Kabanata 30

10 0 0
                                    

KABANATA 30
"Pangako sa Pangako"

{Rosita} Enero 27, 1943 - Malolos BulacanAlas Syete ng gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

{Rosita}
Enero 27, 1943 - Malolos Bulacan
Alas Syete ng gabi .



Maulan ang gabing ito , kasabay ng aking pag luha ang pag luha rin ng kalangitan. Hindi ko parin matanggap ang pag kawala ni Armando .


[FASITA] : Anak .. ikinalulungkot ko ang pagkawala ni Armando ..

Sabi ng aking ina sa akin habang inaaro nya ako sa pag luha ..

[ROSITA] : kung tinta lamang ang luha ay maaari na akong sumulat ng mahabang nobela . Nobela kung saan ay buhay si Armando at kami ay masayang magkasama .
[FASITA] : nauunawaan ko ang iyong pag hihinagpis anak ..
[ROSITA] : ano pa ang silbi ng aking buhay ina kung ang taong aking kasama sana na susumpa sa harap ng diyos ay kailaman hindi kona muling makakasama?
[FASITA] : Hwag mong sabihin iyan anak , hindi ba't hinintay mo rin ang pag balik ni Karlo?
[ROSITA] : Subalit iyon ay ibang storya . Iba si Armando . Mag kaiba sila ni Karlo . Si armando ay ipinag laban ako , si Karlo ay minsan na nya akong isinuko .
[FASITA] : Subalit sino ang nakatupad ng kanilang mga pangako? Hindi ba't itinanong ko sa iyo ang kahulugan ng timbangan?
[ROSITA]  : Subalit hindi ako nangako kay Karlo na hihintayin ko siya sa kanyang pag babalik.
[FASITA] : Hindi ka nga nangako ngunit ikaw ay nag hintay hindi ba?
[ROSITA] : ano ba ang gusto nyong sabihin ina? Nais nyo bang sabihin sa akin na si Karlo nalamang ang aking ibigin at tuluyan ko ng kalimutan ang aking nobyong si Armando?
[FASITA] : Hindi anak , subalit . Ayokong tumanda kang mag isa at mamuhay sa mundong miserable ..


Hindi ko pinakinggan ang aking ina .. nanatili parin ako sa aking paniniwalang babalik si Armando . At sa mga oras na mag balik sya ay naka handa akong pakasalan siya .




Hulyo 22, 1943 - Malolos Bulacan
Alas Otso ng umaga .



Maaliwalas ang araw .. kitang kita ang bughaw na kalangitan ... ito na nga siguro ang oras upang mamaalam ...


Buo na ang aking desisyon . Handa na akong buksan ang pinto patungo kay Armando ...

Handa na kong wakasan ang aking buhay ..

Nag handa ako ng lubid at itinali ko ito sa mataas na puno ... pinagmasdan kong muli at binasa lahat ng sulat ko kay armando ... lahat ito ay isasama ko sa kalangitan upang kay armando ay ipabasa ...

Isinuot ko ang perlas na kwintas na bigay nya sa akin . Ganoon rin ang Lasong ibinalik nya sa akin ...

Sa aking buhay na minsan ay binigyan mo ng kulay . Sa kabilang parte ng lubid ay panibagong buhay , makasama ka ang siyang sa akin ay nag hihintay .

Hawak kona ang lubid . Mahal kong Armando ... hintayin mo ako ... papunta na ko . Sa mundo kung saan magiging masaya tayo .

"ROSITA!"


Durungawan (Unang Yugto) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon