KABANATA 3
"Pag-ibig"
{Armando}Habang pinapakinggan ko sya nakatitig ako sa kanyang mga mata . Di ko maalis ang tingin ko sa kanya . Kung mayaman lamang ako at may pinag aralan siguro ay may lakas ako ng loob para ligawan ka .
[ROSITA] : nakikinig ka ba? Bat nakatulala ka?
[ARMANDO] : ah Oo . Oo nakikinig ako Napaka ganda ng tula mo! Maari ko bang itanong kung bakit mo iyan itinapon?
[ROSITA] : Salamat . Hm Parang hindi kasi ako nagagandahan sa mga sinulat ko kaya ko nalamang ito tinapon , pasensya na kung makalat ako . Jan talaga ko nag tatapon . Nasanay na siguro .
[ARMANDO] : Naku ayos lang yun . Wag mo isipin yun . Tapon ka lang jan ako na bahala dumampot 😅 maitanong ko na nga rin pala . Ano ang iyong batid sa sinulat mong tula?
[ROSITA] : Ah yun ba . Batay sa pang labas na kaanyuan at yaman .
[ARMANDO] : ha? Hindi ko parin maintindihan pasensya na .
[ROSITA] : Sa pag-ibig , kung tunay kang minamahal ng iyong sinta , hindi sukatan ang pagiging Dukha o kung isa kamang Maharlika . Lalong hindi magiging basehan ang pagkakaroon ng kaibigibig na mukha . Dahil kung mahal mo ang isang tao , hindi mo kailangan ng kahit anong may roon sa mundo bukod sa kanya . Nasubukan mo na bang umibig o di kaya naman ay nag karoon kana ng kasintahan?Nagulat ako sa tanong nya sakin ...
[ARMANDO] : Hindi pa ... ikaw ba ?
[ROSITA] : hehe ... oo , pero isang beses pa lamang . At wala na kong balak alalahanin pa ang lahat .Kung alam mo lang rosita , ngayon lang ako nakaramdam ng pag-ibig . Sa taong alam kong kailan man ay hindi ko makakamit .
Napahaba pa ang usapan naming dalawa . Ang sarap makipag usap sa kanya kahit dito lamang ako sa Sanga ng puno ng santol at sya naman ay nasa Durungawan. Bagay na bagay ang ugali nya sa kanyang mukha , bukod sa ganda ng kanyang imahe maganda rin ang nilalaman ng puso nya . Napag alaman kong mahilig pala syang tumulong sa mga bata lalo na sa mga walang tirahan at magulang .
[ROSITA] : kanina pa tayo nag uusap dito , hindi kaman lamang nag papakilala .
[ARMANDO] : Naku . Pasensya na . Ako nga pala si Armando . 😁 gusto mo ba ikuha kita ng santol?
[ROSITA] : Napaka ganda ng pangalan mo . Bagay sa dating mo. Hwag na baka mahulog kapa jan . Hindi kaba natatakot ? Sanga lang yang inuupuan mo oh .Batid nya sakin habang sya ay nakangiti
[ARMANDO] : hindi ah . Mas nakakatakot kaya yung mahulog ka sa maling tao . Hahaha!
[ROSITA] : Hahaha! Mahilig ka rin palang mag biro ano.Napka ganda ng mga ngiti nya . Araw araw na kitang bibisitahin sayong Durungawan para pasayahin ka 😁
[ROSITA] : Gusto mo turuan kita mag basa?
[ARMANDO] : N-Naku ... marunong nako no .
[ROSITA] : Weh? E narinig ko kayong nag uusap ng aking ama kanina .
[ARMANDO] : M-Matututo din ako , wag kang mag alala . Kapag natuto na ko araw araw kong babasahin ang mga sinulat mo! Pangako yan!
[ROSITA] : Sige ah sinabi mo yan 😊
[ARMANDO] : Oo naman , pero wag muna ngayon . Marami pa kong ginagawa eh . Sya nga pala . Nag aaral ka pa ba?
[ROSITA] : isa akong guro . Pero tumigil na kong mag turo simula ng lumipat kami dito sa Pampanga. Ikaw? Anong pangarap mo ?
[ARMANDO] : Hm . Gusto kong maging pintor , pero gusto ko rin mag sundalo . Gusto kong mag lingkod sa ating bayan .
[ROSITA] : talaga? Napaka tapang mo naman pala bagay nga sa pangalan mo , mahusay ka bang gumuhit?
[ARMANDO] : salamat hehe . Oo naman ! Gusto mo i guhit kita ?
[ROSITA] : Sige nga!
BINABASA MO ANG
Durungawan (Unang Yugto) Completed
Historical FictionSi Rosita ay nag iisang anak lamang , isang anak mayaman labing siyam na taon gulang (19) taga maynila . Ang kanyang ama ay isang Sikat at magaling na abugado, ang kaniya namang ina ay Doktora sa isang malaking ospital sa Pampanga . Habang si Armand...