Kabanata 23

20 1 0
                                    

KABANATA 23
"Pangako"

{Rosita}Disyembre 7, 1941 - ala una ng hapon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

{Rosita}
Disyembre 7, 1941 - ala una ng hapon .


Kagaya ng dati , ako ay nasa Durungawan pinag mamasdan ang napakagandang kalangitan .. kumusta na kaya si Armando? Sana ay maayos lamang sya ..

Umupo ako sa aking upuan at kinuha ang aking mga panulat , susulatan ko nalamang siyang muli .

Habang nag iisip ako ng mga sasabihin kay armando . Aksidente kong natamaan ang Kristal na lampara na ibinigay sa akin ni James . Nabasag ito .. pinulot ko ang mga nag kalat na bubog at aksidenteng nahiwa ang aking daliri habang pinupulot ang nag kalat na basag na salamin .

"Rosita? Ano iyong narinig kong tila nabasag?"
Tanong ng aking ina habang naka dungaw sa pintuan ng aking silid

"Ah ina kayo ho pala , aksidente ko hong natamaan ang lamparang bigay sa akin ni james bago sya mag punta sa hawaii"
Sagot ko sa aking ina .

Tinulungan nya akong mamulot ng nag kalat na bubog ..

[FASITA] : Nabalitaan mo naba?
[ROSITA] : Ang alin ina?
[FASITA] : Malamang ay hindi ka interesado . Nabasa ko lamang sa isang dyaryo .. inatake ng mga hapon ang Pearl Harbour sa hawaii kung saan naka destino si James ..
[ROSITA] : ANO HO????????
[FASITA] : naitalang mahigit dalawang libong amerikano ang nasawi sa pambobomba . Kasama na doon ang pangalan ni James .

Nagulat ako sa aking nabalitaan .. alam kong naging masungit ako kay james subalit . Ikinalulungkot ko ang kaniyang pagkawala ..

[FASITA] : Sa ngayon ay naka alarma ang buong pilipinas dahil ano mang oras ay maaari raw tayong atakihin ng mga hapon .
[ROSITA] : Ina, kailangan ko na ho sigurong patigilin si Armando sa pag susundalo . Nag aalala ako sa kanya . Ayoko hong madamay pa sya sa digmaan ng ating bansa .
[FASITA] : Ano ba ang magagawa natin kung iyon ang kagustuhan ni Armando . Subukan mo syang pigilan . Ngunit sa tingin ko ay hindi sya hihinto sa pag susundalo si Armando, hindi bat sayo na nanggaling na pangarap nya ang mag sundalo?


Lubusan akong nag alala sa aking mahal na si Armando . Hindi ko mapigilang lumuha .. kaya sinulutan ko sya . Kukumbinsihin ko syang wag ng ituloy ang pag susundalo at kami ay mag umpisa nalamang ng panibagon buhay at mag tayo ng pamilya .

Agad akong nag tungo sa koreyo upang ipadala ang aking sulat kay armando . Sana ay agad itong makarating sa kanya ..

Dumirecho rin ako kaagad sa simbahan upang ipag dasal ang kaligtasan nya .. habang nag darasal ako ay hindi ko mapigilang lumuha , sapagkat hindi ko alam kung anong nag hihintay sa kapalaran nya ..



*Alas nuwebe ng gabi sa Hasyenda*

Bumisita si Tiyo Krisostomo sa aming bahay upang ibalita ang ng yari .

Durungawan (Unang Yugto) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon