Kabanata 14

11 0 0
                                    

KABANATA 14
"Perlas"

{Rosita}Marso 21, 1941 - Sa kubo ng bukirin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

{Rosita}
Marso 21, 1941 - Sa kubo ng bukirin .


"Mag ka kilala kayo???"
Tanong namin ni Armando sa kanilang dalawa .

[KRISOSTOMO] : F-Fasita??? Ikaw na ba yan???
[FASITA] : Ako nga .. kasama ko ang aking anak na si Rosita.
[KRISOSTOMO] : Rosita ? Kamukhang kamukha mo ang iyong ina. Napakaliit ng mundo , hindi ko inaasahang sa Pampanga tayo mag kikitang muli Fasita .

Iyon ang unang araw na nakilala ko ang aking tiyuhin na dating kasintahan ng aking ina .

[KRISOSTOMO] : Ikaw ba ang kasintahan ni Armando? Rosita? Palagi ka nyang kinekwento sa akin at nag pupumilit syang makauwi agad dahil gusto ka raw nyang makita .
[ROSITA] : Salamat ho . Kung hindi dahil sa inyo ay baka may masama ng nangyari kay Armando .
[KRISOSTOMO] : Wala iyon . Trabaho ng isang doktor ang mag ligtas ng buhay . Tamang tama lamang ang aking dating noong gabing matagpuan ko syang walang malay . Sya nga pala Fasita? Kumusta kana?
[FASITA] : Mabuti naman ako . Ikaw? Anong balita sayo?


Nag usap si ina at ang aking tyuhin na si Krisostomo . Kaya naman nag pasya kami ni Armando na iwan muna sila at mag lakad lakad muna ..

[ARMANDO] : malapit na ang iyong kaarawan Rosita .. nangangamba akong hindi ako makakadalo .
[ROSITA] : Patawad armando .
[ARMANDO] : Ayos lamang iyon . Masaya naman ako at nakita kitang muli . May ibibigay nga pala ako sayo .
[ROSITA] : Ano iyon?
[ARMANDO] : Tumalikod ka .

Tumalikod ako at bigla syang may inilagay sa aking leeg ... isang kwintas na puno ng pilak .

[ROSITA] : Napaka ganda !
[ARMANDO] : Bagay na bagay sa iyo rosita, bigay iyan sa akin ni Doktor Krisostomo . Itinago raw nya iyan matagal na panahon na . Ibibigaw raw dapat nya sa kanyang kasintahan kapag sabay silang nakatapos ng kursong doktorya . subalit sa di inaasahang pag kakataon ay ikinasal raw ito sa kanyang kapatid , hindi ko inaasahang si Senyora pala ang kaniyang tinutukoy . Ang bilin nya sa akin ay ibigay ko raw iyan sa babaeng pinaka importanti sa akin .. ikaw nga iyon rosita .

Napangiti ako sa kanyang sinabi , tunay ngang napaka bait ni Ginoong Krisostomo at ni Armando .. bagay lamang na mag kasama silang dalawa .

[ARMANDO] : Alam mo ba rosita? Napaka bait ni Doktor Krisostomo , ibinalhan nya ko ng mga magagandang damit . Parang anak nya ako kung ituring . Sabik daw kasi sya mag ka anak dahil wala nga raw siyang ibang inibig kundi si Senyora lang  .
[ROSITA] : Napaka tapat nyang mag mahal sa aking ina . Napaka swerte siguro ni ina sa kanya .
[ARMANDO] : Hwag ka mainggit Rosita , ganoon rin naman ako . Kahit anong mangyari ikw lamang ang aking mamahalin .
[ROSITA] : Pangako?
[ARMANDO] : Oo naman! Pangako lampas hanggang langit!
[ROSITA] : Hahahaha! Puro ka talaga kalokohan armando .

Habang magkasama kami ni armando lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya ... walang katumbas ang aking saya .. ganoon rin naman ang nakikita ko sa bakas ng kanyang mga mukha ...

[ARMANDO] : nabasa mo ba ang aking sulat?
[ROSITA] : Oo napakagaling mo ng mag sulat Armando ! Napahanga mo ako.
[ARMANDO] : Hehe salamat rosita , subalit nahihirapan parin kasi akong bumasa . Kailangan kopang gumamit ng kodigo upang makapag sulat . Wag kang mag alala matututunan ko rin yoon . Pasensya na rin alam kong nahirapan kang basahin ang sulat ko sapagkat napakagulo.
[ROSITA] : Ayos lang yon . Ang mahalaga ay natututo kana .
[ARMANDO] : Napaka ganda at napaka galing naman kasi ng guro ko!

