KABANATA 26
"Pagsuko"{Armando}
Pebrero 7 , 1942 - Mariveles Bataan
Alas tres ng hapon .Pakaunti ng pakaunti ang aming bilang . Araw araw daandaang sundalo ang namamatay . Nilikas nanamin ang peninsula . Nasa mariveles na kami ngayon . Wala na kaming matatakbuhan .
Matarik ang araw . Limitadong pagkain at inumin . Bakas sa mga mata ng aking mga kasama ang pagod , gutom at takot na baka ito na ang kanilang huling sandali , naraig na ng mga hapon ang mga karatig bayan ng Bataan kaya nanatili kami sa aming Laktod upang mag hintay ng hudyat mula sa aming hukbo .
ilang linggo na ang nakalipas mula ng matanggap ko ang liham ni Rosita . kasama ang kaniyang Larawan , araw araw ko itong minamasdan .
Sana ay nasa mabuti syang kalagayan . Gusto ko syang makita kahit isang beses man lang . Kung hindi man ako makakabalik ng buhay mahal kong Rosita , sana ay huwag mo kong kalilimutan ...
[ERNESTO]: Armando, pansin ko kanina mo pa hawak yang larawan ni Rosita . Malamang ay nag aalala ka sa kanya .
[ARMANDO] : Iniisip ko lamang kung ano na ang kalagayan nya dahil ilang buwan na kaming hindi nag kikita mula ng ipadala tayo sa Bataan .
[ERNESTO] : h'wag kang mag alala , makakauwi tayo ng ligtas. Makikita mo rin ang nobya mo . S'ya nga pala ? May sulat s'ya para saiyo diba? Akin na at babasahin ko para sayo .Inabot ko kay Ernesto ang liham ni Rosita .
[ERNESTO] : Ah noong Desyembre papala ang sulat nato oh , 1941 pa eh
*Liham mula kay Rosita*
Brgy. Panipuan, San Fernando
Pampanga
Disyembre 29, 1941Mahal kong Armando ,
Kumusta ka na aking mahal? Ako ay h'wag mong alalahanin sapagkat ako'y ayos lamang . Pinapakain ka ba nila d'yan? Marahil tapos na ang pasko at bagong taon kapag nabasa mo ito . Nais kong batiin ka ng maligayang pasko at manigong bagong taon .
Heto nga pala ang aking larawan . Itabi mo ito para hindi mo ko makalimutan , lagi kang mag darasal . Sana ay mag kita ulit tayo , may gusto sana akong sambitin saiyo ngunit natatakot ako kaya kumuha muna ako ng lakas ng loob upang isulat ito ..
Alam kong mahirap ngunit nais kong malaman mo na ikaw lamang ang kaisa isang lalaking minamahal ko————
Habang binabasa ni Ernesto ang liham ni Rosita , Sunod sunod na malalakas na pag sabog ang aming narinig .
At nag simula nanaman ang walang tigil na putukan .
BINABASA MO ANG
Durungawan (Unang Yugto) Completed
Ficción históricaSi Rosita ay nag iisang anak lamang , isang anak mayaman labing siyam na taon gulang (19) taga maynila . Ang kanyang ama ay isang Sikat at magaling na abugado, ang kaniya namang ina ay Doktora sa isang malaking ospital sa Pampanga . Habang si Armand...