KABANATA 8
"Pangalan"{Armando}
Sa kubo,
Hating gabi at malakas ang ulanNakatulog na si Rosita , malakas parin ang ulan sa tingin ko ay hindi kami makakauwi .. nag aalala ako dahil baka mapagalitan si Rosita kay aling pasing . Habang nag papahinga si Rosita ay ipinag luto ko s'ya ng kanyang makakain .
Ngayon ko lamang s'ya masisilayan ng matagal . Napaka ganda parin nya maging sa kanyang pag himbing ..
"Armando"
Tinawag ako ni Rosita , hindi ko alam kung nananaginip lamang sya .
"May kailangan kaba o dikaya naman ay gustong kainin ? Tubig gusto mo ba? Kumusta ang pakiramdam mo?"
Nangangambang tanong ko kay Rosita .
Hinawakan nya muli ang aking kamay at nilagay sa kanyang dibdib .. napalunok ako sapagkat hindi ko pa naramdaman ang ganitong bagay .
Niyakap nya ang aking kamay . Hinayaan ko lamang sya para hindi sya ginawin pa .
"Hindi kaba nangangawit ? Kanina kapa nakaupo sa harapan ko .. Mahiga ka .. tska ka tumalikod sakin para hindi ka mangawit"
Sabi sa akin ni Rosita"Naku . Rosita , ayos lamang ako . Hwag mokong intindihin . Ang mahalaga ay ang kalagayan mo . Mag pahinga ka nalamang at ako ng bahalang mag paliwanag bukas kay aling pasing"
Sabi ko kay rosita habang nilalagay ko ang basang panyo sa kanyang noo ."H'wag mong masyadong isipin yun . May iniwan akong sulat kay aling pasing . Ang alam nya ay hindi tayo mag kasama . Mabuti nalamang at nilagay ko sa sulat na pupunta ako sa tyahin ko sa Bulacan"
Sabi sakin ni Rosita habang syay nakangiti .Mabuti nalang kung ganoon. Hindi ko rin alam ang ipapaliwanag kung sakali man malaman nilang mag kasama kami ... nakatulog na ulit si Rosita . Inaantok narin ako . Ang ulan ay hindi pa tumitila , kaya naisip kong matulog na rin .. hindi ako humiga sa tabi ni Rosita pero naka bantay parin ako sa kanya .
Marso 16, 1941 - Alas sais ng umaga
Hindi ko namamalayan napasarap ang tulog ko . Muntikan ko ng makalimutan na may sakit nga pala si Rosita ,
"Rosi—"
Wala na sya sa higaan nya . Saan sya nag punta? Naptingin ako sa aking kamay . Yung laso na suot nya pang ipit sa kanyang buhok ay nasa palad ko .
Mabuti na kaya ang kanyang karamdaman?
Bumangon na ako at nag simula ng mag lakad pabalik ng Hasyenda . Nag aalala parin ako sa kanyang kalagayan ...
BINABASA MO ANG
Durungawan (Unang Yugto) Completed
أدب تاريخيSi Rosita ay nag iisang anak lamang , isang anak mayaman labing siyam na taon gulang (19) taga maynila . Ang kanyang ama ay isang Sikat at magaling na abugado, ang kaniya namang ina ay Doktora sa isang malaking ospital sa Pampanga . Habang si Armand...