Seventeen

118 2 0
                                    


Cedric's POV

" sa sobrang sakit ng nadarama ko para kay Aira, sa sobrang lungkot ko ay nagpasya akong wag na
Munang umuwi ng bahay at magpakalayo layo muna. Kaya dumiretso ako kay Tito Darius na kapatid ni Mommy may private resort siya dito sa Cebu dito na rin sila nakatira ng sarili niyang Pamilya parang tunay na anak narin ang turing saakin ni Tito Darius kahit na pasaway ako ganun na rin ang asawa niyang si Tita Shiela kaya nagpasya akong sa kanila pumunta. Palagi lang akong nakatambay dito sa tabi ng dagat, nag iisip at ninanamnam ang bawat sakit at lungkot na nadarama."

"Hey Mr. Brokenhearted kong cousin! Kakain na daw sabi ni mom and dad! Baka mamaya maging shokoy ka na diyan! sige ka!" Wika ng maarte kong pinsan na si Klarisse na anak ni Tito Darius at tita shiela.
" Sige! Susunod ako!" Sagot ko naman kay klarisse habang pinagmamasdan ang mga alon sa dagat.
" lets go na couz! Sobrang init kaya!! Mamaya ka na mag emote diyan! Pwede?!!". Pangungulit ni Klarisse saakin

Kaya sumunod nako dahil alam kong di ako titigilan ng pinsan kong napaka arte.

"Ano Cedric? Di ka ba hinahanap ng Papa mo? Mag dadalawang linggo kana dito. Baka nag aalala na yun!" Tanong saakin ni Tito Darius habang kami'y kumakain.
" Pero Cedric welcome na welcome ka dito ha! Kaya lang baka nag aalala na ang papa mo sayo". Wika naman ni Tita shiela.
" Tito, Tita! Dont worry! Wala naman si Papa nasa Japan pa may business trip daw! Hindi ko alam kailan ang uwi niya pero sabi niya matatagalan daw siya. Tsaka nandito naman ako sainyo pag nalaman niyang nandito ako di naman mag aalala yun. Gusto ko lang talagang magbakasyon muna dito."sabi ko naman sa kanila.
" dzuhh! Vacation? Really couz? Ang sabihin mo broken hearted ka lang!"
Pang aasar naman ni klarisse saakin.
" hahaha! Paano mo naman na sabi anak?". Natatawang tanong ni Tito kay klarisse.
" Oh my God dad! Gabi gabi kayang umiiyak yan sa kwarto sinasambit ang pangalang Aira! Dinig dinig ko kaya sa kwarto ko yung pag eemote mo couz!" Wika naman ni klarisse natawa naman sina Tito at Tita .
" Alam mo chismosa ka rin noh? Kumain ka nalang nga klarisse!".
Pagsaway ko naman kay klarisse na parang magkapatid lang kami
Habang tawang tawa naman sina tito at tita lalong lalo na si klarisse.
"Ang pag ibig nga naman! Nagbabago talaga ang tao kapag pag ibig ng pinag uusapan,mukhang malaki ang pinagbago mo ngayon Cedric, may pakiramdam kana ngayon, dati wala! Mukhang malaki ang epekto sayo ng babae na yan! I want to meet her and thank her! Hahahaha Pang aasar naman ni Tito saakin.
" Me too dad! I wanna meet her! And tell her everything sa pag eemote ni Cedric!." Dagdag na pang aasar naman ni Klarisse.
" Hay naku! Kumain na kayo mamaya na yang asaran! Sabi naman ni Tita Shiela.

Aira's POV

"Inabot nako ng Umaga pero Hindi pako nakakatulog dahil sa pag tawag ni Jc saakin kagabi, hindi ako makatulog sa kakaisip na makikita ko na ulit si Cedric, pero may halong takot at kaba rin dahil baka kapag nagkita kami'y itataboy niya lang ako.
Pero bahala na, kaya dali dali nakong naghanda at pumunta sa milktea shop doon daw kasi kami magkikita nila JC."

" Pamela, Cathy, Tj? Sasama kayo sa Cebu?." Nagtatakang tanong ko sa mga kaibigan ko, dahil pati silay nakabihis at may dala dalang bag.
" Oo Aira, isasama natin sila! Hiniram ko muna ang Private plane ng Daddy ko. At meron ding family resort sina Phil sa Cebu kaya pwede tayong mag stay doon.So dont worry guys! kami na ni Phil ang bahala, sure din kaming mag eenjoy kayo dun!". Sagot ni JC Saakin pagkarating nito sa milktea shop.

"Thank you JC and Phil ang bait nyo naman!".
Wika naman ni Cathy.
" Dont thank me! Im doing this for Cedric ." Wika naman ni Phil.
" Ang sungit talaga ng kanong hilaw nato!". Dabog naman ni Pamela
" Ssshhh! Pamela! Pagsaway ko kay Pamela baka kasi mag away away na naman sila.
" Maraming Salamat sa inyo ha! Malaking tulong talaga to para saakin!" Sabi ko naman sa kanila.
" teka! Pamela,cathy paano naman ang trabaho niyo? Atsaka TJ nagpaalam ka ba ng maayos sa mama mo?". Tanong ko sa mga kaibigan ko.
" Oo nagpaalam ako ng maayos bespren! Atsaka gustong gusto ko rin talagang pumunta ng Cebu at para masamahan ka." Sagot ni TJ saakin
" Dont worry inday! Nag leave muna kaming dalawa ni Pamela pumayag naman si manager sa tulong na rin ni JC!". Nakangiting wika ni Cathy habang nakatingin na naman kay JC
" Ay! Ayaw ko nga sanang sumama Aira kung hindi lang talaga kita kaibigan hindi ako sasama noh!".
Sungit na sagot naman ni Pamela badtrip ata kay Phil.
" edi maiwan ka dito! Mas mabuti kayang wag ka nalang sumama!"
Sungit na sabi naman ni Phil kay Pamela.
" Tsee! Bweset ka talaga!"
Sigaw naman ni pamela kay Phil.
" hey! Tama na! Mag aaway nanaman ba kayo?! Phil pls stop it! Lets go! Naghihintay na satin ang private plane.
Sabi naman ni JC.

