Sixteen

113 1 0
                                    


Aira's POV

"Andito na naman ako sa kapahamakan!
Hindi ko alam kung may Cedric pa bang magliligtas saakin habang nakikipag agawan ako ng bag sa mga holdaper nato, pinagdasal kong sanay dumating si Cedric para iligtas ako.
Ng may isang lalaking dumating at tumulong saakin salamat sa Diyos! Natumba ako sa pagkakatulak saakin  ng holdaper.
Bigla kong binalik kaagad ang mga paningin ko sa lalaking nakatalikod habang nakikipagsuntokan sa mga holdaper, Ang lakas niya sobra! Walang nagawa ang mga holdaper at nagsitakbohan na lang ang mga walang hiya!
Pero sino itong lalaking to? Cedric ikaw ba yan?."
" C-Cedric?." Wika ko sa mahinang boses
At ng bigla itong humarap at lumapit saakin
" A-Aira? Ikaw ba yan?".
Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot dahil sa pag aakalang si Cedric ang lalaking nagligtas saakin pero hindi pala.pero nagulat din ako dahil
" Troy?!!!." Wika ko sa isang taong malapit saakin noon pero bigla nalang naglaho at ito syat nagbabalik
" Aira! Ikaw nga!" Natutuwang sambit ni troy at niyakap ako kaagad.
" Troy? Ikaw na ba yan?". Malaki na kasi ang pinagbago nito mas gumwapo ito at mukha ng mayaman. Ibang iba sa Troy na kaklase at malapit saakin noon nung nasa highschool pa kami.
" Oo Aira! Kamusta ka na?! Na miss kita Aira! Wika pa nito saakin. Niyaya naman ako ni Troy na kumain sa isang restaurant para makapag kwentohan pa at maipaliwanag niya daw saakin kung bakit bigla nalang syang nawala. pinaunlakan ko naman ito.

" siya nga pala Troy . Salamat nga pala sa pagligtas saakin. Baka deads na ko ngayon kung di ka dumating! Teka nga ano bang ginagawa mo doon sa lugar  namin?" Wika ko kay Troy habang kami'y kumakain.
"Ang totoo Aira. Nagbaka sakali akong doon parin kayo nakatira ng lola mo, ikaw talaga ang sadya ko kaya ako bumalik dito sa Pilipinas diba nangako ako sayo noon na walang iwanan. Peksman!" Sagot naman ni Troy.
" Pero ng iwan ka naman! Bigla ka  nalang nawala na parang bula! Tapos malaman ko sa kapitbahay niyo umalis na raw kayo doon sa tinitirhan niyo! Alam mo bang labis ang pagtatampo ko sayo noon troy?. Naka busangot na sabi ko kay troy
" Sorry na Aira! nakapag asawa kasi ng mayaman si mama. Hindi ko na kuwento sayo dahil maging ako rin walang alam. Nagulat nalang ako ng biglang sabihin saakin ni mama na pupunta nadaw kaming America at doon ka na ipagpapatuloy ang pag aaral ko. Ayaw ko sanang sumama kay mama noon, pero pinilit niya ko, ayaw ko rin namang mawalay kay mama." Kwento ni Troy.
" kaya naman pala ibang iba na ang porma mo ngayon Troy, mayaman ka  na pala ha! Alam mo bang sobra kitang iniisip noon. Pero kalaunan ay natanggap ko rin na wala ka na. Na hindi mo na matutupad ang mga pangako mo saakin nung highschool pa tayo. Alam mo bang pinunit ko ang picture natin noon sa wallet ko" pag kwento ko naman kay Troy. Si Troy kasi ay isang  TOTGA " The One That GoT Away" sa buhay ko. Naging mag kaklase, naging mag kaibigan tapos naging manliligaw ko, hindi ko siya sinagot dahil ang gusto koy makapagtapos muna kami sa highschool pero aaminin ko nagkagusto ako kay Troy noon dahil napakabait niya, lahat ginagawa niya para saakin kahit hindi niya pako girlfriend. Nasaktan din kaya ako sa bigla niyang pagkawala dahil umasa rin ako sa mga pangako niya.
" patawarin mo sana ako Aira! Sanay di pa huli ang lahat. Kaya ako bumalik dito para sayo. Hanggang ngayon hindi parin nawawala ang pagmamahal ko sayo Aira. Sana ay bigyan mo ako ng chance ulit." Wika ni Troy saakin at hinawakan ang mga kamay ko.
Ramdam kong totoo parin ang pagmamahal  ni troy saakin, pero ako? Wala na akong nararamdaman na espesyal para kay troy, matagal ko ng kinalimotan ang ano mang meron saamin. Sa ngayon ay kaibigan nalang ang kaya kong maipangako kay Troy.
" Tatapatin kita Troy. Oo minahal din naman kita dati, pero ang pagmamahal na yun matagal ko ng kinalimotan Simula ng nasaktan ako dahil umasa ako sa mga pangako mo. Hindi ko rin naman  alam na ganun pala ang ngyari sayo, pero Troy  sa ngayon ang tanging maipapangako ko lang sayo ay ang pagkakaibigan.Napakabuti mong tao Troy alam kong makakahanap ka pa ng iba yung para sayo talaga." Wika ko naman kay Troy.
" Naiintindihan kita Aira, pero maghihintay parin ako. Liligawan  parin kita araw araw, aasa pa rin akong babalik ang pagmamahal mo saakin. Ako pa rin to Aira, ako parin si Troy Dela Cruz  na kakilala mo dati na handang gawin ang lahat para sayo."
Naluluhang sabi ni Troy saakin.
" Pero Troy. Sa totoo lang may hinihintay akong tao ngayon. Napakahalaga niya saakin, kapag bumalik na sya sasabihin ko na sa kanya ang nadarama ko para sa kanya, sobra sobra nadin ang mga ginawa niya para saakin Troy kaya minahal ko na rin sya.Ang totoo parang mababaliw nako kakaisip sa kanya, ayokong saktan ka Troy pero mas lalo ka lang masasaktan pag umasa ka sa wala. Ayokong paasahin ka, dahil sa totoo lang kahit i reject ako ng taong yun hinding hindi ko sya susukoan." Pagpapa intindi ko kay Troy habang umiiyak dahil sa sobrang lungkot na nadarama. Pagktapos ng mga sinabi ko kay Troy ay natahimik lang siya kilalang kilala ko si Troy hindi sya magtatanong ng kung ano ano lalo't alam niyang masasaktan lang siya.alam kong maiintindihan rin ako ni Troy, at nagpasya na itong ihatid ako sa amin pauwi.
" Im sorry Aira wala na pala si Lola Claria, na miss ko pa naman ang mga luto niya." Nalulungkot na Wika ni troy saakin pagpasok ng bahay, naikuwento ko narin sa kanya ang pagkawala ni Lola, ang totoo close na close rin sila ni lola noon.
" Miss na miss ko na rin siya sobra.
Alam mo bang nalungkot din si lola noon ng sinabi ko sa kanyang bigla ka nalang naglaho, pakiramdam niya daw nawalan siya ng apo."kwento ko naman kay Troy
" O wag kanang malungkot ha! Kapag ka kailangan mo ng kausap andito lang ako palagi Aira! Maghihintay sayo. Mahal kita!" Malungkot na wika ni Troy saakin.
" Salamat ulit Troy! Sige na mag ingat ka sa pagmamaneho ha! Paalam ko kay troy.

"Nalulungkot ako para kay Troy, napakabuti niyang tao. Alam na alam ko yun, hindi niya deserve ang masaktan. Pero wala kong magagawa mas ayaw ko naman paasahin at mas masaktan siya."

Riiiiingggg!

"Hello JC? "

"Hello Aira! alam na namin kung nasaan si Cedric! Maghanda ka pupuntahan natin siya bukas, ibabalik natin siya dito sa Manila." Biglang sabi ni JC saakin sa kabilang linya.

When im with you♥️Where stories live. Discover now