Six

134 1 0
                                    


Cedric's POV

"Ang kulit talaga ng babaeng to! Para nga syang si mommy! Pero hell no! Malayo sila ni mommy! She's nothing compare to mom!" Hinigop ko nalang ang sabaw na inihain nya. Wala ko sa mood para makipag away ngayon. Masarap naman palang magluto ang babaeng to! Pero bigla nalang sumakit ang ulo ko at biglang naalala ang mga ginawa ko kaninang madaling araw. Hindi puwede! Nailuwa ko ang sabaw mula saking bibig bigla akong nakadama ng hiya ng maalala ang lahat! Ano ba tong pinagagawa mo cedric!! Nakakahiya ka! Bulong ko sa sarili ko!
" Sir ok ka lang? Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako ha?. Tutulongan ko lang si ate belen sa labahin nya." Paalam nito saakin pero di ako makatingin sa kanya sa sobrang hiya ko. Bakit ba ako nahihiya ng ganito? Ano bang ngyayari? Bakit nakaramdam ako ng pagkahiya?!. Umakyat nako sa kwarto ko. Ang sakit talaga ng ulo ko, kaya humiga muna ako sa kama. Ng biglang may kumatok sa pintoan. "Pasok!" Sagot ko sa kumakatok. " Sir, inomin mo na tong gamot mo nakalimotan mo kasi sa lamesa, siguradong masakit ang ulo niyo. O? Sige na! Wag ka ng mahiya! Pilit nito saakin! "Bakit naman ako mahihiya sayo? Lumabas ka na at magpapahinga na ko." Nagkunwari nalang akong hindi ako nahihiya sa kanya. At para bang walang ngyari ,Pero sa sa tuwing naalala ko ang mga ginawa ko napapamura talaga ako sa isipan ko." Lalong lalo na kapag naalala ko ang pagyakap ko sa kanya at pag hagolhol ng iyak habang tinatawag si mommy. Maging ako sa sarili koy nagulat din ako kung bakit nagawa ko yun sa kanya. Pero sa tuwing naalala ko rin yun ay parang napakagaan sa damdamin din na may nasandalan ako ng mga oras na yun sa tuwing naiisip ko na napakahirap pag wala si mommy." Kung ano man nasa isip mo ngayon Sir, wag ka ng mag alala ok lang sakin yun! Wala kanamang ginawang masama kaya wala kang dapat ikahiya." Sure akong miss na miss kana rin ng nanay mo." Kaya dapat matuto kanang maging masaya na wala sya, dahil kapag nakikita ka nya ngayon sigurado akong malungkot din siya sa pagiging malungkot mo. Hindi ko man alam kung bakit nawala ang mommy nyo, pero naiintindihan na kita kung bakit ka ganyan.". Parang nagising ang puso at utak ko dahil sa mga sinabi nyang yun, hindi ko inaasahan na sasabihin nya yun. Hindi ko inaasahan na may tao pa palang makaka intindi sa ugali kong ito.

Aira's POV

Alam ko talagang naalala na niya ang mga ginawa nya nung mga oras na lasing sya. Hindi nya lang pinapakita na nahihiya sya sakin. Hindi sya makatingin ng diretso. Minsan gusto ko pa naman tingnan ang mala hazel eyes nyang mata, nakaka iinggit kaya ang mga mata niya." Kung ano man nasa isip mo ngayon Sir, wag ka ng mag alala ok lang sakin yun! Wala kanamang ginawang masama kaya wala kang dapat ikahiya."Sure akong miss na miss kana rin ng nanay mo." Kaya dapat matuto kanang maging masaya na wala sya, dahil kapag nakikita ka nya ngayon sigurado akong malungkot din siya sa pagiging malungkot mo. Hindi ko man alam kung bakit nawala ang mommy nyo, pero naiintindihan na kita kung bakit ka ganyan.". Sana ay makatulong ang mga sinabi ko sa kanya upang matulongan nya rin ang sarili nyang alisin sa lungkot at galit ang buhay niya. " Salamat". Palabas na sana ako ng kwarto niya ng napahinto ako at di ko inaasahang bigkasin nya ang mga salitang Salamat at napakahinahon ng boses niya sa mga sandaling yun." Marunong din naman palang magpasalamat ang spoiled brat nato! "Walang ano man Sir Cedric". Sabi ko sa kanya pagkatapos ay lumabas nko sa kwarto niya.

Cedric's POV

Pagkatapos kung marinig ang mga salitang binitiwan ni Aira,Ano ba tong nararamdaman ko sa mga oras na to? parang gusto kong subukan ang mga sinabi niya ang maging masaya lang. Parang gusto kong lumabas sa garden at magpahangin. Paglabas ko sa garden ay may naririnig akong kinakausap ang mga halaman, di ko mapigilang pagmasdan si Aira ang saya saya niyang dinidiligan at kina kausap ang mga halaman ni mommy. " kawawa naman kayo napabayaan ba kayo ng amo nyo? Dont worry babies! Nandito na ko, simula ngayon ako na ang mag aalaga sainyo.ok ba yun?" Hehe. Nakangiting kausap ang mga halaman, parang baliw talaga tong babaeng to. Hindi ko namalayan na nakangiti na rin pala akong tinitingnan sya sa di kalayoan.agad ko binawi sa mga labi ko ang mga ngiting yun,kaya pumasok nalang ulit sa kwarto ko at humiga nalang sa kama, ngunit di ko matanggal sa isipan ko ang mukha ni Aira, cute naman pala sya, lalo syang gumaganda kapag nakangiti. "Hay ano ba tung iniisip mo Cedric! Tigilan mo na nga to! Tigilan mo ng kakaisip sa babaeng yun!" Sabi ko sarili kong nahihibang na ata. Hayyy!! Makatulog nalang nga! Hayyy pa bali bali nako ng posisyon pero di ako makatulog, gusto kong matulog pero Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko'y lage kong nakikita ang mukha ng Aira na yun!

Aira's POV

Kanina pako kumakatok sa pintoan ng kwarto ng lalaking to ah, para sabihing nakahanda na ang haponan,pero bakit di sya sumasagot? Ano na kayang ng yayari sa kanya! Hala! Baka kung napano natong mukong nato. Baka di na niya nakayanan ang mga sinabi ko kanina baka nag bigti na!  Naku lagot! Ng sinubukan kong buksan ang pintoan ay hindi naman pala ito naka lock kaya pumasok nlng ako.Nakita kong naka higa sa kama nakatakip ng unan ang mukha nya." Sir! Ok lang po ba kayo? Kakain na po. Nakahanda na po ang haponan niyo! Sabay kuha ng unan sa mukha niya. " Ano ba! Di ka ba marunong kumatok?!! Ganyan ka ba sainyo? O wala lang talagang pintoan sa bahay nyo?!!! Sa bagay mahirap ka nga lang pala, kaya nga inalok mo agad ang offer sayo ni Papa diba para lang bwisetin ako! Kapalit ng pera! Pwede ba umalis ka sa harap ko! Wala kong ganang kumain!!!! nagulat ako at napaatras, sumisigaw na naman ang bwiset nato at parang inis na inis pero di pa rin sya makatingin sakin ng diretso. Mukhang hindi  nakatulong ang mga sinabi ko sa kanya at lumala pa." Kanina pa po ako kumakatok sir, tinatawag ko ho kayo pero di po kayo sumasagot! Kaya nag alala na po ako, kaya pumasok nako sa kwarto niyo! Pasensya na po ha! Oo mahirap lang kami pero may pintoan po ang bahay namin. Grabeh ka naman! Kung may pera lang ako pangbayad sa opera ng lola ko, hinding hindi ako mag titiis sa ugali mo! Ma swerte ka mayaman ka! Pero di ibig sabihin non mang aapak ka na! Mag kunwari ka nalang na nagbago ka na, para mawala nako sa paningin mo! At maka alis sa impyernong to!". Agad na akong lumabas ng kwarto matapos kong sabihin sa kanyang nasaktan ako sa mga sinabi niya! Sino siya para apakan ako! Ako na nga tong nag alala sya pa tong galit. Ayos ah! Kung sumagot lang sana sya kanina sa mga katok at tawag ko eh di na sana ako nangulit. Teka cellphone ko yung nag riring ah, tama naiwan ko pala sa sala ang cellphone ko. "5 missed calls from nurse andy. 1 message from nurse andy."
Teka anong problema? Binasa ko ang text ni nurse andy saakin. " Mam Aira! Ang lola niyo po. Ikinalulungkot ko po, pero wala na po sya.pumunta na po kayo dito sa hospital." Muntik na kong matumba sa nabasa ko, bigla akong ng hina.Hindi ako makapaniwala. Diyos ko! Totoo ba to?!

When im with you♥️Where stories live. Discover now