Palambing nyang sinabi iyon at sabay yakap nya sa akin at halik sa noo... sinabayan ko ang yakap nya , sobrang sarap sa pakiramdam ang mayakap sya . Tila ba ayaw ko na syang bitawan .

Nag pasya na kaming bumalik sa kubo , napansin namin na hindi na nag uusap si Ina at si Ginoong Krisostomo, wala kaming ideya kung bakit .

"Ayan na pala sila .. sya nga pala Armando , sa bahay ko muna doon ka tumira . Gaya ng ating napag usapan , doon ay tuturuan kita sa lahat ng bagay na aking nalalaman . Ayos ba?"
Sabi ni Ginoong Krisostomo kay armando .

"Salamat po Doktor"
Nakangiting sagot ni Armando ..

"Halikana Rosita , oras na rin at kailangan nanatin umuwi "
Sabi sa akin ni inay .

Nag paalam nakami kay Ginoong Krisostomo at kay Armando , pero ihahatid na raw kami ni ginoong Krisostomo

Hinawakan ni armando ang aking mukha ..

[ARMANDO] : rosita , gagawa ako ng paraan upang matanggap ako ng iyong ama pagdating ng araw . Pinapangako ko yan .

Parang ganoon rin ang sinabi ni Karlo sa kanyang sulat ... pero sige , Aasahan ko yan armando ...


Umuwi na kami ni inay at hinatid kami ni Ginoong Krisostomo gamit ang kanyang sasakyan . Doon ay nag paalam na ng tuluyan si Armando ..

Hindi ko alam kung kailan ulit kami mag kikita . Basta ang alam ko lang ay Mahal namin ang isat isa ...

Muli akong bumalik sa aking silid at doon ay sinamahan ako ng aking ina ..

[FASITA] : Rosita anak ..
[ROSITA] : Po?
[FASITA] : Masaya ako at masaya kayo ni Armando , sana ay ipag patuloy nyo lamang .. nais kong mag karoon ka ng masayang buhay . Sa nakikita ko ay hindi ka pababayaan ni Armando ..

Napaka bait talaga ng aking ina , niyakap ko sya ng napakahigpit . Napakasarap sa pakiramdam na may roon akong inang sumusuporta sa mga nais ko .

**KINABUKASAN**
Marso 22, 1941 - Alasotso ng umaga



Napakasarap ng simoy ng hangin , napakasarap sanang mag palipad ng saranggola .. ano kayang ginagawa ni Armando sa mga oras na ito? Sa tingin ko naman ay nasa mabuti syang kamay..

Habang minamasdan ko ang bughaw na kalangitan at ang berdeng mga halaman .. napansin ko bigla ang lumang silid ni armando ... naisipan ko itong puntahan ...

Binuksan ko ang kanyang silid , nandito pa ang mga lumang gamit ni Armando kaya pinag sama sama ko ito upang itabi , ibabalik ko sa kanya ang mga ito kapag muli kaming nag kita ..

Palabas na ako ng may napansin ako sa bandang labas ng pintuan . Pinulot ko ito at bigla nalamang akong naluha ...

Nakakalungkot dahil sa gumamelang ito ay nasaktan ko ang aking taong pinaka mamahal subalit nagawa nya parin itong maiuwi para ibigay sa akin .. hindi ko mapigilan lumuha ... dahil naalala ko ang mga ng yari kay Armando ng gabing iyon ... hindi ko man lamang sya natulungan ...

Itinabi ko ang gumamela .. inilagay ko ito sa isang maliit na baul kasama ang ginuhit ni armando pati narin ang sulat ni Armando ..

Napakaswerte ko ... ramdam na ramdam ko ang pag mamahal ni Armando sa akin . Hindi na ako makapag hintay pang masilayan siyang muli ... mahal kong armando .. kung nasaan ka man , sanay palagi kang mag iingat .


Sinulat ko nalamang ang aking mga nararamdaman ... para kapag nag kita kami ni armando ay ma ikwento ko sa kanya lahat ng ito ..

-ITUTULOY-

Durungawan (Unang Yugto) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon