Kabanata 27

9 0 0
                                    

KABANATA 27
"Martsa ng Kamatayan"

{Armando}Abril 9, 1942 - Araw ng pag-suko Ala una ng hapon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



{Armando}
Abril 9, 1942 - Araw ng pag-suko
Ala una ng hapon .


Libo libong sundalong pilipino at amerikano ang nag hati sa isang daang grupo . Napapalibutan kami ng mga sundalo ng hapon .


Nakarating sa amin ang balitang dadalhin nila kami sa Camp'O Donnell sa Capaz Tarlac . wala kaming masasakyan sapagkat ang tren ay nasa Pampanga pa at nalaman namin na paglalakarin lamang nila kami sa layong mahigit isang daang kilometro .

Marami sa amin ang nagulat at nag rereklamo , sino mang mag reklamo ay papatayin ...

Binigyan nila kami ng pagkain . Ito unang beses nakakain ulit kami . Kaunti lamang ang binigay nilang pagkain at wala itong tubig . Hindi namin alam na iyon na pala ang huling pag kain namin

"Sore ga saigo no shokujidesu! Watashitachi ga koshin o hajimeru toki, anata wa tabe tari non dari dekimasen !! Shitagawanai baai. Anata ga shindeshimau!!"
(Iyan na ang inyong huling makakain! Hindi na kayo maaaring kumain at uminom kapag nag simula na ang martsa! Ang sino mang hindi sumunod ay papatayin!)

Nag simula na kaming mag lakad . Ang mga kasamahan naming mga nasugatan sa laban ay binuhat namin .

Ang mga mahihina at mabagal mag lakad ay hinahampas ng Latiko ,

Habang nag lalakad kami ay pinapanood kami ng mga pilipinong sibilyan . Sila ay umiiyak , ang perlas ng silanganan ay nag durusa .. ang aming inang bayan ay tuluyan ng nasakop ng mga hapon .. bakas sa kanilang mga mukha ang kagustuhang makalaya ..

May mga ilang pilipinong mamamayan ang mga nag aabot sa amin ng pagkain subalit kapag nakikita ito ng mga hapon ay walang awa nila itong binabaril . Sadyang nakakatakot ang araw na ito . Isang bangungot . Bangungot na hindi maaaring gisingin .

"This is too much ... i cant take it anymore ... the Death March is the worse thing that happened in this world"
Sabi ng kasamahan namin habang ito ay umiiyak at nakaluhod .

"Ugoke! Tomaranai de!"
(Kilos! Huwag kayong titigil sa paglalakad)
Sabi ng sundalong hapon habang hinahampas ito ng latiko .


Ilang oras na kaming nag lalakad at bawal ang mag pahinga . Marami sa amin ang uhaw at pagod na .

Bigla nalamang natumba si Ernesto .

"Ernesto!"
Agad ko siyang itinayo bago pa sya makita ng mga hapon .

"Armando . Hindi kona kaya . Malayo pa ang ating tatahakin . Ayos lang iwanan mona ako dito"
Pagod na pagkakasabi ni Ernesto .

"Hindi kita iiwan , dibat nangako tayo na lalaban tayo hanggang dulo?"
Sabi ko sa kanya atska ko sya isinakay sa aking likuran .

Madilim na at hindi parin kami pinapatigil sa pag lalakad ... may mga iilan sa amin ang nag tangkang tumakbo subalit hindi sila nakatakas sa kamay ng masasamang hapon ...


Durungawan (Unang Yugto) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon