KABANATA 6
"Tyaa"{Armando}
Napaka lungkot pala ng nakaraan ni Rosita kung ito'y uunawain . Ay talaga namang napaka lupit pala ng Ama nya ...
Nakakapag taka lamang , ano kaya ang sinulat ni Karlo kay Rosita? Bakit kaya lagi syang nakakulong sa kwarto at sa Durungawan lamang sya nag lalagi?
[FASITA] : Magandang gabi sa inyo . Naistorbo ko ba kayo?
Nagulat kami dahil si Senyora Fasita ay nakikinig pala . Agad kaming tumayo ni aling pasing sa aming inuupuan .
[FASITA] : Napaka ganda ng iyong kwento mula sa aming pamilya Aling Pasing . Nagagalak akong marinig ang iyong pag aalala sa aking minamahal na anak .
[ALING PASING] : Maraming salamat po Senyora , ililigpit ko muna po ang inyong pinag kainan at ipag hahanda kona rin po ng makakain si Rosita.Umalis na si aling pasing upang mag ligpit ng kanilang pinag kainan at dalhan ng pagkain si Rosita .
[ARMANDO] : A-ako rin po .. ba-balik na ho ako sa aking silid .
[FASITA] : Maaari mo ba kong ipag dala ng tyaa ? Pupunta lamang ako sa Hardin .
[ARMANDO] : S-sige po senyora .Pinag handa ko na ng tyaa si Senyora gaya ng kanyang bilin . Habang hinihintay kong kumulo ang tubig ay umupo muna ko sa may hagdan ..
May narinig akong tunog ng mga yapak ng paa .. tumingin ako sa likod ko sa may hagdan at nakita ko si Rosita .nagulat ako at dali daling tumayo
[ARMANDO] : R-Rosita ... ikaw pala .. magandang gabi po.
[ROSITA] : Magandang gabi rin ..
[ARMANDO] : Ano ho ang iyong kailangan?
[ROSITA] : Wag kana ngang gumamit ng "ho at po" pag ako ang kausap mo . Para kasing nakakatanda e .Pabiro nyang sinabi sakin ang salitang iyon ..
[ARMANDO] : p-pasensya na hehe pag galang lamang iyon at baka kasi marinig tayo ng iyong Ama . Sya nga pala . Ano ang kailangan mo ? Ako na ang kukuha .
[ROSITA] : Nakita ko ang aking ina sa Hardin , nakiusap sya na ipag timpla ko raw sya ng Tyaa . Paborito ni Inay ang aking tyaa . Ngayon ko lamang naisipan na ipag timpla sya ulit .Nagulat ako sa mga sinabi nya kaya hinayaan ko syang ipag timpla ng tyaa ang kanyang ina .. Isinilid ni Rosita ang tyaa sa isang maliit na takuri at nag lagay ito ng tatlong tasa , tska kona ito dinala kay Senyora ... ang buong akala ko ay doon lamang talaga sya sa kanyang silid . Ngunit sa pag kakataong ito ay sinamahan nya ang kanyang ina sa kanilang hardin .
BINABASA MO ANG
Durungawan (Unang Yugto) Completed
Historical FictionSi Rosita ay nag iisang anak lamang , isang anak mayaman labing siyam na taon gulang (19) taga maynila . Ang kanyang ama ay isang Sikat at magaling na abugado, ang kaniya namang ina ay Doktora sa isang malaking ospital sa Pampanga . Habang si Armand...