KABANATA 2
"Papel"{Armando}
Parehong Araw at taon - Alas Otso ng Gabi
Sa mansyon ni Don Robert ,Gabi na ng makarating ang aming amo . Sinama ako ni aling Pasing sa loob ng silid kung saan nandun si Don Robert .
"Magandang Gabi po" bati namin ni Aling pasing kay Don Robert .
[DON ROBERT] : Magandang Gabi rin . Sya ba ang bago nating hardinero? Maupo kayo .
[ALING PASING] : Opo . Masipag po yang batang yan . Magaling po yan sa mga halaman .
[DON ROBERT] : Ano ang iyong buong pangalan? Saan ka nakatira? Ilang taon kana ? Ano ang iyong natapos? At ano ang mga kaya mo pang gawin?
[ARMANDO] : A-Armando V. Flores Jr po . Dalawampung taong gulang , jan lamang po sa sakahan ang bahay namin . Pa-pasensya na po .. hindi po ako nakapag aral . Pero marami po akong kayang gawin . Kaya ko pong mag hugas ng pinggan . Mag linis ng bahay . Kaya ko rin po maging hardinero gaya ng hinahanap nyo . Tska marunong rin po ako mag luto at pwede rin po akong maging karpintero . Mauutusan nyo rin po ako kahit sa malayo .
[DON ROBERT] : Ganun ba .. sige , makakapag simula kana bukas . Sampung piso bwan bwan ang magiging sweldo mo . Ayos naba yon?
[ARMANDO] : T-Talaga po?! Opo ayos na ayos po ! Maraming salamat po 😀
[DON ROBERT] : Pasing ituro mona sa kanya yung matutuluyan nya.
[ALING PASING] : Ay ayos na po Don Robert . Nilinis na rin po nya yung bodega na tutuluyan nya . Sya rin po ang nag linis ng buong bahay .
[DON ROBERT] : Dapat lang , dahil trabaho nya yan . Sige na at makakalabas na kayo ."Maraming salamat po" ang pamaalam namin sa kanya bago lumabas ng kanyang silid .
Ito ang unang pag kakataon na mag kakaroon ako ng trabaho . Sobrang saya ko at siguradong matutuwa si ina at ama kapag nabalitaan nilang nag hahanap buhay nako .
*KINABUKASAN*
Marso 14, 1941
Alasingko ng umaga sa hasyenda.Maaga akong gumising , gusto ko umaga palamang ay makita na nilang malinis sa labas ng bahay . Nilinis ko na rin ang kotse ni Don Robert .
Habang kasadsaran ng bukang liwayway inayos kona rin ang mga halaman sa kanilang hardin .. nilagyan ko ng magagandang desenyo ang kanilang halaman .. sa kaitaasan ng kanilang bahay . May bukas na durungawan , habang winawalis ko ang mga nalaglag na halaman mula sa puno ng Santol may roong tapon ng tapon ng Papel .
[ARMANDO] : Hays . Ano ba yan . Pano ba ko matatapos mag walis dito e tapon ng tapon ng papel dito sa bintana . Sino kaya yun? Wala ba syang basurahan doon?
"May reklamo ka ba?" Boses pasigaw ng isang babae .
[ARMANDO] : Wa-wala po . Winawalis kona po .
BINABASA MO ANG
Durungawan (Unang Yugto) Completed
Historical FictionSi Rosita ay nag iisang anak lamang , isang anak mayaman labing siyam na taon gulang (19) taga maynila . Ang kanyang ama ay isang Sikat at magaling na abugado, ang kaniya namang ina ay Doktora sa isang malaking ospital sa Pampanga . Habang si Armand...