Thirty Seven

98 0 0
                                    

Cathy's POV

Gumising ka na dyan cathy!!! May bisita ka!! Gising saakin ng nanay ko. Bisita? Sino naman? Baka si Aira o si Pamela.
Pagkababa ko sa hagdan nagulat ako sa aking bisita.
Goodmorning Love! Bati saakin ng Boyfriend kong galing China.Yes si JC!! Hehe
Loooooove!!!!! Akala ko ba nextweek pa ang uwi mo? Surprise to ganun? Masaya kong wika kay JC.at niyakap siya.
Natapos kasi agad ang trabaho na pinapagawa saakin ni Daddy, kaya nakauwi agad ako. Bakit ayaw mo?
Sagot naman ng boyfriend kong 4years din nawala kailangan niya kasing taposin ang mga pinapagawa ng Daddy niya sa kanya naiintindihan ko naman siya dahil alam kong para saamin din ito sa kinabukasan namin dahil nag paplano na rin kaming magpakasal at tanggap na rin ako ng mga magulang niya.
Syempre gustong gusto!! Miss na miss na kita love! Sayang nga wala ka nung graduation party at proposal ni Cedric kay Aira, ang saya saya kung alam mo lang! Kwento ko naman kay JC.
Sayang nga eh. Pero Im so happy para sa kanilang dalawa sa wakas ikakasal na rin sila. At tayo ang susunod! Sabi naman ng boyfriend ko. Nakakakilig ang crush ko noon boyfriend ko na ngayon at magiging husband ko pa.
Oo nga. Tapos si Pamela at Phil may balak narin silang magpakasal oh diba ang saya2! Tingnan mo si TJ at klarisse nauna pang ikasal. Hahaha"

Oo nga eh. I miss you love! I love you so much. Wika ni Jc saakin at hinalikan ako sa noo.
Hmmm gutom lang yan! Mag almusal muna tayo! Hahaha. I love you tooo love!
Wika ko naman sa gutom kong boyfriend.
Kaya sabay kaming nag almusal. Sa wakas after 4years makakasama ko na rin si JC. At magpaplano na kami saaming kasal. Nakaka excite!!!



Aira's POV

Mahal kong Prinsesa! Kamusta? Nasukat mo na ba yung wedding gown mo? Tanong ng makulit kong boyfriend na malapit ko ng maging asawa mula sa kabilang linya.
Syempre hindi ko susukatin! Sira ka ba! Baka hindi matuloy ang kasal natin.
Biro ko naman sa kay Cedric.
Ha? Ganun ba! O sige wag mong susukatin ha!!! Sagot naman ng uto uto kong boyfriend. Haha
Sige na Cedric matulog ka na. At matutulog na rin ako. Syempre ayaw kong mag mukhang stress sa araw ng kasal natin noh!

Hindi nako makapaghintay na ikasal tayo aira. Hindi nako makapaghintay na tumira tayo sa iisang bahay sa dreamhouse natin. Wika naman ni Cedric.

Ako rin Cedric. Hindi nako makapaghintay na makasama ka at bubuo tayo ng Pamilya. I love you Cedric!
Sagot ko naman kay Cedric
I love you too Aira. Goodnight! Sleepwell! Wika naman ng boyfriend ko saakin. At ibinaba ko na ang telepono. At naghanda na sa pagtulog.

Pagsapit ng umaga ay maagang nagising si Aira. Nagulat ito ng may kumakatok sa pintoan.
Alam ko na kung sino to! Ang magaling kong jowa! Wika nito sa sarili pero nagulat ito ng pagbukas niya ng pinto ay isang babaeng mukhang mayaman ang nakita niya inakala niya kasing si Cedric ang kumakatok.
Sino ho sila? Tanong ni Aira sa babae.
Aira Santiago? Ikaw ba yan? Tanong nito kay Aira at naluluha pa.
Opo ako nga po. Sagot naman ni Aira sa babae.
A-anak? Anak ko! Nagulat si Aira ng bigla syang yakapin ng babae at tinawag siyang anak.ngunit biglang kumawala si Aira sa pagkakayakap.
Teka lang ho! Baka nagkakamali po kayo! Hindi po ako ang anak niyo!
Patay na ho ang mga magulang ko.
Wika ni Aira na labis ang pagtataka.
Anak! Ako si Ysabel ang tunay mong ina. Pina ampon kita sa kaibigan kong si Miranda at Anton! Kasama ang nanay ni Miranda na si Claria ang kinikilala mong lola tama ba ko? Hindi kasi sila magka anak at walang wala ako noon. Naisip kong hindi kita mabubuhay kaya nagawa kong ipa ampon ka patawarin mo ko anak ko! Hindi ko sinasadyang iwan at ipamigay ka. Natakot ako dahil hindi kita kayang buhayin iniwan tayo ng tatay mo. Wala akong ka pera pera! Anak sana mapatawad mo ko!" Kwento naman ni Ysabel habang umiiyak na syang tunay na ina ni Aira.
Hindi! Baka nagkakamali lang ho kayo! Wala hong nabanggit saakin ang lola ko na ampon lang ako. Mahal na mahal ako ng lola ko kailan may hindi ako naka dama na ampon lang ako. Yung nanay at tatay ko kasi maaga ho silang nawala 4years old pa daw ho ako noon ng maaksidente silang dalawa kaya ang lola ko ang nagpalaki saakin. At sigurado ho akong hindi ho ako ampon! Paliwanag naman ni Aira na unti unti ng naluluha.
Anak? Picture mo ito nung baby ka pa diba? Asan na yung isang kopya nito nasayo ba? Binigay ba nila sayo? Diba ikaw to? Hindi ako nagkakamali. Ikaw ang anak ko! Wika naman ni ysabel kay Aira ng ipakita ang picture ay laking gulat ni Aira, may binigay nga ang lola niyang baby picture niya sa kanya.kagayang kagaya ng litrato na na kay Ysabel" Apo, itago mo to ha! Bigay to ng nanay mo, kung sakaling matuklasan mo ang totoong kwento sa likod ng litratong to. Sanay matanggap mo ng buo sa kalooban mo. Ito ang magdadala sayo sa tunay mong pagkatao." Naalala na ni Aira ang sinabi ng lola niya kasabay ng pag bigay ng litrato niya sa kanya.
Pero wala pong sinabi saakin si Lola na ampon lang ako. Baka nagkakamali lang ho kayo Mam. Sabi naman ni Aira na di talaga makapaniwala sa mga nalaman niya.
Imposible! Ikaw ang anak ko Aira.
May nunal ka sa kanang braso mo. Tama ba ko? Ito pa ang litrato nating dalawa pagkatapos kitang iluwal sa maternity Center. ImWika ni ysabel kay Aira habang pinapakita ang litrato nilang dalawa.Laking gulat naman ni Aira ng tama ang sinabi ni ysabel sa kanya may nunal nga sya sa kanang braso niya. At ang litrato siya ang sanggol na nasa litrato.
Umiyak ng umiyak si Aira. Niyakap naman ni Ysabel ang anak. Umiyak si Aira dahil nakaramdam din ito ng lukso ng dugo.

When im with you♥️Where stories live. Discover now