KABANATA 25
"Laban hanggang dulo"{Armando}
*NAKARAAN*
Disyembre 8, 1941 - araw ng pag lisan ."MAHAL NA MAHAL KITA ARMANDO! MAGHIHINTAY AKO!"
Masakit sa akin ang mawalay kay Rosita , subalit kailangan . Hwag kang mag alala rosita, mananalo kami sa laban at babalik akong buhay . Pinapangako ko iyan ..
Patungo na kami sa bataan . Nasa isang batalyon kami . Nandito rin si Ernesto sa trak kung saan ako nakasakay .
[ERNESTO] : Kinakabahan ako .
[ARMANDO] : Ako rin .. sanay matapos na to .Habang papalapit kami sa aming destinasyon sunod sunod na malalakas na putok ang aming mga narinig . Senyales na malapit na kami sa digmaan . Ang misyon namin ay depensahan ang Bataan mula sa kamay ng mga Hapon , dito raw kasi dadaong ang mga malalaking Barkong pang digma ng mga Hapon patungo sa maynila .
"Okay men listen ! We have to defend this area , we are now approaching the Peninsula Bataan . Remember . We will win this war! I know we can do this!"
Sabi ng kapitan ng mga amerikano . Sa Pulutong ng mga amerikano kami napa bilang ni Ernesto ..Hapon na ng kami ay makarating . Ito sana ang oras ng kasal namin ni Rosita . Sana ay ligtas sila sa kanilang lugar .
Nag pulong ang lahat .
"Kailangan natin dipensahan ang lugar na ito , kasalukuyang sinasakop ng mga hapon ang Maynila . Hindi natin sila maaaring papasukin dito "
Sabi ng aming Heneral .Nakasama ko sa grupo si Ernesto at Karlo , napabilang kami sa "27th command 3rd division" ng mga amerikano .
Isang gabi sinalakay kami ng mga Hapon habang kami ay nag papahinga . Dito ay nag karoon na kaagad ng matinding bakbakan .
Nasa isang daan ang mga nasawi sa aming mga kasamahan . Karamihan sa mga ito ay mga sundalong amerikano .
Lumipas ang takip salim , nag padala ng napakaraming sundalo si General MacArthur . Nasakop na ng mga Hapon ang Maynila . Kaya napilitan silang lumikas dito sa Bataan , Nasa pitumput limang libong mga sundalo ang aming bilang .
***
Disyembre 18, 1941 - eksaktong sampung araw sa bataan .Nakakasira ng ulo . Umaga hapon gabi at kahit madaling araw ay walang tigil na putukan .
BINABASA MO ANG
Durungawan (Unang Yugto) Completed
Historical FictionSi Rosita ay nag iisang anak lamang , isang anak mayaman labing siyam na taon gulang (19) taga maynila . Ang kanyang ama ay isang Sikat at magaling na abugado, ang kaniya namang ina ay Doktora sa isang malaking ospital sa Pampanga . Habang si Armand...