KABANATA 28
"Kalungkutan"
{Rosita}
Disyembre 28, 1941
Sa hasyendaNatanggap ko ang mga sulat ni Armando sa akin , ibinigay ito ni Karlo . Nanatili kami sa aming hasyenda . Dito ay gwardyado kami ni Karlo at iba pa nyang kasamahan ...
Napag alaman kong maayos naman si Armando subalit hindi maaalis sa akin ang pangambang nasa gitna parin sya ni Kamatayan . Hindi ko parin nasasabi sa kanya ang ng yari sa kaniyang Ama dahil hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin ...
Isang araw ay nag lakas loob akong sabihin sa kanya . Sinulatan ko sya at ibinigay ko ito kay Karlo kasama ang aking larawan upang ipadala nya sa kanyang mga kasama na pupunta ng Bataan ..
Natigil na rin ang putukan sa Pampanga dahil nasakop na ito ng mga Hapon , malaya kaming nakakalabas pasok sa aming Hasyenda kasama si Karlo at ang mga kasamahan nyang sundalo na nakabihis sibilyan.
Ilang araw lamang ang lumipas matapos ang bagong taon ay sumakabilang buhay na si Nanay Pasing .. lungkot at pighati ang aking lubusang nadarama ... sapagkat tumayo na sya bilang isang tunay na ina sa akin ...
Patuloy akong sumusulat para kay Armando , alam kong hindi ko na ito maipapadala sa kanya lalo nat bataan nalamang ang natitirang lugar sa luzon kung saan patuloy parin ang digmaan ..
Pebrero 19, 1942
Sa bukid nila Armando.[KARLO] : Rosita .. kilala ko si Armando . Mahusay syang makipag laban .. matapang at may paninindigan . Naniniwala akong makakabalik siya ng buhay .
[ROSITA] : Sana nga ay mag dilang anghel ka Karlo ..Habang minamasdan ko ang lugar kung saan dati kaming mag kasama ni Armando , hindi mawala sa isip ko ang pangungulila sa kanya .. naalala ko pa noong una nya akong dinala dito .. kasama ko syang mangisda , at nag palipad rin kami ng saranggola ..
May tiwala ako kay Armando , alam kong tutuparin nya ang kanyang pangako ..
[KARLO] : Rosita? Natutuwa ako dahil nag kita tayong muli . Subalit alam ko rin na iba na ang nilalaman ng iyong puso .
[ROSITA] : Ganoon na nga Karlo , kapag nakauwi sya ay bubukod na kami at mag tatayo ng sarili naming pamilya .
[KARLO] : Napaka swerte ni Armando Rosita . Sana ay maimbitahan nyo ako sa inyong kasal .
[ROSITA] : Wala kabang kasintahan?
[KARLO] : Simula noon , nangako ako sa aking sarili , isa lamang ang babaeng aking iibigin . Ngayong nalaman kong masaya na sya ay masaya na rin ako . Hindi ko naman siya masisisi sa mga ng yari .
BINABASA MO ANG
Durungawan (Unang Yugto) Completed
Ficción históricaSi Rosita ay nag iisang anak lamang , isang anak mayaman labing siyam na taon gulang (19) taga maynila . Ang kanyang ama ay isang Sikat at magaling na abugado, ang kaniya namang ina ay Doktora sa isang malaking ospital sa Pampanga . Habang si Armand...