Ten

142 1 0
                                    


Aira's POV

Mabuti pang dito nalang ako sa garden!
Kakausapin at didiligan ko nalang ang mga halaman. " Hello babies! Kamusta na kayo? Pasensya na ilang araw akong nawala. Dont worry! Andito na ulit ako!". Hindi ako baliw ha. Mahilig din kasi ako sa mga halaman. Maya maya pay nakita kong lumabas na si Sir Cedric at Ang maarteng babae,mukhang aalis na ata siya, hay Salamat naman! Nglaki ang mga mata ko ng makita kong hinalikan niya si Cedric sa pisngi bago nagpaalam. Hindi ko alam pero bigla akong napatalikod at nakaramdam ng lungkot na may inis at may halong kaba sa dibdib.
Sino kaya yung kate na yun? Girlfriend ba yun ni Sir Cedric?. maganda sya mukhang mayaman at may class,bagay naman sila ni Sir Cedric. "Teka inday! Bakit ka ba nangingi alam ha?! Ano bang pakialam mo kung sino yung kate na yun? At kung ano sila ni Sir Cedric ha?. At bakit ka nalungkot at naiinis sa nakita mo?Tumigil ka na Aira ha!. Hay naku!!" Inis na sabi ko sa sarili ko.
" Baka naman nagseselos ka Aira? Hmmmm?!." Laking gulat kong may nagsalita sa likoran ko. " Diyos ko! Ate belen naman! Papatayin mo ba ko sa gulat? Kanina ka pa ba diyan?". Kinakabahang sabi ko kay ate belen.akala ko naman ay nagsasalita ang mga halamang to.si ate belen lang pala.
" Sakto lang naman. Oyyy! Aminin? Nagseselos ka kay mam kate at Sir Cedric noh?." Ng aasar na sabi nito saakin.
" Ano? Ako nagseselos?! Hindi ah! Hoy ate chismis ka ha! Wag ganyan! Tsaka sino ba naman ako para mag selos eh alalay lang naman ako ate." Nakasimangot kong sagot sa asar niya.
" Sus! Oh eh anong pinuputok ng butsi mo dyan? Ha?! Hehehe. Oyyy si Aira!
Pero alam mo may sasabihin ako sayo, simula nung dumating ka dito, naging masayahin si Sir, hindi na palaging naka simangot, at di na parating galit! Bilib nako sayo Aira anong ginawa mo kay Sir Cedric ha?. Sa tagal kong nanilbihan sa kanya ngayon ko lang nakitang masaya yan." Wika pa ni ate belen na may pang aasar na naman.
" baka kasi naman di dahil sakin ate belen, baka naman kasi dahil sa kate na yon? Kaya sya ganyan ngayon." Sagot ko kay ate belen.
" aaasussss! Denial ka pa Aira! Eh mukhang ayaw naman niya sa babaeng yun eh!" Sagot naman ni ate belen saakin.
" ay naku ate belen! Paano mo naman nasabi? Kung ano man ang iniisip mo wala yan, malabo kaming mag ka gustohan ni Sir Cedric. Atsaka imposibleng di gusto ni Sir si kate ang ganda2x, may class ,mukhang matalino,mayaman pa! Oh diba total package na! Eh ako? Ang layo ko naman dun sa babaeng yun." Sabi ko naman kay ate belen.pagkatapos maki echos nitong si ate belen ay umalis na rin upang pumunta ng kusina at magluluto pa raw sya.hayyy! Eto talagang si ate belen, echosera rin pala." Hayyy!!! Muntik nako don ah! Selos ba talaga tong nadarama mo Aira? Hindi ! Hindi ka pwedeng mag selos noh? Malabo kang magkagusto sa kanya! Hindi! Hindi pwede!"

" Selos?" Kanino at sino ka naman nag seselos?!". Patay na! Boses lalaki, alam ko na agad na kay  Sir Cedric ang boses nayon na nagsasalita sa likoran ko! Ang tanga tanga mo talaga Aira!!!!!! " Hoy Aira! Kinakausap kita bakit di ka makasagot?".
Tanong ulit nito. Hindi ako makasagot ano bang isasagot ko? Paano ko malulusotan to?.
"Ha? Aaaah. K-kasi.... Riiiiiinggg! Biglang tumunog ang cellphone ko, sino na naman tong tumatawag sakin?
"Sir may tumatawag excuse me sasagotin ko lang." kinakabahan kong sabi sa kanya.
" Hello sino to?." Sagot ko sa unknown caller.
" Hello? Aira? Si Aira ba to?. Boses ng isang lalaki. Pamilyar ang boses nito.
" Oo ako nga to si Aira." Sagot ko naman.
"Aira!!! Ako to si Tj!!! Kamusta ka na?!
Nagagalak na sagot namn nito mula sa kabilang linya.
" TJ?!! Hoy! Kamusta ka na? Ok lang ako. Saan ka ba ngayon? Nakauwi ka na ba dito sa Pinas?. Nagagalak ko namang sagot sa bestfriend kong si TJ na galing ng California.
" Oo kakauwi lang namin ni mama kahapon. Kita tayo ngayon?. Miss na kita bespren! Nakuha ko nga pala kay Cathy ang number mo. Pumunta kasi ako kanina sa milktea shop,akala ko dun ka pa nagtatrabaho. Niyaya ko rin syang lumabas kasama si Pamela. Sige na libre ko! Pagyaya nito saken.
" Miss na miss na rin kita TJ! Sige kita tayo, ganito nalang kita nalang tayo sa milktea shop?. Nasa trabaho pako ngayon pero isang oras nalang pwede nakong umalis dito magpapaalam lang ako sa amo ko ha.excited nakong makita ka tagal mo ring nawala noh." Nagagalak ko ring sabi sa kanya. Agad ko ring naalala na nasa likod pa pala si Sir Cedric at nakikinig kaya nagpaalam nko kay Tj at binaba agad ang tawag. " Sorry po sir. Nagyaya kasi yung kaibigan ko galing California na lumabas kami. Aahhh pwede po bang umuwi ako ng maaga ngayon?." Paalam ko kay Sir Cedric.
" bahala ka sa buhay mo!." Masungit na sagot nito saka tumalikod at umalis. Teka bat ang sungit bigla non?. Tse! Makaalis na nga.bahala ka rin sa buhay mo! Hmmmp!!

Cedric's POV
 
TJ? Pangalan ng lalaki yun ah! May pa miss na miss na kitang nalalaman! Nagyaya pang lumabas! Di kaya yung TJ na yon ang dahilan ng pagseselos niya? Nadinig ko kaninang may pinag seselosan siya parang baliw kinakausap ang mga halaman. Bahala sya sa buhay niya! Yayain ko nalang lumabas si Phil at Jc. Naiinis ako di ko alam kong bakit, ang sarap2x uminom, at mag aliw nalang! Kaya niyaya ko si Phil at JC sa bar.
" Oh dude! Anong meron? Parang bad trip ka ata? Salubong sakin ni JC pagkakita namin sa bar.
"Wala gusto ko lang uminom!" Sagot ko naman sa kanya.
" dude galing na ba sainu si kate?. Tumawag sya saakin kanina nagyaya ring lumabas kaya pinapunta ko na dito." Sabi naman ni Phil saakin.
"Ano? Pinapunta mo sya dito?! Inis kong sabi kay phil.
" Yah! Bakit ba? Kaibigan naman natin sya diba? Besides matagal natin syang di nakita. Alam mo bang miss na miss kana non! Ikaw? Hindi mo ba sya na miss?hehehe .Pang aasar ni Phil.
" sandali lang. kayo na ba ni kate pare? Nag away ba kayo? Kaya bad trip ka ngayon? Hahahah. Pang aasar naman ni JC.
" Ano bang pinagsasabi niyo! Alam niyo naman na kaibigan lang ang turing ko kay kate." Asar kong sagot sa mukong nato.
" dude bulag ka ba? Maganda,model,sexy, mayaman, matalino si kate! Di mo ba nakikita yun? Sya na nga ang nanliligaw sayo diba."
Sabi naman ni phil.
" pare ilang beses ko bang sasabihin sainyo wala kay kate ang katangiang gusto ko sa babae oo maganda sya mayaman pero kahit anong isip ko hindi ko talaga nakikitang maging gf sya pre eh." Sagot ko sa mga pa ulit ulit nilang kwento.
" hmmmm. Oh maiba tayo! Kamusta naman ang personal alalay na binigay sayo ng papa mo ha? Wag mong sabihing siya ang type mo Pare! Hahahahha. Asar na naman ni Phil.
" Pero pare maganda sya ah kaso ang tapang! Dinaig pa si Darna! Hindi ko sya makakalimotan sa pag suntok niya sayo sa milktea shop. Hahahahha! Asar ng asar ang mga mukong nato!!
" oh dude bat natahimik ka? Totoo ba ang hula ni JC? May gusto ka na sa alalay mo? Hahaha. You know what? Laki rin ng pinagbago mo ngayon dude". Sige mang asar lang kayo.
"Pwede ba! Uminom nalang kayo! Dami niyong satsat!" Tawang tawa pa ang mga gong gong na to habang pinapatigil sila
Sa pang aasar.
" hello guys! Kamusta na kayo?". Dumating na nga si kate at umupo sa tabi ko.
" oh kala ko ba may family dinner kayo?". Tanong ko kay kate.
" hay so boring kasi eh. Gusto ko lumabas kasama kayo. Thats why im here! Hey you Cedric, hindi mo talaga sinasagot mga tawag ko. Bakit ba? Kung di dahil kay Phil hindi ko alam lumabas pala kayo. Asar na sabi nito saakin.
" oh eh ano naman kinakagalit mo kate. Nandito ka na nga diba. Omorder ka na ng drinks mo. " wika ko kay kate.
Kwentohan kami ng kwentohan habang umiinom pero di parin mawala sa isip ko si Aira ano kayang ginagawa nun ngayon kasama ang TJ na yun. Di ako mapakali!!! Gusto kong puntahan siya kung saan man sya ngayon gusto kong malaman kung nasaan sila kasama ng TJ nayun!

When im with you♥️Where stories live. Discover now