Kabanata 13

10 0 0
                                    

KABANATA 13
"Doktor ng mga Dukha"

KABANATA 13"Doktor ng mga Dukha"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


{Rosita}

Medyo hindi pa ganoon kahusay sumulat si armando kaya ang ibang mga salita ay hindi ko maintindihan , ikinwento nya sa kanyang liham kung anong ng yari sa kanya ng gabing iyon .

Nagising nalamang daw sya ng sumikat na ang araw , sa isang malaking bahay na puno ng magagarang larawan katulad ng sa amin . Isang doktor ang naka kita sa kanya , si Doktor Krisostomo . Hindi raw maigalaw ni Armando ang kaniyang mga paa kaya't hindi sya pinaalis ni Doktor Krisostomo .

Ikinwento rin ni Armando sa kanyang liham na si Doktor Krisostomo ay isang matandang binatang lalaki, tinulungan din raw sya ni Doktor Krisostomo upang maisulat ang liham na ito . Habang isinusulat raw nya ito ay lumuluha sya sapagkat pinag sisisihan daw nya ang kanyang ginawa , tama raw ang aking ama na kung hindi nya lamang ako isinama ay hindi sana ako mapapahamak .

Nalungkot ako sa aking mga nabasa sapagkat sinisisi nya ang kanyang sarili ...

Kung alam mo lamang armando , labis labis ang aking pag aalala sayo kayat hindi mo dapat sinisisi ang iyong sarili ...



Marso 21, 1941 - mag aalauna ng hapon .

Oras ng Tanghalian ,

Sumabay akong kunain kina ina at ama kasama si aling pasing sa unang pagkakaton .

[DON ROBERT] : Pupunta ako ng Estados Unidos kasama ang aking kliyente , babalik ako bago ang iyong kaarawan Rosita . Mamayang gabi ang aking alis kaya naman mamaya maya ay pupunta nako sa maynila upang tumungo sa pyer . Gusto mo bang sumama upang mamasyal?
[ROSITA] : Salamat nalamang , maayos na ko dito .
[DON ROBERT] : Kung ganoon ikaw ang bahala , ikaw Fasita?
[FASITA] : May pasyente ako hindi ko maaaring iwan . Mag ingat ka nalamang sa iyong pupuntahan .



Kung aalis pala ang aking ama ibig sabihin ay malayang makakalabas pasok sa hasyenda si Armando . Natutuwa akong malaman iyon ...



Ilang minuto makalipas ng umalis ang aking ama , pinuntahan ko ang aking ina upang yayain mamasyal dahil sabi nya ay gusto nyang sumama .


Habang papunta kami sa bukid kasama ang aking ina tinanong nya ako .

[FASITA] : matagal naba kayong mag kasintahan ni Armando?
[ROSITA] : N-naku ina . Hindi po , hindi ko po alam ..
[FASITA] : Akala ko bat nobyo mo na sya?
[ROSITA] : Ganoon na rin po ba iyon?
[FASITA] : hehe , masyado ka pa nga talagang bata . Malapit na ang iyong kaarawan .. sana ay hindi na maulit ang ng yari noong nakalipas mong kaarawan .
[ROSITA] : Si ama lang naman ang mahilig gumawa ng skandalo .

Matapos ang ilang minutong pag lalakad ay natanaw nanamin ang kubo , nandun si Armando ...

[ARMANDO] : Magandang hapon po Senyora Fasita . Magandang hapon Rosita
[FASITA] : Magandang hapon rin Armando . Napaka ganda naman ng tanawin dito . Dito ka ba nakatira?
[ARMANDO] : Ah hindi po . Dati po namin itong tirahan , lumipat na po ng tirahan ang aking mga magulang . Palayan nalamang po ito .
[FASITA] : Ganoon ba , naalala ko tuloy ang aking dating kasintahan . Madalas din nya akong ipasyal sa bukirin . Balita ko ay isa na syang bayaning Doktor ngayon ...

Durungawan (Unang Yugto) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon