PROLOGO

147 5 0
                                    

P R O L O G O

P R O L O G O

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



{Armando}

Pebrero 7, 1942
Alas tres ng hapon sa Mariveles Bataan

Matarik ang araw . Limitadong pagkain at inumin . Bakas sa mga mata ng aking mga kasama ang pagod , gutom at takot na baka ito na ang kanilang huling sandali , naraig na ng mga hapon ang mga karatig bayan ng Bataan kaya nanatili kami sa aming Laktod upang mag hintay ng hudyat mula sa aming hukbo .

Dalawang linggo na ang nakalipas mula ngayong araw na ito . Isang liham ang aking natanggap mula kay Rosita kasama ang kaniyang napakagandang larawan ..Bagaman hindi ako gaanong bihasa bumasa at sumulat ay isinantabi ko muna ito .

Malayo man ako sa iyong piling aking mahal na Rosita , ikaw lang ang laman ng pusot isip ko .

Ipinapangako ko sayo na babalik ako at sa pagkakataong iyon ay sabay nating lilisanin ang mundong puno ng Mapaniil at Yamo sa kapangyarihan .

Batid kong maunawaan mo na kaya ko lamang ginagawa ito dahil sa nais kong mabigyan ka ng malayang buhay ganoon na rin ang aking mahal na inang bayan ..



[ERNESTO] : Armando, pansin ko kanina mo pa hawak yang larawan ni Rosita . Malamang ay nag aalala ka sa kanya .
[ARMANDO] : Iniisip ko lamang kung ano na ang kalagayan nya dahil ilang buwan na kaming hindi nag kikita mula ng ipadala tayo sa Bataan .
[ERNESTO] : h'wag kang mag alala kaibigan , makakauwi tayo ng ligtas. Makikita mo rin ang kasintahan mo . S'ya nga pala ? May sulat s'ya para saiyo diba? Akin na at babasahin ko para sayo .


Inabot ko kay Ernesto ang liham ni Rosita .


*Liham mula kay Rosita*

Brgy. Panipuan, San Fernando
Pampanga
Disyembre 29, 1941

Mahal kong Armando ,

Kumusta ka na aking mahal? Ako ay h'wag mong alalahanin sapagkat ako'y ayos lamang . Pinapakain ka ba nila d'yan? Marahil tapos na ang pasko at bagong taon kapag nabasa mo ito . Nais kong batiin ka ng maligayang pasko at manigong bagong taon .

Heto nga pala ang aking larawan . Itabi mo ito para hindi mo ko makalimutan , lagi kang mag darasal . Sana ay mag kita ulit tayo , may gusto sana akong sambitin saiyo ngunit natatakot ako kaya kumuha muna ako ng lakas ng loob upang isulat ito ..

Alam kong mahirap ngunit nais kong malaman mo na ikaw lamang ang kaisa isang lalaking minamahal ko————


Habang binabasa ni Ernesto ang liham ni Rosita , Sunod sunod na malalakas na pag sabog  ang aming narinig .
At nag simula nanaman ang walang tigil na putukan .




-Wakas ng Prologo-

Durungawan (Unang Yugto) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon