Thirty six

95 1 0
                                    


Dali daling nagpunta si Aira sa hospital. Labis ang pag aalala nito, na dumating sa puntong sinisisi na nito ang sarili dahil sa ngyaring aksidente kay Cedric. Kaya pagdating nito ay dali dali syang nagtanong sa nurse na nasa station kung saan si Cedric.

Nurse! Yung pasyenteng si Cedric Villamonte asan sya?
Tanong ni Aira sa nurse .
nasa room 201 napo siya mam! sagot naman ng nurse kay Aira.

Aira's POV

Dali dali kong hinanap ang room 201 kung saan naroon raw si Cedric. Pagkapasok ko sa kwartong yun ay nghina ako saaking nakita, pagdating koy tinabonan na ng kumot ang buong katawan at pati na rin ang mukha niya. lumapit din ang doctor saakin.
I am sorry mam! Kamag anak ka ba ng pasyente? Ikinalulungkot ko po pero wala na siya. Tumigil ang mundo ko ng sabihin iyon ng doctor saakin. At lumabas na ng kwarto ang doctor.
Cedric???!!! Hindi!!!!
Cedric wag naman ganito!!! Sabi mo babawi kapa saakin!!! cedric gumising ka dyan!!!! Sorry Cedric! Kung di ako umalis hindi ka sana na aksidente!!!Walang tigil ang pagbuhos ng luha saaking mga mata. Hindi ko kayang tingnan ang mukha ni Cedric kaya hindi ko tinanggal ang kumot na nakatabon sa mukha nito, niyakap ko nalang siya at iyak ako ng iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong wala na si Cedric. Paano nako!!! Diyos ko!
CEDRIC!!!! Wag mo naman akong iwan! Mahal na mahal kita!!!! Cedric?!!!!!!!!
Patuloy kong sigaw dahil hindi ko matanggap ang mga ngyayari.


Tonyo!!!! Huhuhuhu! Bakit mo kami iniwan ng mga anak mo!! Ang sabi ko hintayin mo ko!!!' Bakiiiit?!!! Huhuhuhu
Nagulat ako sa biglang Sigaw ng isang matabang babae na pumasok sa kwarto At humagaholhol sa iyak. Teka????????

Excuse me po! Sino ho kayo? Sinong tonyo? Napahinto ako sa pag iyak at tinanong ang babae.
Ikaw sino ka?! Ikaw siguro ang kabit ng asawa ko noh?!!!! Hoy babae maganda, maputi,sexy at bata ka nga! Pero ako ang legal na asawa ni tonyo!!!! Natakot ako sa pasaring nito saakin.
Ho? Sinong tonyo? Siya ho ba?
Sagot ko sabay turo dun sa patay.
Oo asawa ko yan si Tonyo!!! Sino ka ba?umamin ka! Kabit ka ba ni Tonyo?!!!!
Galit na tanong nito at Bigla naman nitong inalis ang nakatakip na kumot. Nabigla at natakot ako, hindi pala to si Cedric. Si mang Tonyo pala to! Paktay!!!
Sorry po! Nagkamali po ata ako ng pasok! Pasensya na po! Pero hindi po ako kabit ng asawa niyo!! Nakikiramay po ako sige po!!! Wika ko sa babae at lumabas ng kwarto. Ng tiningnan ko naman ulit ang naka lagay na room # sa labas.
"Room 210"
Bigla kong napalo ang noo ko, ng makitang room 210 pala ang napasok ko at hindi 201!! Ang Tanga mo Aira! 201? Naging 210?
Ano ka ba!!!!! Napaka boba mo!!!!!
Hoy Aira! Anong ginagawa mo dito?!!
Kanina ka pa namin hinihintay! Andito ka na pala!!
Wika ni Pamela saakin na ikinagulat ko na naman.
Pamela? Si Cedric?? Tanong ko naman agad sa kaibigan ko.
Nagpapahinga na. Buti nalang at Galos lang ang na tamo ni Cedric!! Kasama niya si Phil don sa room 201. Sige na punta kana don may bibilhin lang ako. Kanina ka pa hinihintay ni Cedric. Wika naman ni Pamela saakin. Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko kay Pamela. Hay salamat Lord! Buti at galos lang ang natamo ni Cedric kung hindi. Baka di mo mapatawad ang sarili ko.
Pumasok nako sa kwarto kung nasaan si Cedric sinigurado ko talagang di nako magkakamali. Nakita ko naman si Cedric na natutulog.
Lumabas naman si Phil para sundan si Pamela. Kaming dalawa lang ang naiwan sa kwarto Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan Nakita ko ang galos niya sa mukha at sa kaliwang braso. Naiiyak na naman ako habang pinagmamasdan siya. Inihiga ko ang ulo ko sa gilid ng braso nito at hinawakan ang mga kamay niya habang umiiyak.


Cedric's POV

Bakit umiiyak ang prinsesa ko?
Wika ko sa mahal kong si Aira.habang hinihimas ang ulo niya. Nagising akong nasa tabi ko na si Aira at umiiyak habang hawak2 ang kanan kong kamay.
Sorry! Kung di ako umalis di ka siguro ma aaksidente. Sagot naman nito saakin habang umiiyak na parang bata. Ang Cute talaga! Hehe
Ano ka ba! Tahan na! Galos lang naman to. Wala kang kasalanan sa ngyari, ako nga ang dapat humingi ng tawad dahil nagpaloko ako kay Kate, napabayaan tuloy kita. Nag away pa tayo dahil sa katangahan ko.

When im with you♥️Where stories live. Discover now