pagbabantay kay lola dito sa hospital."pasasalamat ko sa mga mabubuti kong kaibigan..
" sus! Ano ka ba aira! Parang sira to. Wala yun! Tinapik ako ni pamela sa balikat dahil hindi ko ndaw kailangan magpasalamat. " Sana magising na ang lola mo aira. Ilang araw na di parin sya gumigising."pag aalala naman ni cathy.
"Oo nga. La gumising ka na ha, magsasama pa tayo ng matagal diba? Miss na miss na kita la." Napaiyak na  naman ako. Pagkatapos ng operasyon ni lola di parin kasi sya nagigising. Malaking pasasalamat ko rin sa mga kaibigan ko at nandiyan sila para damayan ako.
Mahimbing nasana ang tulog ko sa hospital ng Alas kuwatro ng madaling araw sino ba tong tumatawag sakin? Hayy!!
" hello? Sino to?
" hoy Miss Aira! Sundoin mo ko dito sa greenhills bar! Ngayon na! Diba may trabaho ka sakin? Bat ka basta basta nalang umaalis ng di nagpapaalam ha?"
Teka papaano nalaman ng gong gong na to ang number ko? Alam na alam ko ang boses nya kaya di ako nagkakamaling si prinsipe Cedric to at halatang lasing na.
" ano?! Bilisan mo! Lasing nako...
"Hoy Prinsepe Cedric, bahala ka sa buhay mo! Iinom inom ka di mo naman pala kaya". Hello??? Hoy sumagot ka!" Hayyy di na nakasagot baka nakatulog na ang bwiset nato! Baka ano pang mangyari sa kanya lagot ako sa ama nya. Hayyy!! Iniwan ko muna ang lola ko sa hospital, total may mga nurse naman nag babantay sa kanya don. At agad pinuntahan si Cedric sa bar.
Nakarating nako sa bar na sinasabi nya, saan na kaya ang mukong na yon?! At may nakita akong nakahandusay na lalaki sa couch ng tiningnan ko ay si Cedric nga. Tulog na tulog!
" Sir?! Gising uuwi na ho tayo!! Gising na! Hoy Cedric! Magsasarado na yung bar! Inalog alog ko ang mukong hanggang sa magising siya.
" O? May personal alalay andito ka na pala. Good!"
" Sir tumayo na ho kayo dyan. Uuwi na po tayo! Hindi kita kayang buhatin noh!"  Tatayo ka po ba? O babalibagin kita?".Tumayo naman ang mukong at inilalayan ko palabas ng bar. Pumara ako ng taxi dahil di naman ako marunong mag drive ng sasakyan. Hanggang sa nakarating kami sa bahay niya at pinahiga sa kwarto niya, nakakaawa ang mukha kaya pinunasan at binihisan ko nalang ang pangtaas niyang damit.nagulat ako ng agad niya kong niyakap ng mahigpit, "Maaaa!!! Mommmy?!! I miss you so much Mommmm!!"Humagolhol ito sa iyak tila parang isang batang iniwan ng ina. " ssshhhhh tahan na! Kung nasaan man ang mommy mo ngayon sure akong miss ka na rin nya. Tahan na". Di ko alam pero naawa ako sa lalaking to, miss na miss na niya ang yumaong ina. Hindi ko alam anong dahilan ng ikinamatay ng mommy niya, dahil yung lang ang sabi sakin ni Mr.Villamonte na wala na ang mommy nya. Ayaw ko rin naman mag tanong ng mag tanong kasi nakakahiya.Namumula nko dahil sa pagyakap nya sakin kaya agad ko ng tinanggal ang mga kamay nya sa likod ko,at pinahiga.Tumahan na rin
si Cedric sa kakaiyak at nakatulog na rin. Iniwan ko na siya sa kwarto niya. At agad  na bumalik sa hospital. Tiningnan ko lang ang lola ko saglit at may binilin sa nurse, pgkatapos ay bumalik agad sa mansion ni cedric para mag trabaho.

" Goodmorning ate belen! Bati ko habang nagluluto ako ng almusal.
"Goodmorning aira! O? Para kay sir Cedric ba yan?". Nakangiting tanong ni ate belen saakin.
"Opo. Kasi lasheng sya kagabi ate belen." Tawang tawa kami ni ate belen ng ikinuwento ko sa kanya ang mga ngyari kagabi.

" eheeemmm!!! Anong pinagtatawanan niyo?". Ay gising na pala ang mahal na prinsipe!...
" ay! Goodmorning Sir Cedric! Bati ko sa kanya.habang inihahain ang almusal nya.
Umalis na rin si ate belen dahil maglalaba padaw sya.kaya kami nalang ang naiwan sa kusina. " Im sure may hang over ka sir! Kaya umupo ka na dito at inomin mo tung niluto kong sabaw!"niyaya ko sya sa lamesa para umupo.
" Paano mo alam na may hang over ako?" Nagtatakang tanong nito.
" bago ko sagotin yang mga tanong mo sir umupo ka muna dito. At kumain. Dali na!"
"Ayokong kumain dito sa lamesa, pakihatid nalang yan sa kwarto ko."utos nito.
" Ay sir! Hindi!! Hindi pu pwedeng palagi ka nlang nagpapahatid ng pagkain sa kwarto mo, dito ka kakain sa lamesa kaya nga may lamesa kayo diba para dito kakain. Kaya Upo na dito!" Nakulitan na saakin ang mukong at walang nagawa kundi umupo at hinigop ang inihain kong sabaw. Habang humihigop ng sabaw ay bigla nalang itong nabulonan!.
" Sir! Tubig?! Ito tubig inomin nyo." Sabay bigay ng tubig sa kanya. Hindi makatingin sakin ang mukong tila ba parang nahihiya. Siguro ay naalala na niya ang mga ngyari kagabi."

When im with you♥️Where stories live. Discover now