Kabanata 29

7 0 0
                                    

KABANATA 29
"Ang Kasinungalingan ni Karlo"

KABANATA 29"Ang Kasinungalingan ni Karlo"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

{Rosita}
Mayo 8, 1942
Alas dos ng hapon



Natapos na ang gyera . Tuluyan ng nasakop ng mga Hapon ang buong pilipinas , wala na kong balita kay Armando .  Hindi parin ako nawawalan ng pag-asang babalik pa s'ya.


Sinubukan kong pumunta ng palengke upang tignan kung naroon ang ina ni Armando, laking tuwa ko ng makita ko si Aling Lydia . Ngunit bakas ang lungkot sa kanyang mga mata . Kaya agad agad ko itong nilapitan .

[ROSITA] : Magandang araw ho aling Lydia . Kumusta na ho kayo?
[LYDIA] : Ikaw pala Rosita ..
[ROSITA] : Ayos lang ho ba kayo? Gusto nyo po ba sa Hasyenda na muna kayo tumira ?
[LYDIA] : Salamat nalamang ineng , maayos lamang ako rito . Kung sakali mang bumalik ang anak kong si Armando , ito ang unang lugar nyang pupuntahan upang hanapin ako .

Bakas sa mukha ni Aling Lydia ang kalungkutan at pangungulila kay Armando . Pareho lamang kami ng nararamdaman .

[LYDIA] : Sino nga pala iyang kasama mo? Bagong nobyo mo ba?
[ROSITA] : N-naku hindi ho , kaibigan ho namin ni Armando si Karlo . Nakasama ho nya sa digmaan .

Nagulat si aling Lydia at tumayo sa kanyang kinauupuan at nilapitan si Karlo

[LYDIA] : Nakasama mo ang aking anak?? Nasaan siya? Kumusta ang kalagayan nya?? Bakit nandito ka at wala si Armando? Wala ba syang sulat para sa akin???

Mangiyak ngiyak nyang tanong kay Karlo.

[KARLO] : P-paumanhin Ginang , subalit .. unang linggo palamang ho ng digmaan ay ipinalipat na ho ako dito sa Pampanga sapagkat akoy nabalian ng kamay ng mga oras na yoon. Bago ho ako lumisan sa bataan ay maayos lamang po si Armando , subalit wala na ho kaming naging balita sa kanya . Malakas ho ang kutob ko na buhay pa ho siya sapagkat wala pong bangkay na natagpuan mula kay armando .
[LYDIA] : Kung buhay sya ay nasaan ang aking anak???? Bakit hindi pa siya umuuwi??? Pinagmasdan ko isa isa ang mga Nag martsa mula sa bataan subalit ni isa ay walang bakas ni Armando, tanging bangkay lamang ni Ernesto ang aking nakita 😭😭😭
[KARLO] : Ikinalulungkot ko hong marinig iyan mula sa inyo . Patawad ho . Huwag po kayong mawalan ng pag asa ni Rosita , babalik ho sya . May tiwala po ako sa kanya . Saksi ako sa mga katapangan nya .

Labis na kalungkutan sa mukha ni aling Lydia . Hindi na ito kumibo mula ng mga araw na iyon . Hindi narin namin siya nakikita sa palengke tuwing kami'y mamimili ng gulay .



Disyembre 2, 1942 - Mag iisang taon bago ang anibersaryo ng digmaan
Alas Otso ng gabi / Sa hasyenda

Isang gabi habang kami ay nag hahapunan .




Durungawan (Unang Yugto) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon