Twenty Eight

113 1 0
                                    


Samantala sa party habang naiwan ang mga kaibigan nila Aira at Cedric. 

" Cathy? Can i ask you out?"
Tanong ni JC sa dalaga.
" Bakit JC? O sige tara labas muna tayo." Sagot naman ni Cathy.
" No! That's not what i mean, i mean pwede ba kitang mayayang lumabas? Mamasyal just the two of us."

" ha? Tayong dalawa? As in date?"

" Parang ganun na nga. I want to know you more." Wika ni JC

" Ha eh? Bakit naman gusto mo pakong makilala? Tanong ni Cathy sa binata.

" Can I answer your question kapag pumayag kang lumabas tayong dalawa?"

" Ganun! O sige! Pero pwede bang sa dayoff ko nalang? Hehe."

" ok! Basta sabihin mo nalang sakin kung kailan ok?. Thank you Cathy!"
Ngiting wika naman ni JC

" Actually dayoff ko bukas. Hehehe"
Ngingiti ngiti ring sabi ng dalaga.

" Really?! Ok sige bukas! Sundoin nalang kita sa bahay niyo tomorrow?"

" ok sige! Hehe!"kinikilig na sabi ni Cathy.

Habang nag uusap sina Cathy at Jc, ay pansin rin naman ni klarisse ang pagkabalisa ni Tj.

" Hoy! Bakit balisa ka na naman dyan?! Hinahanap mo nanaman si Aira? Eh diba nga umalis na sila ni Cedric kanina!" Wika naman ni Klarisse kay TJ.

"Hindi ko hinahanap si Aira! Alam ko nga umalis na sila kanina pa!"
Sagot naman ni TJ.
" Kung ganun bakit di ka mapakali dyan?" Tanong ni Klarisse.

"Wala! Wag mo kasi akong titigan palage klarisse! Nahihiya ako alam mo ba!"

" Bakit ka naman mahihiya saakin TJ?! Ha? Atsaka bakit ba? Ang gwapo gwapo mo kasi!!!"

" Eh ang ganda ganda mo rin kasi! Naiilang ako sa tuwing tumitingin ka sakin!" Sagot naman ni TJ.

" Aaah!!! So alam ko na! Nahihiya kasi gusto mo na rin ako noh? TJ ok lang yan! Umamin ka na kasi! Ok lang talaga promise!" Kinikilig naman na sabi ni Klarisse.
" Ewan ko sayo! Suotin mo nalang tung coat ko! Mukhang nilalamig ka na jan sa sexy mong gown!" Wika naman ni TJ habang isinusuot ni Tj ang coat niya kay klarisse. Tila parang boyfriend na ayaw magsuot ng sexy ang girlfriend niya Natawa naman si Klarisse sa kilig habang si Tj ay di makatingin sa kanya ng diretso.

Habang nag uusap rin si Alice at Phil ay pa sulyap sulyap naman si Pamela sa dalawa.
Kung kaya't lumabas nalang ito at pumunta ng pool area para narin ma himasmasan dahil naparami ata ang pag inom nito ng alak!

" Pamela? Anong ngyayari sayo? Bakit parang ang sakit yata ng puso ko ngayon?" Wika ni Pamela sa sarili. Habang nakatingin ito sa pool ay di nito namalayang may mga batang naglalaro sa pool area at naghahabulan naitulak naman siya ng isang bata sa pool kaya ay nalaglag si Pamela sa tubig. Pilit itong humihingi ng saklolo dahil malalim pala ang parte na hinulogan niya.

" Tulong!!! May babaeng nalaglag sa swimming pool mukhang kaibigan niyo ata yun sir JC sir phil!" Wika ng isang waiter sa Villa hotel.

" Si Pamela wala sya rito baka sya nga yon! Hindi yun marunong lumangoy! Tulongan niyo ang kaibigan ko please!!" Pag aalalang wika ni Cathy tsaka tumakbo na sila pool area.

" Si Pamela nga! Tulongan niyo siya parang awa niyo na dali!!!" Natatarantang wika ni Cathy..

" Pamela!!!!" Sigaw ni Phil at dali daling tumalon sa Pool upang iligtas si Pamela.
Dali dali niyang inahon si Pamela paalis sa pool at sini CPR si pamela. Labis ang pag aalala ni Phil kay Pamela na syang ikinagulat ni Alice dahil sa ipinakita ni Phil kay Pamela.
Maya maya pay nagising at naisuka na ni Pamela ang tubig na nainom niya sa pagkakalunod sa pool.

When im with you♥️Where stories live. Discover now