Kabanata 22

13 0 0
                                    

KABANATA 22
"Pearl Harbour"

{Armando}Oktubre 25, 1941 - Umingan PangasinanAlas Singko mag aalasais ng hapon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

{Armando}
Oktubre 25, 1941 - Umingan Pangasinan
Alas Singko mag aalasais ng hapon


"Salamat Armando , ako nga pala si Karlo Cruz"
Pinakilala ni karlo ang kaniyang sarili

Karlo? Pamilyar ang pangalan nya sakin , hindi ko matandaan kung saan ko narinig ang pangalan nya .

"Bakit natulala ka? Mistah?"
Sabi nya sa akin habang ako ay napapaisip

"Ah. Wala wala . Naalala ko lamang ang aking kasintahan hehe"
Sabi ko sa kanya habang naka ngiti ako .

[KARLO] : Mabuti kapa at may nobyang nag hihintay sayo haha
[ARMANDO] : Wala kabang nobya?
[KARLO] : parang meron pero parang wala .
[ARMANDO] : Ha? Meron bang ganoon?
[KARLO] : Mahigit isang taon na ng magkahiwalay kami . Nangako ako sa kanyang hahanapin ko sya kapag naging karapat dapat nako para sa kanya .
[ARMANDO] : Ano ang ng yari?
[KARLO] : Nag ibang bansa ako . Doon ay nakapag ipon ako . Ng maisipan ko ng umuwi nag patayo ako ng sarili kong Restoran . Doon lang sainyo sa Angeles Pampanga . Matapos ay bumalik ako ng maynila Sinubukan kong bumalik sa dati nilang tirahan , subalit isang taon na raw silang wala roon .. hindi kona alam kung nasaan sya . Siguro ay masaya na ang buhay nya ngayon .
[ARMANDO] : May sarili kanang negosyo?
[KARLO] : Oo . Nakakapag taka ba dahil napaka bata ko pa diba? Hehe nag tyaga lang ako dahil may roon akong inspirasyon.
[ARMANDO] : Kung ganoon ay bakit ka nag sundalo?
[KARLO] : dahil ayoko ng mabuhay at gusto kong mamatay ngunit gusto ko ay may dangal .
[ARMANDO] : Sa madaling salita gusto mong maging bayani?
[KARLO] : Hindi naman kabayanihan ang pag papakamatay ... nais ko lang magkaroon ng silbi sa ating inang bayan . Gusto ko itong ipag laban . Kailan man hindi ko ito isusuko kanino man ... gaya nalamang ng pag suko ko sa kanya .. labis na pag sisisi at pang hihinayang .


Napakalungkot ng kanyang mukha . Bakas sa mata nya ang kagustuhang lumaban ..

Naging matalik kong kaibigan si Karlo nakakasama namin syang mag kwentuhan kami ni Ernesto .. magkaiba kami ng pulutong , ako ay kay kolonel mike , siya naman ay sa mga amerikano .



October 30, 1941 - Alas Syete ng umaga.
Sa Campo


"Sulat! Mga sulat nyo nandito na!"
Sigaw ng kadet

Dali dali akong tumakbo sa kartero at tinanong kung may sulat na ako .

[ARMANDO] : Manong , mayroon na po ba diyan ang aking pangalan?
[KARTERO] : Armando tama?
[ARMANDO] : Opo
[KARTERO] : Ah oo heto , dalawang sulat galing sa Panipuan San Fernando Pampanga
[ARMANDO] : Yan nga iyon! Salamat manong!

Durungawan (Unang Yugto) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon