KABANATA 21
"Mistah"
{Armando}
Oktubre 3, 1941 - Umingan Pangasinan
Alas syete ng umaga"Kilos! Bilisan nyong gumapang! Tayo! Martsa! Sabay sabay! Kaliwa kanan kaliwa! Lakasan nyo pa ang boses nyo! Bawal ang lalampa lampa! Sa pag susundalo kapag lalampa lampa ka wala kang mararating! Buhay mo ang nakataya tandaan nyo yan!! Talon! Gapang!"
Sigaw ni Kolonel Mike habang puspusan ang aming unang araw sa pag eensayo ."DEL PILAR! Ano ?! Kaya mo paba?! Sagot!!!"
Sigaw ni kolonel kay ernesto"KAYA PA HO KOLONEL!!!!"
Sagot ni Ernesto .Nakalipas ang ilang oras ay pinag pahinga muna kami . Naka hilera kami sa gitna ng napaka init na araw .
"Ang gusto ko sa mga daratin na araw ay mas magilas pa kayo kumpara sa araw na ito"
Sabi ni Kolonel habang inaabot sa amin ang mga baril na aming gagamitin ."Ang mga baril na iyan . Mahalin nyo ng higit pa sa inyong mga magulang . Sapagkat yan ang inyong magiging kasangga sa oras ng laban , buhay mo ang nakataya kaya buhay rin ang inyong kakabigin"
Sabi ni kolonel sa amin ...Kinuha ko ang baril . Ito ang unang pag kakataon na hahawak ako ng sandata . Maya maya pa ay dumating ang sundalong heneral ng Amerika .
Sumalido kami sa kanya .
"How's the training colonel mike?"
Tanong ng heneral kay kolonel mike ."Everything's fine Sir! They will belong to Filipino-American Guerilla's"
Sagot ni Kolonel ..Isa isa kaming tinignan ng heneral at pinasubok umasinta gamit ang baril .
"Let's check their marksmanship then . All of you , aim that target"
Sabi ni heneral habang May itinuro sya . Hindi ko sya maintindihan pero sa tingin ko ay kailangan namin patamaan yung tinuturo nya ."Dito masusubok ang inyong pag asinta .. nakikita nyo ba yung mga nakasabit na bote sa malayo? Kailangan nyong asintahin yan"
Sabi ni kolonel .Kaming dalawa ni Ernesto ang naunang sumubok ...
May tinamaan akong tatlo . Habang si ernesto ay may tinamaan na anim .
"Very good! I really admire filipinos ! They have very good accuracy! I will leave them to you Colonel Mike . I have another assignment for you . I want you to train their hunger and drill them more"
Sabi ni heneral ...Mula sa araw na yon ay palagi na kaming nag sasanay . Konting pagkain lamang ang ibinibigay sa amin . Dito raw masusubok kung gaano namin katagal kayang tiisin ang gutom at uhaw .
Lumipas ang mga ilang araw lalong tumitindi ang pag eensayo . Lalo ko ring nararamdaman ang liksi ng aking katawan , habang tumatagal . Lalo akong nananabik makita si Rosita ...
BINABASA MO ANG
Durungawan (Unang Yugto) Completed
Historická literaturaSi Rosita ay nag iisang anak lamang , isang anak mayaman labing siyam na taon gulang (19) taga maynila . Ang kanyang ama ay isang Sikat at magaling na abugado, ang kaniya namang ina ay Doktora sa isang malaking ospital sa Pampanga . Habang si Armand...