KABANATA 15
"Estranghero"
{Rosita}
Abril 21, 1941 - Eksaktong isang buwan ng huli kaming nag kita ni Armando . Pitong araw bago ang aking kaarawan .Hindi ko alam kung babalik pa sya subalit alam kong sya ay nag hahanda sa kanyang pag babalik . Natambakan na ng sulat para kay Armando ang aking maliit na baul ..
[FASITA] : Rosita , anak? Halika't samahan mo akong mag simba .
[ROSITA] : Sige po ina mag bibihis lamang ako .Niyaya ako mag simba ng aking ina . Tamang tama , gusto ko rin magpasalamat sa panginoon at hihingin ko narin na gabayan nya si Armando sa kanyang pag lalakbay ..
Pag kadating namin sa simbahan ay agad na akong nag dasal ..
"Panginoon , Maraming salamat po at binibigyan nyo po ng magandang kalusugan ang aking mga magulang . Salamat rin ho dahil ipinakilala nyo sa akin si Armando , kumusta po kaya siya? Alam kong binabantayan nyo po kami . Sana ay nasa maayos na kalagayan sya . Batid kong makita at mayakap siyang muli . Naway bigyan nyopo siya ng lakas na kanyang kakailanganin sa pang araw araw"
Pagkatapos kong mag dasal ay may isang batang lumapit sa akin ...
"Ale ale , pinapabigay po sainyo"
Sabi ng bata sabay abot ng rosas na pula ."Ha? Kanino ito galing?"
Tanong ko sa kanya ..Tumuro siya sa bandang labas ng simbahan , may isang lalaking naka tayo . Hindi ko sya makita dahil napaka liwanag sa labas. Bigla nalamang itong nag lakad pa kanan at hindi kona nakita
Pinuntahan ko kaagad ito upang malaman kung sino ba iyon .
"Rosita? Saan ka pupunta?"
Tanong ng aking ina habang palabas ako sa simbahan"Sandali lamang po ina may titignan lang ako sa labas"
Sagot ko kay inaPag labas ko ng simbahan Tumingin ako sa kanan ... may isang lalaking naka talikod at agad ko itong nilapitan ..
"Mawalang galang na ho, saiyo ba galing itong bulaklak?"
Tanong ko sa lalaking nakatalikod ..Hindi ito sumagot at bigla nalamang nag lakad papalayo .. hindi ko alam kung sino ang lalaking iyon . Malabong si Armando yoon ,
Bumalik na ako sa loob ng simbahan upang puntahan si ina ,
[FASITA] : Rosita , saan ka ba ng galing? Tapos kana bang mag dasal?
[ROSITA] : May tinignan lamang po ako sa labas.
[FASITA] : Tara samahan mo muna akong bumili ng gulay sa palengke ...Nag tungo kami sa talipapa upang bumili ng gulay .
Kumuha ng gulay ang aking ina mula sa isang tindera , At tinanong kung magkano iyon .
BINABASA MO ANG
Durungawan (Unang Yugto) Completed
Historical FictionSi Rosita ay nag iisang anak lamang , isang anak mayaman labing siyam na taon gulang (19) taga maynila . Ang kanyang ama ay isang Sikat at magaling na abugado, ang kaniya namang ina ay Doktora sa isang malaking ospital sa Pampanga . Habang si Armand...