KABANATA 10
"Saranggola"{Armando}
Marso 16, 1941 - Alas Otso
Sa Hasyenda,Tinanggap ko ang alok sa akin ni Colonel Mike , sa tingin ko ay isa rin itong magandang pag kakataon upang matupad ko ang aking pangarap . Nais ko ring mapansin pa lalo ni Rosita ..
"Kung ganoon ay may labing anim na binata na ang sumangayon at sumali sa aming hukbo , eto ang kanilang mga pangalan"
Inisa isa nya ang mga pangalan ng mga umanib sa kanila,
[MIKE] : Ramon Perez, Emillio Santisimo , Simplicio Vergara , Ernesto Del Pillar , Ferdinand —"
[ARMANDO] : Sandali lamang , binanggit mo ba ang pangalang Ernesto?
[MIKE] : Kilala mo ba s'ya? Doon lamang sya nakatira pag lampas mo ng bukirin .
[ARMANDO] : Oo , matalik ko syang kaibigan .Kung ganoon ay makakasama ko pala si Ernesto , magandang balita iyon dahil may makakasama pala ako .
[MIKE] : Magandang balita iyon kung ganoon , heto ang kasunduan . Pumirma ka dito .
Inabot nya ang papel at ang pang lakda.
[ARMANDO] : Paumanhin subalit ... hindi ho ako marunong pumirma ...
Kinagat ko ang aking hinlalaki upang dumugo ito , ang dugo sa aking daliri ang ginamit kong pang lakda ..
Nakangiti si Mike sa akin habang minamarkahan ng dugo ang Kasunduang pang Militar. Ilang sandali lamang ay lumabas na sya sa aking silid .
"Bueno , may pitong buwan kapa para manatili dito . Pag sapit ng oktubre ay babalikan namin kayo upang sa Panggasinan ay mag sanay . Maliwanag?"
Sambit nya sa akin at nag lakad na sya pa balik sa loob ng bahay nila Rosita ,
Minamasdan ko ang Durungawan, ngayong gabing ito ay malabo kong masilayan ang mukha ni Rosita ...
Hindi kona hinintay umalis ang kanilang mga bisita , masama ang pakiramdam ko kaya't nahiga nalamang ako . Hanggang sa makatulog ako ....
Habang mahimbing ang aking tulog .. may nararamdaman akong dumadampi sa aking mga pasa sa mukha . Kaya nagising ako bigla , sa pag dilat ng aking mga mata nagulat ako at napaupo nalamang ..
[ARMANDO] : R-Rosita .. ano ang ginagawa mo dito? Baka makita ka ng iyong ama!
Laking gulat ko sapagkat nakita ko si Rosita nilalanggas ang aking mga pasa .
BINABASA MO ANG
Durungawan (Unang Yugto) Completed
Historical FictionSi Rosita ay nag iisang anak lamang , isang anak mayaman labing siyam na taon gulang (19) taga maynila . Ang kanyang ama ay isang Sikat at magaling na abugado, ang kaniya namang ina ay Doktora sa isang malaking ospital sa Pampanga . Habang si Armand...