Dali dali namang pumunta ng Airport ang magkakaibigan, sumakay agad sila sa private plane nila JC, at safe namang nakalapag sa Cebu ang private plane na sinasakyan nila.

Habang nag mumuni muni si Cedric sa tabi ng dagat ay bigla namang dumating si Phil at JC

" Dude!!! Andito ka lang pala!" Ginulat ni Phil ang nagmumuni muning si Cedric
" Phil! JC! Anong ginagawa niyo dito? Paano niyo nalaman na nandito ako?". Gulat na tanong ni Cedric sa mga kaibigan.
"Were here para damayan ka ano man yang problema mo! At para na rin pabalikin ka sa manila." Sabi naman ni JC kay Cedric.
" Syempre nag aalala na kami sayo wala ka raw sa bahay niyo, bigla ka nalang  nawala, no text! No call! Di ka ma contact dude! so nag hired kami ng tao
Para hanapin ka." Dagdag naman ni Phil.

" Wala! Gusto ko lang talagang pumunta muna dito. Dont worry mga mukong! babalik din ako sa Manila."sagot naman ni Cedric sa mga kaibigan.
" Sure ka? Mukhang meron ka atang di sinasabi saamin pare! Share mo na yan. Maybe We can help you!" Wika naman ni JC kay Cedric.
" Wala nga! Siguro masakit lang ang damdamin ko ngayon! Pero mawawala rin to!". Wika naman ni Cedric
" Wow! You serious? Babae ba yan dude? C'mon! Tell us!." tanong naman ni Phil kay Cedric.
" Oo babae nga! Sobrang sakit pre! Ganito pala feeling ng ma basted?! Wow!! Yung umasa sa wala? Yung akala mo gusto ka rin ng taong gusto mo,pero hindi pala! Masyado lang siguro akong nag assume sa babaeng yun! Kaya ganito kasakit ! Sakiiiiiit!! Grabeh!!!" Kwento ni Cedric habang nakatingin sa mga alon ng dagat.

" Sir Cedric!!!" Nagulat si Cedric sa narinig isang pamilyar na boses ng babae. At Unti unti itong lumingon sa likoran niya.

"A-Aira?". Gulat na banggit ni Cedric.

Habang umalis muna sina Phil at JC para iwan ang dalawa at makapag usap.

Naiwan naman sa sala sina TJ,Cathy, at Pamela. Inaasikaso naman sila ni Klarisse.

" nak! Klarisse! Ikaw muna bahala sa mga bisita natin ha! Aalis na kami ng mommy mo! Ahm excuse me sainyo! Pero may importante kasi kaming lakad. Feel at home ha! Wika naman ng Tito Darius ni Cedric.
" Pasensya na talaga kayo ha, kailangan na namin umalis. Dont worry andito naman ang mga katulong namin and ang anak naming si klarisse!".sabi naman ng Tita shiela at umalis na agad ang mag asawa.
" Nagpagawa ako ng meryenda sa yaya namin. Kumain kayo ha! By the way Im klarisse pinsan ni Cedric." Nagpakilala naman si klarisse sa tatlo.

"Hello! Ako si Pamela ito naman si cathy, at ito naman si TJ! Mga kaibigan kami ni Aira." Pagpapakilala namn ni Pamela.

" Hi klarisse!" Bati naman ni Cathy.

" hi sainyo! Eheem! Hello Mr.Pogi na masungit! Isang hello naman jan masyado ka atang tahimik!" Wika naman ni klarisse at inasar si TJ.

"Hello.!" Tipid na sagot ni TJ kay klarisse.

" Sungit naman! Gwapo ka sana! Sayang!" Asar naman ni klarisse kay TJ.

" ah eh! Pag pagsensyahan mo na klarisse ha! Badtrip kasi tong si TJ eh!" Wika naman ni Pamela.

"But why?" Tanong naman ni klarisse.

" eh paano! Nag seselos kay Aira at Cedric!" Wika naman ni Cathy.

" hoy kayong dalawa! Tumahimik na nga kayo! Baka mamaya madinig kayo ni Aira!". Inis na sabi naman ni TJ kay cathy at Pamela.

" hoy tumigil ka na rin sa kakabusangot mo jan Tj ha! Nagpunta tayo dito para mag enjoy! Di ka na nakakatuwa! Sasama sama ka di mo naman pala kaya kontrolin yang selos mo!". Sermon naman ni Pamela kay  Tj.

" Hoy tama na nga! Kakahiya kay klarisse o!" Sabi naman ni Cathy.

" its okay! No worries! Ang mabuti pa, kumain na muna kayo tapos ipapasyal ko kayo sa resort namin and lets have some fun!".
Wika naman ni klarisse at di maalis ang paningin sa binatang si TJ...
Mga tingin na tila nalulungkot para sa binata dahil may gusto pala itong iba.

When im with you♥️Where stories live. Discover now