Kabanata 12

11 1 0
                                    

KABANATA 12
"Timbangan"

KABANATA 12"Timbangan"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

{Rosita}

**Liham Ni Karlo**
Abril 27, 1940

Mahal kong Rosita ,

Sa mga oras na ito saksi ang langit at lupa , Ako ngayo'y maglalakbay hindi para lisanin ka kundi para maipaglaban ka . Masakit para sa akin ngunit kailangan kong tanggapin at tiisin .

Takap ng tadhana sabay nating labanan , hwag mo sanang iisiping ika'y aking tinalikuran . Batid ko lamang ay maipag malaki mo balang araw . Hwag ka sanang magalit , sana'y ikaw ay suminuhod sa aking desisyon . Wari koy makasama ka habang buhay subalit hadlang ang aking kahirap .

Alam kong mahirap subalit kailangan , sa mga oras na mabasa mo ito ay abot langit na pag hingi ng tawad ang aking inaasam sapagkat pinag hintay kita sa ating tagpuan , ako sana'y iyong muling mapatawad.

Gagawin ko ito para sa ikabubuti ng ating pag iibigan , pinapangako ko sa iyo hahanapin kita kahit saang dulo ka man ng daigdig naroroon . Hintayin mo ang aking pag babalik , at pinapangako kong sa oras na yoon ay bukas na ang puso ng iyong ama para sa isang katulad kong dukha , sana sa oras ng aking pag babalik ay ako parin ang siyang laman ng iyong puso . Pinapangako ko ito Rosita , mag hintay ka lamang ako ay darating hindi para itanan ka , kundi para hingin muli ang iyong kamay sa iyong ama sa pormal na pamamaraang alam ko . Pinapangako ko ikaw lamang ang s'yang iibigin ko Rosita.

Lubos na nag mamahal , Karlo

************



Sa hasyenda , Marso 20, 1941 - Tatlong araw ang nakalipas matapos ang pagkakabugbog ni Don Robert kay Armando .



Ilang araw na rin ang lumipas mula ng mapalayas si Armando... ni bakas ng kanyang tinig ay hindi ko marinig .. kumusta na kaya sya? Sana ay maayos ang kanyang lagay , kung may ng yari mang hindi maganda kay Armando ay hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili ..

Mabuting tao si Armando , hindi ako mag tataka kung bakit madaling nahulog ang loob ko sa kanya .. halos wala silang pinag kaiba ni Karlo , pareho silang maprinsipyo . Sa dami rami ng mga nakilala kong ginoo , silang dalawa palamang ang nag pakita sa akin ng tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig ..

Naalala ko bigla noong umamin sa akin si Armando , gusto ko na sanang lumayo sa kanya subalit hindi ko rin mapigilan ang aking nadarama . Ano kaya ang kanyang ginagawa sa mga oras na ito? Mag kikita pa kaya kami? Sana ay nasa mabuti syang kalagayan .

"Rosita? Dinalhan kita ng makakain"
Boses ng aking ina papasok sa aking silid ...

[FASITA] : Anak? Binabasa mo nanaman ang liham ni Karlo? Umaasa ka parin bang babalik sya?
[ROSITA] : Wala lamang po akong magawa kaya ko ito binasang muli ina.
[FASITA] : gusto mo bang lumabas tayo mamaya? Mukhang kailangan mong lumanghap ng sariwang hangin .
[ROSITA] : Salamat nalamang po ina subalit , mas komportable akong nasisilayan ang magandang tanawin dito sa Durungawan,
[FASITA] : nag aalala rin ako kay Armando , kawawa ang batang iyon . Napaka bait nya pa naman .
[ROSITA] : Matapang si Armando , yoon ang pag kakakilanlan ko sa kanya . Sigurado akong nasa mabuti syang kalagayan ngayon .
[FASITA] : Parang nakikita ko si Karlo sa katauhan ni Armando , may posibilidad bang umibig ka kay armando ?

Napatingin akong bigla kay ina .. ayos lang siguro kung sasabihin ko sa kanya ang totoo , mag kasundo naman kami sa lahat ng bagay at ni minsan ay hindi nya ko pinag bawalan sa mga nais ko ..

[ROSITA] : Paano po ba inay kung ang matagal mo ng hinihintay ay biglang bumalik subalit may iba kanang iniibig?
[FASITA] : Maganda ang tanong mong iyan anak , subalit . Ikaw lamang ang makakasagot sa tanong mong iyan . Kung alin ang mas matimbang ? Ang taong gumagawa ng paraan maging karapatdapat lang , o ang taong gagawin ang lahat makamptan ka lang . Hindi bat parang parehas lang? Kaya ang desisyon ikaw lang ang nakakaalam.

Matapos mag salita ni ina ay lumabas na ito ng aking silid , habang minamasdan ko ang bundok arayat mula sa durungawan . Napaisip ako sa kanyang sinabi kung alin nga ba ang mas matimbang ..

"Psst!"

Ano yun? May narinig akong pumapaswit . Guniguni ko lamang ba iyon?

"Psssst! Ro-si-ta"

Mahinang boses mula sa labas ng bakuran . Dumungaw ako sa bintana upang makita kung sino ba iyon . Ng aking tignan ay nakita ko si Armando . Mukhang masigla at malakas na syang muli .

"Arman—"
Naptigil ako . Baka nga pala marinig ako ng aking ama , sa sobrang saya ko ay halos hindi ko maawat ang aking sarili sa sobrang tuwa..

Umakyat ng bakod si armando para maka akyat sa puno ng santol ..

[ARMANDO] : Rosita , kumusta kana? Pasensya kana ngayon lamang ako naka balik . Napunta kasi ako sa malayong lugar . Dinalhan nga pala kita ng prutas at bulaklak .

Inabot ni armando ang kanyang mga pasalubong sakin , nagagalak akong makita syang masaya at malusog.

[ROSITA] : Bakit ngayon ka lang? Pinag alala mo ko ng lubos .
[ARMANDO] : Naku , tska kona i kwekwento sayo . May sulat ako dito oh kuhanin mo . Sinulat ko yan . Pasensya kana mejo mali mali siguro yung sulat ko . Hindi pa kasi ako ganoon ka bihasa mag sulat , anjan ang storya habang wala ako dito .

May inabot syang papel sa akin . Natutuwa ako dahil kahit paano ay nakakasulat na sya .

[ARMANDO] : Nanjan ba ang iyong ama?
[ROSITA] : Oo nandito sila , kaya hinaan mo lamang ang iyong boses baka marinig ka nila .
[ARMANDO] : Bukas , mag kita tayo sa kubo . Ala una ng hapon . Ihintayin kita

Sinabi nya iyon habang pababa sya ng puno , mukhang aalis na sya halos kararating palang nya .

[ROSITA] : Armando? Aalis kana agad?
[ARMANDO] : Hindi ako pwedeng mag tagal dito . Basta bukas Rosita ha? Sa kubo . Ihintayin kita .

Kumaway na sya at umalis na . Natutuwa ako at nalaman kong maayos naman ang kanyang kalagayan .

"Mabuti naman ay ayos lamang si Armando , mukang nakabawi na sya mula sa pagkakabugbog ng iyong ama . at mukhang marunong narin syang sumulat , mahusay ka talagang guro Rosita"
Nagulat ako sa mga narinig ko at napatingin ako sa likuran ko .

[ROSITA] : Ina? Kanina pa ho ba kayo jan?
[FASITA] : Ikunuha lamang kita ng maiinom , nakita nga ako ni Armando na nakatayo dito ngunit tumango ako sa kanya upang ituloy nya ang inyong pag uusap.

Nakangiti si ina , niyakap ko sya dahil kahit ganoon lamang si Armando ay hindi ako pinag babawalan ng aking ina .

[FASITA] : Maaari ba kong sumama sa inyo bukas? Nais kong makita ang magandang tanawin sa inyong pupuntahan .
[ROSITA] : Talaga ho? Sige po ina!

Tuwang tuwa ako sa mga sinambit ng aking ina .

Pangarap ko rin marinig ito sa aking ama , subalit maririnig ko lamang ito kung ang aking kalaguyo ay isang marangyang tao , yoon naman lagi ang nasaisip nya .


Ilang oras ang lumipas bago ako matulog .. naisipan kong basahin ang sulat kamay ni Armando , natutuwa ako ng buksan ko ito .






-ITUTULOY-

Durungawan (Unang Yugto) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon