Kabanata 16

9 0 0
                                    

KABANATA 16
"Lampara"

{Rosita}Abril 21, 1941 - alas onse ng umaga , sa harap ng hasyenda habang kausap ang estranghero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

{Rosita}
Abril 21, 1941 - alas onse ng umaga , sa harap ng hasyenda habang kausap ang estranghero .


"Paumanhin ginoo"
Sabi ko sa kanya . At lumakad na ko patalikod .

"Sandali lamang binibining rosita!"
Sambit ng estranghero habang akoy nag lalakad pabalik sa aming bahay nagulat ako dahil alam nya ang aking pangalan .

"Kaibigan ako ng iyong kasintahang si Armando!"
Sigaw nyang muli .

Sa pag kakataong iyon ay napatigil ako sa pag lalakad at napatingin ako pabalik sa kanya .

"Sinabi mo ba ang pangalang Armando?"
Tanong ko sa kanya .

"Oo binibini , kaibigan nya ako"
Sabi nya sa akin habang nakangiti .

Pinapasok ko sya at doon sa hardin kami ay nag usap .. mukha naman syang mabait at hindi gagawa ng masama .

[ROSITA] : Paumanhin ginoo subalit hindi ko alam ang iyong pakay . Ano ang iyong nais at binigyan mo ako ng bulaklak?
[ERNESTO] : Nakiusap si Armando sa akin , pinapaabot nya yang bulaklak na yan kaya lang nahihiya ako kaya nag utos nalamang ako ng isang musmos . Pasensya na nga pala kung natakot ka . Nakakabilib talaga tong si armando , akalain mo yun? Isang Dyosa ang kanyang kasintahan ! Nais rin pala nyang malaman ang iyong kalagayan kaya ako naparito.
[ROSITA] : Nag kita kayo ni armando? Nasaan sya? Maayos lang ba ang kalagayan nya?
[ERNESTO] : Ah oo noong isang araw pa , hinala nyang mag sisimba ka ngayong linggong ito kaya naman nakiusap sya sa akin . Ipinakita nya sa akin yung larawan mo , noong una nga ay hindi ako makapaniwalang nobya ka nya eh . Kaya nag dadalawang isip akong sundin ang kaniyang bilin. Baka mamaya e masampal at mapahiya lamang ako .
[ROSITA] : bakit hindi sya nag pakita sa akin? May itinatago ba sya?
[ERNESTO] : Naku rosita wala . Sa katunayan ay alalang alala sya sa iyo . Nais man nyang puntahan ka dito ay nag iingat lamang raw sya nabaka makita sya ng iyong ama at baka lumala raw ang galit nito at tuluyan kang ilayo sa kanya .
[ROSITA] : Ganoon ba , subalit mag iisang buwan narin wala ang aking ama , nakalimutan kong sabihin sa kanya kaya marahil ay hindi nya alam ang bagay na iyon .
[ERNESTO] : Malamang ay hindi nga nya alam ang bagay na iyon .. nabanggit rin nya sa akin na sumali sya sa hukbo ni Colonel Miguel V. Zer , kung ganoon ay makakasama ko syang mag ensayo para maging ganap na sundalo .
[ROSITA] : Talaga? Mag susundalo ka rin? Magandang balita iyon . Kung ganoon ay mapapanatag ako dahil makakasama ka pala nya .
[ERNESTO] : Hehe ganoon na nga rosita , siya nga pala? Wala kabang nakababata o di kayay nakakatandang kapatid na babae?
[ROSITA] : Huh? Wala . Nag iisang anak lamang ako ng aking mga magulang . Bakit mo naman iyan na itanong?
[ERNESTO] : Sayang.
[ROSITA] : Ano kamo?
[ERNESTO] : Ah wala hehe sya nga pala . Mauuna na ako at may gagawin pa ako .
[ROSITA] : Sige , salamat sa iyong oras ernesto . Ikumusta mo nalang ako kay Armando kapag nag kita muli kayo. Paki sabi na rin sa kanya na maayos lamang ako .
[ERNESTO] : Makakaabot kay Armando . Osige na hanggang sa muli .

Umalis na si Ernesto , natutuwa ako dahil nalaman kong makakasama pala ni Armando ang kaibigan nyang si Ernesto sa kaniyang pag sasanay ..

Pumasok na ako sa aming bahay at sinabayan kumain si ina .

[FASITA] : Sino iyong kausap mo kanina anak?
[ROSITA] : ah kaibigan ho ni Armando .
[FASITA] : Ganoon ba . Bakit siya naparito?
[ROSITA] : Ikinumusta lamang ho ako ni Armando .


Ilang sandali lang habang kami ay kumakain . Dumating na ang aking ama kasama ang mayabang na si James at ang kanyang mga sundalo .

[DON ROBERT] : Anak , kasama ko si James ngayon, nais ka raw niyang makausap
[JAMES] : How are you Rosita? I brought you some chocolates , take it .
[ROSITA] : Thank you but , i dont eat sweets. Excuse me .

Pumunta ako sa aking silid at sa durungawan akoy nag masid .

May isang sundalo ang nag tungo sa aming hardin , parang may hinahanap sya .

"Mawalang galang na ho ginoo, may hinahanap po ba kayo?"
Tanong ko sa kanya.

"Ah oo binibini , nasaan na yung hardinero nyo? Yung binatang lalaki"
Tanong nya sa akin , sigurado akong si Armando ang kaniyang hinahanap ..

"Ah , nasa bakasyon lamang . Babalik rin iyon , bakit ho?"
Tanong ko sa kanya .

"Ah ganoon ba . Wala naman , kukumustahin ko lang sana siya"
Sabi nya habang naka ngiti .

"Mag kakilala ho ba kayo?"
Tanong kong muli sa kanya .

"Di naman masyado pero ako kasi ang magpapasok sa kanya sa hukbong sandatahan, ako nga pala si Colonel Miguel Z. Ver . Tawagin mo nalamang akong mike , paki sabi nalamang sa kanya hinahanap ko siya. maraming Salamat"
Sabi nya sa akin at nag lakad na sya pabalik sa kanyang mga kasama .

Kung ganoon siya pala ang Kolonel na makakasama nila Armando at Ernesto .

Natutuwa ako dahil nakilala ko ang kanilang magiging pinuno ..

[JAMES] : Excuse me Rosita , Can we talk ?

Napatingin ako sa aking likuran , nandun nanaman ang mayabang na si James .

Hindi ko sya pinansin at sa malayo parin ako nakatingin ,

[JAMES] : im going back to Hawaii to join the US forces and allied troops in Pearl Harbour , i'm affraid not to see you again but , please take this as my gift to your birthday ..

Inabot nya ang isang Lampara na gawa sa napakagandang salamin alimoy kristal .

[JAMES] : Use that lamp every night while you are writting some novels , i know how much you love to write .
[ROSITA] : Salamat .

Nag pasalamat lamang ako subalit hindi ko parin siya kinakausap ng matagal , ayokong humaba pa ang aming usapan .

[JAMES] : I just wanted you to know that I've never met a girl like you before , you have to take good care of your self . Probably this would be the last time that you will see me . Good bye Rosita , i wish i could see your beautiful face again .

Lumabas na sya matapos nyang mamaalam .

Tumingin ako sa kanilang pag alis , bagaman nalungkot ako sa kanyang mga sinabi ay natuwa na rin ako sapagkat matittigil na rin ang pangungulit nya sa akin .

[DON ROBERT] : Rosita , nagpadala ako ng mga bago nating makakasama sa bahay . Ito si Maria at ito si Rowana ito naman si Jojo , sila ang magiging bantay mo kung saan kaman mag pupunta . Si jojo ang magigiging personal mong tagapag bantay kapag lalabas ka ng bahay .
[ROSITA] : Ha?! Hindi ko kailangan ng bantay . Malaki na ho ako at hindi na bata .
[DON ROBERT] : Mas maganda na ang nag iingat kaysa sa maulit muli ang ng yari sayo .

Mula noong araw na iyon palagi nalang may naka buntot sa akin , kasama ko lagi sa kwarto si Maria at Rowana . Palagi silang naka bantay sa akin maging sa silid , kapag naman lalabas ako ng bahay ay nakabuntot parin sila pati na si Jojo. Kung sakali mang babalik si Armando ay hindi na sya maaring makipag usap sa akin dahil baka ano pang gawin ni Jojo sa kanya . At baka mag sumbong rin sila kay ama .

-ITUTULOY-

Durungawan (Unang Yugto) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon