Seven

133 1 0
                                    


Dali daling pumunta si Aira sa hospital hindi niya namalayang na bitawan pala niya ang cellphone niya at naiwan sa sala. Pagka dating ni Aira sa hospital ay agad niyang pinontahan ang labi ng kanyang lola. " la!!! Lola!!!!!!! Gumising ka la. Hindi' hindi to pwede la!!! Malakas na pag iyak na halos di na makahinga si Aira sa kaiiyak. Habang umiiyak ay unti unting inaalala ni Aira ang mga panahong masaya silang dalawa ng kanyang lola. "La gusto kong ipaalam sayo na mahal na mahal na mahal kita, salamat sa lahat ng ginawa mo para sakin! Ni minsan hindi ka nagkulang, hindi mo ipinadama sakin na wala akong mga magulang.La! Patawarin mo ako kung may pagkukulang man ako sayo. Mahal kita la! Sobra! Humagolhol nanaman ito sa pag iyak habang ipinapadama niya ang pagmamahal sa kanyang lola yakap yakap ang labi ng kanyang lola.

Cedric's POV

"Patawad Sayo kung nasaktan ka man sa mga sinabi ko, ayoko lang talagang isipin na unti unti mo kong napapabago, ayokong ipakita na na talo mo ko, ayokong ipakita sa kanya na unti unti na nyang nakukuha ang loob ko.Lumabas ako ng kwarto pumunta ako ng sala para sana kunin ang librong binabasa ko naiwan ko kasi sa sala nung isang araw, pero pag yoko ko nakita ko ang isang cellphone sa sahig, teka kaninong phone to? Binuksan ko ito wala namang password. Nabasa ko ang text ng isang nurse andy. Nagulat ako sa nabasa ko,kay Aira pala itong cellphone, agad akong nag alala at nalungkot para kay Aira,bigla rin akong na guilty sa mga sinabi ko sa kanya."

Habang hinahanda ang mga labi ng lola ni Aira para sa lamay, ay lumabas muna sya ng hospital, tila parang wala sa sarili, iyak ng iyak. Sa kakalakad niya hindi niya namalayang naglalakad na pala siya sa gitna ng kalsada iyak ng iyak, dire diretso lang ito sa paglalakad hindi malaman ang gagawin. Pero bigla itong namulat ng mailawan ng isang nagpaharorot na sasakyan, ng biglang may humablot sa kamay niya papalayo sa sasakyang muntik na syang sagasaan. Nagulat si Aira sa bilis ng pangyayari, pero mas nagulat sya sa lalaking nakayakap sa kanya. Bumitaw sya sa pagyakap upang tingnan ang mukha ng lalaki mas nagulat sya ng makita nya si Cedric na alalang alala ang mukha. Muli syang niyakap ng binata gusto niyang bumitaw at umalis sa pagkakayakap ng binata pero mas hinigpitan pa ng binata ang pagyakap nito sa kanya. "Nakikiramay ako. Alam kong sa mga sandaling ito ay kaylangan mo ng karamay, kaya hayaan mo kong damayan ka Aira." Wala ng nagawa si Aira, humagolhol nalang ito sa kakaiyak habang mahigpit na hinahawakan ang mga braso ni Cedric. "" Sige lang umiyak ka lang ng umiyak. Wag kang mag alala.Nandito lang ako". Sasamahan kita." Ramdam ni Cedric ang sakit na nadarama ni Aira sakit ng mawalan ng minamahal sa buhay. Kaya pati syay napaiyak rin dahil sobra syang naaawa at nalulungkot para sa dalaga, sobra syang nag alala para kay Aira, kaya wala syang pakialam kung ano man ang sabihin ni Aira sa mga oras na dinamayan nya ito dahil alam niyang kailangang kailangan ito ng dalaga.

Aira's POV

" Salamat sa pag ligtas sakin kanina. Pati na rin sa pakikiramay mo".
Hanggang ngayon ay gulat parin ako kung bakit sya nandito ngayon sa tabi ko, ibang ibang Cedric ang nakikita ko ngayon. Pero may inis pa rin akong konti hindi ko pa nakakalimotan ang mga sinabi niya kanina.
" walang ano man! Magpapakamatay ka ba? Sa tingin mo ba sasaya ang lola mo kung susunod ka sa kanya?". Sermon nito saakin. " teka nga? Paano mo ba nalaman ang lahat? Paano mo rin ba nalaman na nandito ako?". Tanong ko sa kanya.
" O! Cellphone mo naiwan mo sa sala nakita ko sa sahig tiningnan ko kung kanino, may nabasa akong text. Tumawag rin ang kaibigan mong si Pamela sinabi nila saking kung saang hospital, hinanap kita don sa loob ng hospital pero wala ka kaya hinanap kita dito sa labas,sakto nandito ka nga! Alam mo bang hingal na hingal ako kakahabol sayo dahil alam kong masasagasaan ka ng hayop na driver na yon!". Galit na galit sabay abot ng cellphone ko. " ganun po ba! Maraming Salamat ha, hinayaan mo nalang sana akong mamatay kung manunumbat ka lang rin.Umuwi ka na Sir! Baka kung mapano ka pa! Anong oras na o! Salamat ulit". Aalis na sana ako para bumalik ng hospital ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila. " di ba sabi ko sayo sasamahan kita. Sasama ako sayo! Tutulongan kita.Ako ng bahala!"
Mapilit na sabi ni Cedric kaya wala nakong nagawa pa.habang naglalakad kami papuntang hospital hawak2 niya ang kaliwa kong kamay, hindi ako makapaniwalang ang taong to ang kasama ko ngayon, niligtas ako sa kapahamakan, at dinadamayan sa mga oras na kailangan ko ng karamay,biglang napagaan nya ang sobrang bigat na dala dala ko kanina.Hindi kaya't sinunod nya lang ang mga sinabi kong mag kunwari nalang syang magbabago? Para mawala nako sa paningin nya? Hayyy! bahala na! Maraming Salamat parin sayo Cedric.

When im with you♥️Where stories live. Discover now